Chapter 23 - Child

8 1 0
                                    

“Gael, would you mind helping me on these cupcakes, I just baked them and I have to pour toppings on top of each.” Narinig kong saad ni Tita Zephany.

Kaagad akong lumakad nang tawagin niya ’ko ni para tulungan siya, she handed me a box full of cooled newly baked cupcakes. Inilabas rin ni Ninang Zephany ang isang pastry bag at nilagyan niya ito ng vanilla icing na ginawa niya lang kani-kanina lang.

“Hand them to me one by one, lalagyan ko ng icing.” Ngiti niya pa.

I handed the cupcakes one by by one while she tops it with vanilla icing, nakangiti siya habang ginagawa niya ’yon. It looks like she’s enjoying it, I didn’t know that she’s good at baking.

“You baked these cupcakes, Ninang Zephany?” tanong ko habang paisa-isang ibinibigay sa kan’ya ang cupcakes.

“Oo naman, hindi siguro na-kuwento sa ’yo ni Kumareng Nida na may natapos ako sa culinary arts kaya suguro ’di mo alam.” She chuckled before continuing her sentence.

“I’ve pursued baking pastries after I graduated, tapos ipinagbe-bake ko kayo ni Austin no’n ng cupcakes. But I quitted baking for a while to focus on ng son.” Ngiti niya, I didn’t knew that.

“Kapag malungkot ka, binibigyan kita ng cupcakes tapos pagkayari mong kainin ’yon ay masaya ka na ulit. Tapos alam mo ba? Sabi ng mga customers ko, they feel better daw kapag kinakain nila ’yong mga pastries ko.” She giggled. If that’s the case I’m sure she helped a lot of people suffering from depression.

“Some people say that my cupcakes heals some emotional wounds.” She added again.

“I guess, my cupcakes helped them a lot.” Natapos siya sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng mga cupcakes.

“Now, we need to distribute these cupcakes to the children.” Ninang Zephany giggled once again.

“Austin, come here. Ipamudmod niyo itong mga cupcakes, kayong dalawa ni Gael.” Ngisi pa nito.

Inilagay niya ang tig-sampong piraso ng cupcakes sa dalawang box at ibinigay niya sa ’kin ang isa. Austin then arrived and took the other box.

He smiled at me and signaled me to come with him. Kaagad naman akong sumunod habang nakangiti rin, we both entered a building full of children playing inside it.

“Wow! Mga cupcakes! Gusto ko po ng isa!” says a boy who cheerfully approached us. Nang marinig siya ng iba niyang nga kasama’y kaagad silang nagsilapit sa ’min.

“It’s for them, let’s give them some.” Ngiti ko kay Austin at tumango naman siya.

Kumuha si Austin ng isa at ibinigay sa batang lalaki, kaagad namang kinagatan ng batang lalaki ang cupcake. He jumbled in the delectable taste of what he ate, dahil do’n ay mas natakam ang mga bata sa ibinibigay sa cupcakes ni Austin.

“We have many, come on! Gael, give them some.” Austin smiled at me, nagpatuloy siya sa pagbibigay ng cupcakes sa mga bata kaya nagsimula na rin ako.

Marami kaming nabigyang mga bata, halos labing walo lahat ng na sa building, may natirang dalawa sa cupcakes kaya pinaghatian na lang namin ni Austin.

“The cupcakes are tasty, aren’t it?” he asked and took a bite. It is indeed, I believe that Ninang Zephany was surely an excellent baker kasi napakasarap ng niluto niya.

“Mom never failed to bake some good pastries, this is really delicious.” He took another bite, he was joyful.

Hindi ko pa nababawasan ang cupcake ko, pero ubos na kaagad niya ang kan’ya. Nadismaya naman siya at sumandal sa dingding, I saw him as he sighed.

“Aw, I wish I had another. Kanina pa ’ko gutom.” He closed his eyes and put his hands on top of his tummy. The cold breeze entered the room through the huge opened windows of this building.

“If you like, you could have mine.” Mungkahi ko, ngunit umiling siya bilang tugon.

“No thanks, Gael, iyo lang dapat ’yan. Eat it or else you’ll starve, alam kong kanina ka pa rin ’di kumakain.” He’s right though, kanina pa nga ako 'di kumakain pero hindi naman ako gutom.

If he’ll resist, I’ll insist. Ibiniling ko ang aking sarili pagilid sa kan’ya, I raised my hand holding the cupcake and put the edge of it near his mouth.

“Come on, take a bite. I don’t mind so, hindi pa naman ako gutom, eh.” I giggled, he sighed again.

Austin opened his eyes and saw the cupcake near his mouth, nakaamba na ’kong isubo ito sa kan’ya pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

Bahagya akong nabigla pero ’di ako nakakilos, hindi ko na mabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Dahan-dahan niya itong nilapit sa bibig niya at kinagat ang cupcake na hawak ko. It feels strange, I never saw him like this. I feel... extraordinary!

“I bit your cupcake, it’s much more delicious than mine.” That husky voice, it echoes through my ears.

Damn, is he teasing me again?!

“Ang cute niyo pong dalawa!”

Nanlaki ang mga mata namin at kaagad napatingin sa kung sino man ang nagsabi no’n, it was a little wearing a blue dress and a black skirt. She also holds a doll she’s smiling while holding it.

“Bagay po kayo.” She giggled again.

Binitawan niya ang kan’yang laruan at tinakpan ang kan’yang bibig, kinikilig pa ’yong bata at parang sinilihan ang p’wet dahil sa sobrang—kilig, I guess. Bumitaw si Austin sa pagkakahawak sa pulsuhan ko at umaktong parang normal lang.

“Ah, hindi... nagkakamali ka, bebe. Umm, gusto lang niya ng cupcake kaya binigyan ko siya. Kasi... gutom siya, eh...” Sarcastically, I laughed slightly. Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang nahihiya ako na kung ano.

“Aruy, kunwari ka pa po. Ack! Kung hindi po, eh bakit niyo po siya sinusubuan ng cupcake?” tanong pa niya.

I don’t want to deal with this kind child, it makes me feel like there’s something in my stomach. Nininerbiyos ako, malakas ang pagtibok ng puso ko.

“Ah... hindi naman gano’n ’yon, kasi... Alam mo na, basta hindi p’wede. Pareho kaming boy.” Napasimangot ang batang babae, tumingin siya sa ’kin nang masama at pumamewang.

“Wala po akong karapatang humusga, maski pareho kayong boy, love will be love.” Ngumiti siya.

Well... hindi ko inaasahan ang gano’ng sagot. She knows how to deal with difficult topics at a young age, how unusual for a girl aged only seven to nine.

“Lisa! Narito ka lang palang bata ka, kanina pa kita hinahanap. Halika nga rito, magdadasal pa tayo ng sampung Hail Mary.” Tinawag ang batang ’yon ng isang madre, bago siya umalis ay muli siyang nagsalita.

“Bagay po talaga kayo, ang cute niyo pong tignan. Mauna na po ako!” tawa niya pa.

Dinampot niya ang laruan niyang manika at tumakbo palapit sa madreng ’yon, pinagmamasdan ko siyang lumayo at mawala sa nagtatakbuhang mga bata kasama ang madre.

“I guess that girl was right, wala namang mali sa sinabi niya. Sino nga ba siya para humusga ’no? What an intelligent lady she’ll become someday.” Narinig ko namang nagsalita si Austin.

Muli ay hinawakan niya ang kamay ko kung sa’n ay hawak ko pa rin ang cupcake na kinagatan niya kanina. Kumagat siyang muli sa cupcake, ngumiti siya habang nginunguya ’yon.

“Yeah, I hope she’ll be.” I replied.

’Di kalaunan ay natapos na rin ang charity work nila Ninang Zephany at Ninong Claro. I’ve learned so much from this event and I think Austin for bringine here with him, what a fun day.

15 Days In My ParallelWhere stories live. Discover now