Chapter 18 - Trip

10 1 0
                                    

“Sir Gael, pinapatawag po kayo ng Papa niyo sa salas, may sasabihin daw po siya sa inyo.” Napatingin ako kay Manang Teodora.

Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa pintuan ng aking kuwarto habang nakangiti. Isinara ko ang librong kasalukuyan kong binabasa at bumangon sa ’king kama kung sa’n ako nakahiga.

“Ah sige po, bababa na po ako. Salamat po, Manang.” Ngiti ko naman.

Dito na umalis si Manang Teodora habang patayo pa lamang ako. I returned the book in the shelf, isinuot ko rin ang tsinelas na isinusuot ko kapag bumababa ako sa salas.

I saw Papa sitting beside Mama while watching a TV program, dito na nga ako lumapit sa kanila para tanungin kung ano ba ’yong gusto nilang sabihin sa ’kin.

“Ah, Papa, what was it you said you’ll about to tell me?” I asked.

Nakita ko naman silang lumingon sa ’kin. Pinatay naman ni Mama ang TV at iniwan kaming dalawa ni Papa rito sa salas.

“I have good news for you, Gael. Isasama ka namin ng Mama mo sa trip namin sa Baguio, we’ve also decided na roon na natin i-spend ang buong summer natin.” Kaagad akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Papa, talaga ba... sa Baguio?!

“Talaga po, ang saya naman!” I exclaimed in happiness.

Hindi ko naman ine-expect bigla na sa Baguio. Iba talaga kapag gan’to ang buhay, now I could spend my summer differently than what I used to do.

“Kailan po tayo aalis?” tanong ko. Ngumiti naman si Papa at tumayo, he pointed at the corner and there were luggages.

“Mamayang madaling araw, go pack up your things and make sure na wala kang maiiwan ditong importante.” Tugon naman ni Papa. Wow, ang bilis naman ng mga pangyayari.

Tango na lamang ang itinugon ko, masayang-masaya ako na hindi ko naisip ang isang bagay. Saka ko na lang din naitanong ang mga bagay na hindi ko naitanong no’ng naghahapunan na kami.

It was a typical dinner, menudo ang ulam ngayon. Patapos na akong kumain nang maalala ko ang mga bagay na nais kong itanong kay Papa.

“Ah, Papa, if magbabakasyon po tayo sa Baguio... Pa’no po yung summer classes na in-enroll-an ko?” I asked them, bahagya namang napahagikgik si Mama dahil sa narinig.

“Don’t you know, Gael, may branch ang Saint Anthony’s Catholic Academy sa Baguio? So if you want to continue your summer class, you could just go there.” Tugon nito sa ’kin, wow ha... everything is getting interesting here.

Ngayon ko lang nalaman na there’s more to do in this life, yet maaga akong dinapuan ng boredom. Pero just a thing to consider, if aalis ako’y, pa’no na si Austin?

“Ay siya nga pala, Gael, kasama natin sa Baguio ’yong kaibigan ko no’ng high school. Si Ninong Claro mo, remember him?” napakunot naman ang noo ko.

Muka bang naaalala ko, eh bigla na lang akong ipinunta ni Sir Lorenzo sa mundong ’to nang wala man lang disclaimers or even guides?

“I guess not, matagal-tagal na rin kasi siyang nagtrabaho abroad. Ilang pasko ka na rin niyang ’di nabigyan ng aguinaldo.” Biro pa ni Papa, hindi ako makatawa sa biro niya since hindi ko naman talaga kilala kung sino ’yon.

Kumuha ako ng kanin at ulam gamit ang serving spoon at inilagay ko ’yon sa plato ko upang kainin, pero bago pa man ’yon ay narinig kong muling nagsalita si Papa.

“Claro is Austin’s Dad, hay, Gael... you must’ve known that.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ’yon, nabitawan ko ang kutsara dahilan upang maibalik sa plato ang pagkain.

“Yeah, kasama rin si Austin at si Kumareng Zephany sa trip bukas. I guess sa Baguio na rin itutuloy ni Austin ’yong summer class niya.” I heard Mama spoke after she drank some juice from her glass.

“Bagay kayong maging classmates since parehas naman kayo ng kinuhang strand, hindi nga lang kayo parehas ng set kaya magkaiba ang class schedule niyo.” Totoo ’yon, kaya no’ng break ko no’ng nakaraa’y klase naman niya.

Kinuha ko ang baso at kaagad akong uminom ng tubig na para bang walang nangyari, gusto kong kiligin pero bawal... Na sa harap ako ng hapag kainan at nila Mama at Papa, I decided to leave even though I haven’t finished my dinner yet.

“Busog na po ako, ’Ma, ’Pa. Aakyat na po ako since kailangan ko pang mag-impake para bukas.” Ngiti ko, pero sa kabila ng ordinaryong ngiting ’to ay ang itinatago kong kilig.

“Sige, Gael, go ahead and finish packing up your things.” Ngiti ni Papa, kaagad na rin akong lumakad nang mabilis patungo sa kuwarto ko.

Bago pa man mamula ang pisngi ko’y nakaakyat na ’ko sa taas, pero nasalubong ko si Manang Teodora sa pasilyo, may dala siyang dalawang trash cans na punong-puno ng mga basura. Nagulat siya nang makitang namumula ang mga pisngi ko.

“Sir Gael, bakit po namumula ’yong pisngi ninyo?” she asked in a concerned tone. Dahil sobrang pagkabigla ko’y natagalan akong sumagot.

“Ah... wala po, masyado lang po akong naging masaya—I guess?” ngisi ko. Dito niya naman ako tinaasan ng kilay.

“Hmm, mukang ’di naman, Sir Gael, hulaan ko... Kinikilig po kayo, ’no?” panunukso niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ’yon.

“Ah... h-hindi po. Hindi naman po kilig ’to, Manang, siyempre exited ako sa trip sa Baguio for tomorrow kaya ako masaya.” I denied what she said but she didn’t believed me, ibinaba niya ang mga hawak niyang trash cans at pumamewang pa ito—talk about the attitude, slayed!

“’Yong totoo po, Sir Gael? Hindi niyo ’ko maloloko, kilalang-kilala ko kayo kasi ako lang naman po ang isa sa mga nag-alaga sa inyo mula bata kayo.” Nginisian niya ’ko habang nakapamewang pa rin siya, wala na ’kong nagawa kung ’di magsabi na lang ng totoo.

“Oo na po, you caught me. Kinikilig ako kasi kasama ko ’yong crush ko sa trip bukas.” I laughed, huminga naman nang malamim si Manang Teodora at tumugon.

“’Yong anak po no’ng Ninong Claro niyo? Si Austin... ’Yong naglistas sa inyo do’n sa aksidente sa bus?” tanong nito. Pabebe naman akong tumango.

“Hindi ka rin basta papili-pili ng kung sino, Sir Gael. Magkatulad po kayo ng Mama niyo, choosy rin po si Ma’am Nilda no’n pagdating mga lalaki no’ng pagkabata. Namana niyo rin po siguro.” Ngiti pa ni Manang.

“Wow, so ang tagal niyo na po palang naninilbihan sa ’min, ano po?” Nakita ko siyang tumango pagkatapos kong tumugon.

“Kayo po ba, Manang, naranasan niyo po bang ma-in love?” tanong ko kay Mamang, dito naman siya napangiti.

“Ma-in love ba, ’ka mo? Opo, isang beses po Sir Gael. Una’t huli na rin.” ngiti ni Manang Teodora.

“Talaga po, pero bakit po mag-isa kayo rito ngayon?” I then followed by asking, muli ay naging seryoso ang kan’yang muka.

“Matagal na po ’yon, Sir Gael, bago pa man ako mamasukan bilang kasambahay ng pamilya ninyo. Isinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan, hindi ko sinabi na mahal ko ’yong tao dahil iiwan ko lang din naman siya para magtrabaho rito.” Kuwento nito.

“Ay... gano’n po ba? So it must have been hard for you po, ano?” I asked disappointed, sayang naman din siguro si Manang.

“Pero hayaan niyo na po ’yon, Sir Gael, matagal na panahon na po ’yon.” Nag-amba nang lumakad si Manang Teodora, at bago niya ’yon gawin ay sumaad pa siya nang isang beses.

“Kapag may gusto ka pong sabihin, Sir Gael, sabihin po ninyo para kumawala ito sa inyong puso para wala po kayong pagsisisihan. Naalala ko tuloy ang aking kabataan nang dahil sa inyo, sige po magtatapon na ’ko ng basura.” Dito na nga siya umalis.

Tama naman si Manang, pero nabubuhay ako sa ibang mundo. At sa mundong ’yon ay hindi ako kilala ng taong gusto ko, kaya dito... kahit dito na lang. Kahit dito sa mundong ito na lang.

Sasabihin ko ang lahat sa kan’ya.

15 Days In My ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon