Chapter 19 - Baguio

9 1 0
                                    

Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pintuan ng kotse ay bumungad na kaagad sa ’kin ang nakanginginig na lamig dito sa Baguio, buti na lang dinoble ko ’yong suot kong t-shirt.

Suot ko ngayon ang uniform ng Saint Anthony’s at pinatungan ko pa ito ng vest dahil sa sobrang lamig, may kaunting pagkakaiba lang sa uniform ng branch dito sa Baguio kumpara do’n sa lugar namin.

The uniform in our place is just a peach polo partnered with a pair of khaki colored pants, rubber shoes or black shoes is exceptional for the footwear.

Dito naman sa Baguio, dinadagdagan nila ng coat at voluntary naman ang pagsusuot ng vest. Since malamig nga sa mga gan’tong buwan dito sa Baguio—as if never namang uminit, eh nagbalot na ’ko para todo proteksiyon.

Kahit summer classes lang naman ay required mag-uniform dito, ang odd nga ng policies kasi do’n sa ’min ang kailangan lang isuot are just random pants and polo shirts.

Even though I just got here, I feel like I’ve been here. Ngayon ay nasa harap na ako ng Saint Anthony’s dito sa Baguio. Napakaluwang ng grounds nitong school, napakaganda rin ng mga facilities. It’s just like the one from my place, but it’s different in terms of the designs of the school buildings here.

Sa Saint Anthony’s kasi sa ’min ay medyo sinaluma ang style ng buildings, more on capiz wood and spanish colonial ang design ng mga classroom. This one’s completely different, modernized ang lahat ng mga facilities dito. It’s the complete opposite, it looks like a typical university than an academy.

Siguro kaya gan’to na rin ang school buildings dito’y dahil na rin sa panahon, saka maraming mga private schools dito sa Baguio kaya kailangan rin sigurong makipagsabayan ng Saint Anthony’s. I think I would go and ask Papa later why.

Bago pa man ako tumuloy sa gate ay may nakita akong isang pamilyar na muka, papasok rin siya ngayon dito sa school at suot ang same uniform na suot ko. His brown hair is getting swept away by the wind as always, his bright hazel eyes looking back at me—a little bit surprised to see me.

“Gael, I didn’t know you’ll come here.” He giggled as he walked towards me, lumapit rin naman ako sa kan’ya habang nakangiti rin.

“You didn’t know that I’ll be here? I thought your father told you, Austin. Since Papa and your father are friends.” I inquired as a reply, I thought that too pero hindi pala nasabi sa kan’ya.

“So this was the surprise that he was talking about yesterday, well I guess.” He laughed he scratched his head.

“Surprise?” I then followed, napatingin siya sa ’kin at sumagot muli.

“Ah, sinabi kasi ni Dad na masu-surprise raw ako dahil may makikita akong kaibigan ko rito sa Saint Anthony’s Baguio, well... I guess you’re that friend that he’s talking about.” Austin explained.

As I thought. Were we even friends before that bus accident since magkaibigan naman sila Papa at ’yong Dad ni Austin?

“Say, Gael, hindi naman talaga tayo gano’n ka-close dati. Even in childhood, kahit friends ang parents natin ay hindi talaga tayo gano’n ka-open sa isa’t isa no’n.” Napatingin akong muli kay Austin nang muli siyang magsalita.

“Hindi ko alam pero simula no’ng niligtas kita mula ro’n sa bus accident ay naging mas close na tayo kaysa sa dating gawi natin. Say, do you consider me as a friend?” tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ’yon, dahan-dahan akong napangiti.

“Yes, even though it’s just recently. Gusto na talaga kitang maging kaibigan noon pa, but... I didn’t find a way to get close to you back then.” I replied and smiled.

15 Days In My ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon