Chapter 50

208 8 0
                                    

Chapter 50

Selena Pov.

Ang lalakeng matagal 'kong hinangad, hinangaan at sinuportahan ay siyang aking kaligayahan sa bawat araw, panahon at taon na lumipas. Hindi ko maibaling ang nararamdaman sa iba, Hindi ko alam kung bakit ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Basta ang tanging alam ko ay siya ang aking kapayapaan, Walang makakapantay nito kahit anong bagay o nino man.

Si miguel lamang ang gusto ko, Itong lalake na mahimbing ang tulog sa aking harapan.

Mahimbing ang tulog niya dahil doon sa ibinigay 'kong inumin, Ngunit alam ko'y magigising siya kahit ano 'mang oras kaya inayos ko ito sa pagkakahiga.

Mula sa kanyang mukha ay hinawakan ko ito pababa sa matipuno nitong dibdib, Nang hindi makuntento ay nagtungo ako sa ibabaw nito upang mas lalong mapalapit sa kanya. Nakakahanga, wala akong masabi sa taglay niyang kaanyuan. Nakakaakit, Kahit mahimbing ang kanyang tulog.

Nang bahagyang bumukas ang pinto ay pasimple akong tumingin sa gilid ng mata, Hindi ko nakita kung sino iyon ngunit alam 'kong may tao. May nakasilip mismo sa labas, At sa isip 'koy ipinagdarasal 'kong si luna na lamang iyon.

Si luna na walang magawa kundi panoorin ako kung paano ko bawiin ang sa' kin. At alam ko sa oras na iyon ay siya na mismo ang hihiwalay kay miguel at lalayo.

Hinalikan ko si miguel sabay kuha sa dalawang kamay nito, Naramdaman ko ang bahagyang pag-galaw niya kasabay ng pagkabig ng pinto pasara. Lumingon ako roon, Nakaalis na ang taong nakatingin sa' min kanina.

Tch, Salamat naman.

Walang makakapigil sa'kin ngayon, Ang gabing ito ay para lamang saming dalawa. Ang matagal ko ng hinihintay ay maika-sasakatuparan ko na.

Mula sa ibabaw nito ay hinubad ko ang suot pang-itaas, Nang saktong hahalikan ko na sana siyang muli ay nahinto ako sa isang malakas na katok. Nagsalubong ang kilay ko at yamot na isunuot pabalik ang nahubad 'kong damit.

Maging ng magtungo sa pinto ay naiinis 'kong kinabig iyon.

"WHAT?!" I almost shout when the door open, Sumalubong sa'kin si shaira na may nagtatakang tingin.

"What are you doing here?" I rolled my eyes when she asked, Sinira niya ang plano ko.

"Selena, Im asking you. Why are you here?"

"This is my room, Right?" tumaas ang kilay niya.

"Diba naroon ang kwarto mo?" tanong nito, itinuro ang kabilang kwarto.

"I dont like that room.." ani ko, nangunot ang noo niya. "Kung wala ka ng sasabihin matutulog na ako.." akma 'kong isasara ang pinto ng iharang niya ang kanyang kamay.

"Nariyan si miguel sa loob?" tanong niya, sumisilip ng bahagya sa kwarto. Hindi ako sumagot.

"Ano na naman ang ginawa mo selena?"

"Wala akong ginagawa.."

"Nawawala si luna kanina pa.." asik nito, natawa ako na siyang kinasama niya ng tingin. "Huwag mo akong pagtawanan, selena. Nasaan si luna?"

"Malay ko sa babaeng iyon.." turan ko, pinaglapat nito ang labi. "Tanungan ba ako ng mga taong nawawala?"

"Hinahanap niya kasi si miguel kanina pa, Hindi ko alam kung saan ito pumunta. Nawawala rin si miguel sa kwarto niya.."

"Wala akong alam.."

"Selena naman.." itinulak nito ang pinto na siyang kinainis ko lalo, napapapikit ako habang ito ay gulat na nakatingin sa nakahigang si miguel.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now