Chapter 28

264 13 0
                                    

Chapter 28

Luna Pov

PAWISAN akong lumabas ng banyo dahil sa sinuot ko'ng damit, Masyadong malalim ang zipper nito sa likod kaya halos pagpawisan ako ng maisara ko iyon. Ngunit hangga gitna lang dahil hindi ko na kaya ang init sa banyo.

Binuksan ko ang bintana at agad sinalubong ng hangin ang aking katawan, Ninamnam ko muna ang sariwang hangin sa labas habang nakapikit. Amoy na amoy ko ang magkahalong dahon at hamog sa labas, malayong malayo sa manila kung saan puro usok at pulusyon ang nalalanghap mo sa hangin.

Inipon ko ang buhok at idinala iyon sa harapan upang maisagad na ng tuluyan ang zipper sa likod, Itong 'yung night dress na binigay ni tita elizabeth. Hindi ko alam na ito pala ang nakuha ko kanina pero hindi ko na siya pinalitan, presko at malambot naman sa katawan may zipper nga lang sa likod.

Inabot ko'ng muli ang zipper ngunit halos mangalay ang aking kamay kaya ibinaba ko iyon, huminga pa ako saglit bago sana muling abutin ang zipper. Pero hindi ko na nagawang itaas ang aking kamay ng maramdaman ko ang pagtaas nito sa ilalim ng aking batok.

Nalanghap ko agad ang pamilyar na pabango kaya kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko na kung sino iyon. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya, lagi na lang siyang sumusulpot at hindi ko alam kung paano niya nagagawang kumilos ng hindi nahahalata. Lumulusot ba ito sa pader kaya hindi ko man lang narinig ang pagpihit ng pinto, Ang galing lang e.

"It's cold here, Why you open this window?" tanong niya pa, naramdaman ko pa ang kamay niyang sinakop ang buong bewang ko.

Napasinghap ako dahil doon ngunit lumunok ako ng isang beses upang pakalmahin ang sarili.

"Ang init nga." anas ko, pinilit ko'ng kumalma pero ang dibdib ko ay hindi nagpapa-awat sa rambolan.

"Halata nga, pinagpapawisan ka. Ano bang ginawa mo sa banyo?"

Lumunok akong muli ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa'king tenga, hindi niya naman iyon intensyon ngunit dahil malapit ang bibig niya doon ay hindi ko mapigilan ang mapalunok.

"Masyado kasing malalim ang zipper, nahirapan akong isara." anas ko, naramdaman ko ang bahagya niyang pagyuko sa'kin kaya alam ko na tiningnan nito ang suot ko.

"B-bakit kasi ganyan ang suot mo?" ramdam ko ang pagtaas muli ng kanyang ulo ng magtanong muli, hindi niya parin inaalis ang pagkakayakap sa'kin.

"Wala lang, pangit ba?"

"Hindi naman, mukhang nang-aakit nga lang." humakbang ako paabante kaya naiwan sa ere ang kanyang kamay, humarap ako dito ng salubong ang kilay.

"Anong nang-aakit!" protesta ko.

"Iyang suot mo nang-aakit, inaakit mo ba ako?" mas lalong nagsalubong ang aking kilay dahil sa tanong niya, Samahan mo ang nakakalok* nitong ngisi sa labi.

"Hindi kita inaakit." mariing sagot ko.

"Pero naaakit ako." medyo umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya, humakbang pa ito palapit sa'kin at agad akong isinandal sa bintana.

Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at dumistansya ng bahagya saking katawan, Dama ko na ang init saking pisngi dahil sa lapit niya.

Hindi ko alam kung bakit naiilang ako ngayon sa kanya, Hindi naman ito ang unang beses na lumapit siya sakin ng ganito. Nagawa niya na nga akong hawakan pero hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang araw lang naman kaming hindi nag-uusap.

"Anong reaksyon 'yan?" tanong nito na nakatingin sakin, No, hindi pala sa akin kundi sa labi ko.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now