Chapter 8

251 10 4
                                    

Marahan ako napamulat nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Marahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard bago nag-unat-unat at kinuha ang cellphone ko na panay ang ring.

Two weeks na rin ang lumipas simula nang mapag-usapan namin ni maverick 'yung about sa past ko, mas naging okay at maluwag kami sa isa't isa.

Napalingon ako sa tabi ko at nakita si maverick na natutulog, sa pagkakaalam ko wala siyang shoots or meeting ngayon.

Humingi raw siya ng 3 days break sa manager niya, pinagbigyan naman daw siya since, natapos niya na lahat ng need na i-shoots sa loob ng two weeks.

May unang movie na siya which is ang first debut niya as a artist, sikat na naman kasi siya pero bilang model.

Nakapag-shoot na raw sila dati, tapos nagtuloy ulit nang halos buong dalawang linggo derederetsyo, hindi naman daw kasi dapat si maverick ang pinaka bida doon, eh kaso nagka-problem sa pinaka artist na bida and nakitaan nila si maverick kaya siya ang pinalit, malapit na kasi matapos ang pinaka end of shooting ng movie na pinag-usapan kaya two weeks din siyang wala sa bahay kasi tuloy-tuloy ang shoot at sa malayong lugar pa, pero, natawag naman siya. Madalas video call lalo na kapag tutulog na kami gusto raw niya makita ang mukha ko.

Ewan ko sa siraulong 'to.

"Hello?" Inaantok kong sagot, napalingon ulit ako kay maverick nang ipatong nito ang braso sa dalawang hita ko na nababalutan ng kumot.

"Alam mo ba sheena? Bwisit!" Gago?! Gandang bungad ng kaibigan ko kahit kailan.

Ano naman kaya problema nito?

"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko. Nilingon ko ulit si maverick, gising na ito ngayon at naningingkit ang mata nakatingin sa'kin. Yumuko naman ako at hinalikan siya sa labi.

"Good morning." Bati ko saka bumalik ulit sa posisyon. "Yuck, ba't may narinig akog tunog ng kiss?" Natawa ako. Gaga talaga, alangan may asawa ako. Normal lang ang halik.

"Ingit ka?" Tumawa pa ako lalo nang marinig ko siyang sumigaw. Baliw talaga, hindi na ako magtataka kung bakit kami naging magkaibigan.

Inunat ko ang paa ko, mas nakakalakad na ako ng maayos, ika-ika nga lang pero, hindi na tulad nang dati na need pa ng saklay para makalakad ng mabilis.

"Good morning... Wifey." Hindi ko napigilan ang sariling ngumiti ng marinig ko si maverick, halatang-halata sa boses na antok pa siya. Palibhasa na kakuha ng break sa manager niya ay uminom kagabi sa bahay ng pinsan niya, si brixton.

Mabait naman 'yung manager ni maverick, hindi mahigpit sa kan'ya. Tska sinabi rin sa'kin ni becca na kahit hindi na ipasok si maverick sa mga loveteam na 'yan para lang sumikat ang asawa ko. Mag-topless nga lang ata sa harap ng tao si maverick trending na agad.

Totoo naman ang sabi ni becca pero, wala naman issue sa'kin if magkaka-meron siya ng official loveteam kung baga, screen partner. Trabaho niya 'yun tska, hello! Ako ang asawa, kasal sa'kin at mahal na ako, syempre sa'kin pa rin uuwi 'yan.

"Punyeta ka sheena! Badtrip ako rito tapos lumalandi ka!" Mas lumakas ang tawa ko. "Bakit nga? Anong problema?" Tanong ko ulit, saka lumingon kay maverick na humiga sa hita ko, tulog ulit. Ano pa nga ba. Pagod sa trabaho eh tinatapos niya halos lahat maski ang naka-schedule next week tinapos niya para raw may time siya sa'kin.

"Ganto kasi, si punyetang kenneth pinuntahan ako kagabi." Kumunot ang noo ko. Ano naman ang kailangan ng lalaking 'yun sa kaibigan ko. Wala na naman akong galit kay kenneth, kahit mag-sorry nalang siya sa'kin okay na 'yun. Ayaw na ayaw ko sa lahat nagtatanim ng sama nang loob sa isang tao.

"Oh tapos?" Tanong ko. Ano naman kaya agenda ni kenneth. Hinaplos-haplos ko ang buhok ni maverick para hindi siya magising, highblood si kia. Masyado malakas ang boses niya kahit hinaan ko pa volume ng cellphone ko.

"Hinahanap ka ni punyeta! Ayun sinuntok ko nga!" Nanlaki ang mata ko. Siraulo! Dapat ako ang gumawa noon at hindi siya! Ang daya! Kumalma ako, dahil ayoko magising si maverick. Nilingon ko siya at nakita ko naman na mahimbing pa rin ang tulog niya.

"Ano nangyari?" Nag-aalala kong tanong. Hindi kay Kenneth ha, kay kia baka ireklamo kasi siya.

"Ano... Wala naman nahimatay siya kaya pinasok ko sa loob ng apartment ko."

Gago?

"Sira! Bakit mo kasi sinuntok sira ka, kia!" Sigaw ko. Bahala na kung magising si maverick, ka-highblood grabe!

"Eh punyeta eh! Kapal ng mukha hanapin ka pagkatapos ka nakawan ng pera at iwan sa altar! Pasalamat nga siya hindi mo siya pinakulong eh!" Sigaw niya, napailing nalang ako. Madadamay pa sa gulo ko ang babaeng 'to. Sa'min dalawa mas baliw siya. Mas walanghiya siya.

"Asan na ngayon?" Tanong ko. "Umuwi na, bahala siya sa buhay niya babalik daw siya, pakialam ko naman sa kan'ya." Na-imagine ko na agad na umiirap siya habang minumura niya si Kenneth sa isip niya, grabe. Kaibigan ko talaga siya. Mas baliw nga lang.

"Pag-bigyan mo." Kalmado kong sabi. "Na ano?"

"Kakausapin ko, bahala na si batman ku-"

"Hoy sheena tumigil ka! May asawa kana!" Lumukot agad ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Tarantada! Alam ko may asawa ako! Kakausapin ko lang 'yung tao."

"Ay oo nga naman." Umiling nalang ako. "Sige, babalik 'yun mamaya. Tawagan kita para makapag-usap kayo pero kasama dapat ako."

"Oo. Wala na naman akong pakialam sa lalaking 'yan."

"Same. Punyeta siya!" Tumawa ako, gigil na gigil si gaga. Asarin ko nga.

"Baka siya forev-"

"Yuck! Ew! Virus na punyeta! Sheena 'wag please may sumpa pa naman 'yang bibig mo!" Tawa ako nang tawa, gagi kahit kailan ang sarap asarin ni kia.

"B-Bakit ba?" Tuloy pa rin ako sa tawa, ang sakit na ng tiyan ko grabe.

"Haha. Punyeta ka sheena, no way hindi ko papatulan ang gagong 'yun! No to ex ng bestfriend ko!"

"Sus. Wala naman issue sa'kin if kay-"

"Shut up! D'yan kana nga! May sumpa bibig mo madalas nagkakatotoo mga pinasabi mo! Pagurin ka sana ng asawa mo para hindi ka makalakad lalo!"

"Hoy! Siraulo ka!" Pinatay na niya ang tawag kaya tawa lang ako nang tawa.

"Ang cute mo." Gano'n nalang kabilis ako natigilan. Ay shit! May asawa nga pala akong natutulog sa hita ko.

"Hala sorry nagising ka." Sabi ko agad, tumayo siya sa pagkakahiga at sumandal din sa headboard ng kama at naupo sa tabi ko bago ako pinagkatitigan.

"It's okay, so hindi ko nasabi sa'yo kagabi. May family dinner mamaya sa mother side ko, so which is kailangan nando'n ako. Gusto ka rin pala nila makilala." Kinabahan ako dahil sa sinabi niya, paano kung husgahan nila ako.

Tsk. Siraulo sheena, mabait ang asawa mo sure ka dapat na mabait ang magulang niya.

"Anong oras ba tayo pupunta doon? May lakad kami mamaya ni kia." Hindi ko pa-sure ang lakad ko with kia, syempre 'yung about kay Kenneth. Ginawa ko nalang dahilan, nahihiya kasi ako kay maverick.

"Seven PM, dapat nando'n na tayo."

"Sige, punta tayo. Sama ako." Nakangiti kong sagot, ngumiti naman siya sa'kin at inilapit ang mukha saka ako hinalikan sa noo, napangiti ako.

"Good morning again, I love you." Ngumiti ako.

"Thank you." Sagot ko, for me masyado mahal ang salitang I love you para sa'kin. Hindi ko dapat siya bibitawan sa taong gusto ko pa lang at hindi pa ako sigurado kung mahal ko na talaga, basta ang alam ko masaya ako sa kan'ya. "Take your time, wifey. Hindi ako nagmamadali." Mas napangiti ako, super understanding niya talaga.

Hindi naman siya mahirap mahalin, natatakot lang ako sa ngayon.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon