Chapter 2 - Poverty

28 4 0
                                    

“Okay class, this week will be the final exams for your subjects. Ngayon pa lang ay mag-review na kayo para sa isang araw ay masagot niyo ang lahat ng mga tanong sa test papers.” Saad ni Sir Lorenzo Saberola—ang aming adviser sa aming classroom.

Siya ang humahawak sa karamihan ng aming subjects kaya sa kan’ya nakadepende ang karamihan sa aming mga marka, sa kan’ya rin manggagaling kung naging mabuti bang bata ang isang istudyante dahil siya rin ang nagmamarka ng aming behavior.

Sir Lorenzo is a strict teacher, hindi niya pinapapasok ang isang student kapag lumampas na ito sa oras ng pasukan. Marami rin siyang rules sa ’min. Ayaw niya ng maingay at nagdadaldalan sa classroom, ayaw niya rin ang ang mga bida-bida.

Even though I’m always alone and neglected by many, Sir Lorenzo treats me more than just his student but his friend also. Close kaming tatlo nila Armin, naging close kaming tatlo simula pa lang noong grade seven kami. Masaya daw kaming kasama ang sabi niya, and as for me ay napapansin niya namang wala talaga akong kaibigan bukod kay Armin.

Nakapagtataka nga dahil sa lahat-lahat ng mga istudyante ritong p’wede niyang kaibiganin at samahan ay ako pa talaga ang napili niya. Maraming mas masayang kasama sa ’kin pero he keeps listening to my stories, he does like most of it though.

Hindi siya kagaya ng ibang mga teachers na backstabber pagdating sa kanilang mga students. When I told him that I’m gay, he fully accepted it and he didn’t tell anyone here in school. Alam niyang malalagay ako sa peligro kapag ginawa niya ’yon, naging ehemplo siya sa ’kin dahil sa kabaitan niya.

Alam niya rin kung sino ang taong gusto ko, pero walang lumabas na kahit ano sa kan’ya. Dahil nga kaibigan at ka-close ko si Sir Lorenzo ay kinainggitan ako ng mga classmates namin, naririnig ko naman ang mga sinasabi nila sa ’kin sa sipsip daw ako sa teacher. Pero hindi ko na lang pinapakinggan ang mga ’yon, I even told Sir Lorenzo about that and ang sabi niya’y hayaan ko lang daw.

“Nagkakaintindihan ba tayo class?” tanong ni Sir Lorenzo. Dito na ’ko bumalik sa wisyo nang marinig ko ang kan’yang tanong, sabay-sabay naman kaming sumagot.

“Yes po, Sir Lorenzo.” Tugon naming lahat sa kan’ya, napangiti naman siya at muling nagsalita.

“Sige, goodbye class!” he greeted us goodbye. Sabay-sabay kaming tumayo at binanggit namin ang aming exit greeting.

“Goodbye, Sir Lorenzo, goodbye classmates. See you tomorrow again. Always remember that you can do all things through Christ who strengthens you.” After that we packed our things up to leave the classroom.

Nagpahuli na ’kong lumabas para wala akong makasabay sa hallway, at nang makalabas ako ay medyo dumidilim na. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang sumindi ang mga ilaw dito sa loob ng school.

Total ay malapit lang naman ang bahay namin dito ay nilalakad ko na lang mula sa school hanggang sa ’ming bahay. Ilang kanto ang nadaanan ko bago ako ako makarating, at nang makarating nga ako ay wala rin namang tao dahil na sa trabaho sila Mama at Papa.

Nang makapagbihis ako ng pambahay ay nagluto na ’ko ng pagkain para pagdating nila Mama at Papa ay may nakahain na sa lamesa. Sigurado namang pagod na pagod ang dalawang ’yon dahil sa hirap ng kanilang trabaho.

Si Mama ay isang palengkera, may nirerentahan siyang puwesto sa palengke at do’n ay nagtitinda siya ng kung ano-anong gulay na binibili niya naman sa mababang puhunan.

Dahil medyo nakaka-angat na siya sa pagtitinda sa palengke ay kumuha na siya ng isang helper para tulungan siya sa pagtitinda.

Si Papa naman ay isang construction worker, wala siyang permanenteng trabaho. Minsan ay kargador siya sa palengke, minsan naman ay nagbebenta siya ng mga candy sa highway, minsan din ay barker siya sa terminal ng jeepney.

Simple lamang ang buhay namin, pero tanggap ko naman kahit ganito lang, the thing that I can’t accept is that my parents are not open for me being the way I am. They’re both homophobic, palagi na nilang nasasabi sa ’kin na huwag daw akong maging bakla dahil pareho raw silang mababaon sa kahihiyan.

Bukod do’n ay hindi na nila ako nakakamusta kung okay pa ba ako dahil araw-araw silang subsob sa trabaho. Sa katunayan nga ay ayaw nila akong maging scholar sa Saint Anthony’s dahil wala naman daw ako sa kalingkingan ng mga istudyante ro’n pagdating sa yaman.

Nagpumilit lang ako kaya ako nakapasok do’n, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila fully accepted na roon ako nag-aaral, eh. Kaya kahit na nahihirapan akong sumabay at maging kaibigan ang aking mga kaklase ay hindi ko ipinapaalam sa kanila dahil ako naman ang may gustong mag-aral do’n.

Kasalukuyan akong nagrereview nang madatnan kong dumating na ang mga magulang ko dahil bumukas na ang aming pintuan, I was about to greet them welcome back when I heard Mama shouting. Saglit akong sumilip sa salas nang makita ko silang nagtatalo.

“Hindi ko naman ginustong malooban ’yong puwesto ko sa palengke, Berto! Unawain mo naman sana na napakahirap din namang maging isang palengkera!” bulyaw niya kay Papa. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ’yon.

“Ang problema kasi sa ’yo, eh hindi ka nag-iingat! Pa’no ngayon ’yang pag-aaral ng anak natin?! Alam mo namang may utang pa tayo kay Aling Teodora sa puhunan ng paninda mo sa palengke, Nilda!” ganting bulyaw naman ni Papa. Sa sobrang gulo ng aking isip ay nanatili akong blanko habang nakatingin lamang sa lamesa.

“Alam mo namang wala akong permanenteng trabaho! Tapos mangyayari ’to?! Pa’no ’to ngayon ha, Nilda?! Pahihintuin mo sa pag-aaral ’yang si Gael?!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ’yon.

Hindi... hindi p’wede!

I have accomplished so much already. I have endured so much at ngayon pa ’ko titigil? Hindi ko kayang tumigil, maiiwan ako!

“Oo, mukang mapipilitan tayong pahintuin si Gael ng isang taon.” Narinig kong muli si Mama, at dito na tumulo ang aking luha na kaagad ko naman ding pinunasan.

“Mga bakla nga talaga, wala na silang natamo sa mundong ’to kung ’di ang maging salot sa lipunan. Sino ba namang mag-aakala na pagnanakawan tayo no’ng baklang kinuha mong taga-bantay?” saad pa ni Papa.

“Sinabi mo pa, naawa nga lang ako ro’n kasi sabi niya’y kailangan niya ng trabaho para sa pamilya niya. Ahas pala ang gaga, talagang salot ang mga katulad niya sa mundong ’to.” Pagsang-ayon naman ni Mama at muli naman siyang tinugunan.

“May boyfriend ’yon ang alam ko, eh. Baka ninakawan niya tayo dahil ipangla-lalake niya lang.” Pabalang muling nagsalita si Papa.

“Pare-parehas silang mapupunta sa impiyerno, mga buwisit sila!” sigaw naman ni Mama at nakita kong huminga siya nang malalim.

Naalala ko ang kinuha ni Mama na kasama niyang taga-bantay sa puwesto namin sa palengke. Who would know na pagnanakawan kami no’n?! Talagang nasira na nga talaga ang image ng mga katulad ko sa mga magulang ko dahil sa nangyari.

Hindi rin p’wedeng tumigil ako sa pag-aaral. Alam ko na rin ang mangyayari kapag tumigil ako, mawawala ang aking scholarship sa Saint Antony’s at mapipilitan akong mag-transfer sa isang public school. Kapag nangyari ’yon ay hindi ko na muling makikita si Austin.

Isinara ko ang librong aking binabasa, habang nag-uusap sila ay doon na ’ko nagpakita sa kanila. Nagulat naman sila nang makita akong nakatayo na sa kanilang harapan, walang reaksiyon akong nagsalita.

“Magandang gabi po, ’Ma, ’Pa. Okay lang naman po sa ’kin kung patitigilin niyo ’ko, ang importante lang naman po ay mabawi natin yung nawala. Okay lang po kahit matanggal ’yong scholarship ko.” Ngumiti ako matapos akong magsalita, kaagad din akong dumiretso sa ’king kuwarto.

Ikinulong ko ang aking sarili saking roon at do’n na tuluyang bumagsak ang nagbabadyang luha sa ’king mga mata, alam ko namang kahit umiyak pa ’ko ng dugo ay wala rin ’yong magagawa dahil hindi na maibabalik ang mga nawala sa ’min.

I cried to sleep, maybe sleeping is the only choice that could calm me down because of what happened.

15 Days In My ParallelWhere stories live. Discover now