Chapter 24

233 10 0
                                    

Chapter 24

[ MIGUEL POV. ]

Napatingin ako sa wrist watch at nakitang Mag-aalas singko na ng hapon, Naglakad na ako palabas ng library kung saan ako nagpalipas buong maghapon.

Hindi ko pa nakausap si luna buhat kanina, And I didn't answer her phone call. Hinahayaan ko lang iyon mag-pop sa'king screen.

Naiinis ako na hindi ko alam, I feel a heavy hard in my chest at ayaw ko muna siyang makausap ngayon. Baka mag-away lang kami at 'yun ang iniiwasan ko'ng mangyari.

Masakit din sakin ang narinig ko kanina, Pilit ko iyon kinakalimutan at inaalis sa isip ngunit nakakatak na yata iyon sa pandinig ko.

Ganun pala ang nararandaman niya sakin simula pa, Alam ko naman na may pagka-spoiled siya at matapobre. Pero hindi ko inaasahan na gagawin nila akong katuwaan lamang, Naiinis ako.

Napatingin ako sa cellphone ng tumunog iyon, Sumandal muna ako sa kotse at tiningnan kung sino ang tumatawag.

PHILIP CALLING....

Sinagot ko agad iyon ng makitang si philip ang tumatawag "What do you want?" Panimulang bungad ko at sumakay na sa kotse.

"Wala, Namiss lang kita." Nailayo ko ang cellphone dahil sa malakas na tawa niya, F*ck guguluhin niya na naman ako.

"So, were not same feelings, I end this bye.."

"HEPPP HEEEPPP! Wait lang.." hindi ko pa iyon pinatay at inip na hinintay ang sasabihin niya.

"Napakainit talaga ng ulo mo kahit kailan, Pumunta ka dito ikaw lang ang wala.."

"Saan?" tanong ko pa,

"Dito sa bahay nila jacob."

"And?"

"Kiss mo ko lips to lips busit ka!! pumunta ka na lang ang dami mo pang tanong!!" binaba ko na ang tawag at nagmaneho na patungo sa mansyon ng mga monteclaro.

Kahit kailan talaga isip bata ang philip na iyon, Kumusta naman kaya siya sa girlfriend niya ngayon. Balita ko kasi may girlfriend na siya at ang babaeng iyon kilala pa namin, hindi ko talaga lubos maisip na magkaka-gusto sila sa isa't-isa.

Napapailing na lang ako habang tinatahak ang daan patungo doon, Kung sabagay hindi ko rin naman alam na magkaka-gusto ako kay luna. Sa dami ng babae diyan sa kanya lang ako na-attract ng ganito, Sa babaeng mabunganga at laging salubong ang kilay.

Nang makarating sa tapat ng mansyon ay pinapark ko na lang ang kotse sa labas ng gate, Nakita ko pa ang kotse nila philip at giovanni na nakapark din sa kabilang side kaya naglakad na ako papasok sa loob.

"Hello Mr taken.." Bati sa'kin ni philip, Nangunot lang ang noo ko dito at dumiretso na sa sala.

"D*mn, bakit ba lagi akong talo sa larong ito!" sigaw ni giovanni ng makaupo ako sa sala, napatingin ito sakin kaya ibinaba niya na ang kanyang cellphone.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nito, sumandal ako sofa bago sumagot.

"Kakatawag lang sa'kin ni philip.." maikling sagot ko at napatingin sa hagdan ng pababa doon si Jacob.

"Your here.." anas nito, naglakad siya palapit sakin at tinapik ang balikat ko "You look good, uh?" saad niya pa kaya napasinghal ako.

Mukha ba akong maayos sa lagay ko. Hindi talaga nila alam basahin ang reaction ko.

"Bakit niyo ako pinapunta dito, Anong meron?" tanong ko agad, naupo si jacob sa tabi ko.

"I don't know, Ask them.." turo niya kay philip na nakaupo sa gilid ng sofa ni giovanni.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon