Chapter 5 - Unfamiliar

20 2 0
                                    

“Ma’am Nilda, Sir Bert, gising na po si Sir Gael! Ma’am Nilda, Sir Bert!” Nakarinig kaagad ako ng sigaw ng isang matandang babae nang unti-unti kong buksan ang aking mga mata.

The next thing I noticed is that I’m in a large room, dahan-dahan akong bumangon at nakita kong bukas na ang pintuan ng kuwarto. Lumabas siguro ’yong matanda, nagtataka ako kung bakit Ma’am at Sir ang tawag no’ng babae sa kila Mama at Papa.

Kinuskos ko ang aking mga mata dala ng kalabuan na aking nakikita, the next thing I saw is that I’m in a room filled with book shelves. It even has an art station and a study table with a loptop on top of it.

I wonder whose house is this, hindi naman gan’to ’yong bahay namin, and wala rin sa kalingkingan ng kuwartong ’to ang kuwarto ko. I noticed that I’m now wearing clothes different from what I’m wearing the last time that I’m conscious.

Right now, I’m wearing a pair of jogging pants and an oversized t-shirt. I also have some socks on, do’n na pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa school.

Dahan-dahan akong tumayo at lumakad palabas ng kuwarto, pero bago ko pa man maraging ang pinto ay nakita ko sila Mama at Papa. Nagulat sila nang makita ako, kaagad akong nilapitan ni Mama at niyakap.

“I thought that our little princess would be gone! Thank goodness you woke up, Gael!” Saad ni Mama.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama, kailan pa siya naging fluent sa English?

“I thought we’ve lost you, Gael. Let Papa hug his little princess.” Saad naman ni Papa.

Huh? Ano bang mga sinasabi nila? Hindi ko sila maintindihan, could it be that... They knew my secret already?!

Wala sa sarili akong yumakap kay Papa, naguguluhan pa rin ako dahil sa mga nangyayari.

“Mabuti na lang po Sir Gael at nagising na kayo, nag-aalala po kaming lahat sa inyo.” Narinig kong nagsalita ang matandang babae kanina, ngayon ko lang din napansing nakasuot siya ng isang maid’s uniform.

Kailan pa nag-hire ng maid ang mga magulang ko? Bukod do’n sa maid ay napansin ko rin ang suot nila, nakasuot sila ng pag-mayamang damit. Kagaya ’yon ng mga nakikita ko sa mga napapanood kong melodrama sa TV.

Hindi ako nakakibo kaagad dahil yakap-yakap pa ako ni Papa, nang makawala ako sa pagkakayakap ay nagtanong ako.

“Papa, alam niyo na po ang sikreto ko?” tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa at bahagyang natawa.

“What secret, Gael?” they asked. Nakapagtataka talagang nagsasalita sila ng English. They don’t sound like them.

“Na bakla po ako.” Dito na sila natawa, hindi sila nagalit. Naguguluhan ako, ang akala ko ba’y ayaw nila sa mga katulad ko?

“Of course we do, sweety. Since you were a child.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon mula kay Mama, napakunot ang noo ko.

“Hindi naman po kayo pala-English, ah. Bakit ang fluent niyo po?” Nagkatinginan muli sila, at sa pagkakataong ito’y naging seryoso na ang kanilang muka.

“Gael, is everything okay? You don’t seem yourself today. I think kailangan mo nang magpahinga.” Saad naman nila.

Pahinga? Pero okay naman ako, naguguluhan lang ako sa mga nangyayari.

“Anong petsa na po ba ngayon?” I asked again.

“March seven, Twenty Eighteen. Bakit, may problema ba, anak?” tugon at tanong ni Papa. Wala namang nagbago sa panahon at taon, pero bakit... nakakagulo.

“Alam mo, Gael, you should take some rest. It’s already eight in the evening and past dinner time.” Sabi naman ni Mama, kinuha niya ang kamay ko at inalalayan niya ’ko papunta sa kama at doo’y pinahiga.

“Manang Teodora, paki-dal’han po ng pagkain si Gael dito sa room niya. Pagbihisin niyo na rin po siya ng pang-tulog after niyang kumain.” Saad pa ni Mama, kaagad namang tumugon ang matandang babae.

“Opo Ma’am, sandali lang po’t kukuhanin ko na ang hapunan ni Sir Gael.” Said the old lady as she went off.

Pamilyar ang pangalan niya sa ’kin kasi siya ’yong pinagkakautangan nila Mama at Papa do’n sa puhunan at puwesto sa palengke.

“’Ma, ’di po ba si Aling Teodora ’yong pinagkakautangan niyo sa puhunan niyo sa palengke? ’Di po ba nilooban ’yong puwesto niyo at kailangan kong tumigil sa pag-aaral ko ng isang taon para mabawi po ninyo ’yong nanakaw na kita ng tindahan?” nagtanong muli ako. Napakunot naman ang noo nila Mama at Papa sa narinig nila.

“Gael, wala tayong puwesto sa palengke. Maid natin si Manang Teodora, and you’re not going to stop your studies. Para sa’n pang ikaw ang valedictorian ngayong taon sa Saint Anthony’s.” Nabigla ako sa sinabi ni Mama.

Hindi ko alam ang isasagot ko after kong marinig ang sinabi niya, nagsalita naman si Papa kaya kaagad akong napatingin sa kan’ya.

“Saka anak, hindi naman palengkera ang Mama mo. Wala rin tayong pinagkakautangan, we have a blessed and fine life.” What the hell did Papa said?! A fine life—eh naghihirap nga kami, nagbibiro ba siya?!

“Don’t you remember, your father is the head and principal of Saint Anthony’s. While I—your mother, manages a bookstore na pagmamay-ari rin ng papa mo. Kaya nga lahat ng latest release na nobela ay me’ron ka.” Eh, ano bang sinasabi nila Mama at Papa? Hindi ko talaga maintindihan.

“Maybe you’re just tired, sweety. Take some rest now. Parating na si Manang Teodora dala ang hapunan mo, sana bukas okay ka na.” Nagsalita ulit si Mama na sinundan naman ni Papa.

“Yeah, you should get some rest, Gael. Maybe you’ve read too much novels already kaya nasasabi mo ’yang mga bagay na ’yan. Goodnight, sweety.” Saad nito.

Papa kissed me on my forehead while Mama patted my head and caressed my cheek. They closed the door as they’ve gone out of the room.

Naiwan akong mag-isa sa kuwarto, nalilito pa rin talaga ako sa mga nangyayari pagkatapos no’n. Una, may magingawa kaming buhay at si Papa ang may-ari ng Saint Anthony’s Catholic Academy. Mama is a bookstore manager that Papa owns.

Ang pinagkakautangan nila Mama at Papa ay maid nila ngayon, I even have a collection of books. Then what’s more confusing is that I’m the valedictorian of my class! This is really driving me crazy!

Lumipas ang ilang segundo at may narinig akong katok sa ’king pintuan, kaagad ko naman itong binuksan at tumambad sa ’kin si Manang Teodora. May dala siyang pagkain na nakalagay sa isang sa isang breakfast tray.

“Ay, Sir Gael! Naku, naku, naku... Sir Gael, bumalik po kayo sa higaan niyo’t magpahinga. Hindi niyo po ba naaalala ’yong nangyari sa inyo kanina?” tanong nito.

Oo nga pala, malapit na nga pala akong masagasaan ng bus.

“Itatanong ko lang po, Manang Teodora. Sino po yung nagligtas sa ’kin?” tanong ko. Ibinaba niya naman ang pagkain sa kama at umupo siya sa tabi ko.

“Sabi po nila, ’yong lalaking ang pangalan daw po ay Austin Bautista ang nagligtas sa inyo. Anak po siya ng kaibigan ng Papa niyo na principal din sa ibang school.” Tugon niya, nabigla naman ako sa narinig.

Si Austin ’yong nagligtas sa ’kin sa bus accident? Pero... bakit? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Anak ng kaibigan ni Papa na principal din? Kailan pa ako nagkaro’n ng buhay na gan’to?

Maybe I’m dreaming, but the time I pinched and slapped myself ay nasasaktan lang ako. Hindi ako magising, so I’m not literally dreaming! Kung hindi ako nananaginip, anong nangyayari?

15 Days In My ParallelWhere stories live. Discover now