Chapter 47

221 8 0
                                    

Chapter 47

Luna Pov

Masakit ang buong katawan ko ng magising ako ng umaga, Para 'bang may dumagan sa'kin na mabigat na bagay sa sobrang sakit nito. Hindi na ako magtataka kung magising ako ng ganito ang lagay.

Tsk, Ang lalakeng iyon.

Hawak ang ulo akong tumayo, wala na si miguel sa kwarto kaya halos magmadali akong pumasok ng banyo, Ang alam ko ay alas diyes itong aalis patungong airport. Kaya siguro maaga itong nagising, Hindi ko na alam kung anong oras kami natulog kagabi. Sinulit niya nga ang huling araw nito.

Nang matapos maligo ay nagsuot lamang ako ng kumportableng damit bago lumabas, Pansin ko agad ang hindi kalakihang maleta malapit sa sala. Paniguradong gamit iyon ni miguel, Nakakalungkot man ay kailangan niyang umalis.

Nais ko man sumama ay nagdadalawang isip ako, Trabaho ang pinunta niya doon. Kung sakali man na naroon din ako ay makakaabala lang ako sa gagawin niya, Malamang ay anihan na ngayon dahil hinahabol nila ang paparating na masamang panahon. Sa sobrang lawak ng lupa sa hacienda ay hindi na ako magtataka kung hindi agad sila matapos. Sana ay maging maayos lang si miguel doon.

Napapabuntong hininga akong nagbaba ng tingin, Ngunit bigla ay may kamay na yumakap sa akin patalikod, Amoy pa lang niya ay mababatid ko ng siya ito. Ang bango lang kasi,

"GoodMorning.." bati nito, nanatili siyang nakayakap sakin. "Naghanda ako ng agahan."

Humarap ako dito. "Dapat nauna ka ng kumain, Ano na bang oras?" tanong ko, tumingin ito sa kanyang relo.

"Maaga pa naman.."

"Mahuhuli ka na naman sa biyahe.."

"Ayos lang, I want too eat breakfast with you. Lets go.." iginaya ako nito patungong kusina, hawak ang aking kamay ay hinila niya ang isang upuan.

Naupo siya doon. "Sitdown.." tinapik nito ang kanyang hita.

"Diyan?"

"Yeah, Eat with me.." hinila ako nito, kaya halos maibagsak ko ang katawan sa kanyang dibdib.

"Sh*t, Bumibigat ka yata ngayon.." giit niya, nilingon ko ito.

"Tsk, kung nabibigatan ka doon na lang ako, Ano pa kasing nalalaman mong kandungan."

"Gusto 'kong kumain na kasama ka.."

"Kasama naman kita.." asik ko, naningkit lalo ang kanyang mata.

"Oo nga, Subuan mo ako.."

"What? Susubuan kita?"

"Hindi ko na uulitin, luna. Feed me." napairap ako, ano na naman pakulo ng gwapong ito.

Kumuha ako ng kanin at inihanda niyang almusal habang nakaupo sa kanyang kandungan. Nang matapos ay nilingon ko ito, Nakangiti siya. Halatang nag-eenjoy sa pwesto namin.

"Pasalamat ka at gwapo ka.." bulong ko, hinalo ko ang ulam sa kanin.

"May sinasabi ka?"

"Wala.." anas ko, itinapat sa kanya ang kubyertos na puno ng kanin. "Ahhhh.." ani ko na siyang kinangiwi niya.

"Ginagawa mo akong baby.."

Natawa ako "Ayaw mo? Ito rin naman ang gusto mo hindi ba? Kain na.." muli ay itinapat ko iyon kaya napipilitan siyang buksan ang bibig nito,
bahagya akong ngumiti ng makita ang paglobo ng kanyang pisngi.

"Para agad matapos, Eto pa.." sinubuan ko itong muli.

"Papatayin mo ba ako?"

"Hindi, Pinapakain nga kita ee, Oh ibuka mo pa.."

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon