Chapter 9

306 15 0
                                    

Chapter 9

[ Luna Pov ]

3 O'clock when we arrived at home, Gaya nga ng sabi ni miguel ay sabay kaming umuwi.

Nagtaka pa ako dahil nauna pa siya sa loob kesa sakin, Ano ito feel at home lang ang robot?

"Oh Chef sandoval, Sorry at naistorbo ko ang date niyo.." salubong ni mommy dito, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Mom! Were not dating okay," Protesta ko, nailing naman ito at ngumiti kay miguel.

"Sorry for the attitude of my daughter nieves.."

"Its okay mam Miranda.." sagot nito, hindi niya man lang ba itatanggi ang sinabi ni mommy!

"Dont call me mam, Tita its enough.."

"Tsk!" Ismid ko at nilagpasan silang dalawa, Naniniwala na talaga ako sa magic spell ni miguel.

"Nieves.." hindi pa man ako nakaka-akyat ng hagdan ng tawagin ako ni mommy, salubong naman ang kilay kong lumingon.

"Mamaya ka na umakyat, Lets us join here.."

"But mommy, I want to sleep.." asik ko, sumama naman ang tingin niya sakin.

"Pauwi na ang daddy mo, hintayin natin siya dito dahil may paguusapan tayo.."

"Kasama ako?" tanong ko na nakaturo sa sarili.

"Yeah ofcourse, its about your birthday celebration.."

"Ah okay, pati yan kasama?!" turo ko kay miguel na wala man lang pakielam.

Para talaga siyang robot.

"Oo, Siya ang hahawak sa catering service at buong preparation ng party.."

"But I want a beach party, May alam ba yan?!"

"Nieves!" suway nito sakin, naitikom ko naman ang bibig.

D*mn, Anong alam niya sa preparation?

Diba chef lang siya? Kasama ba iyon sa trabaho niya.

"Have a seat Hijo.." anas ni mommy, naupo naman si miguel sa single sofa at nilapag ang mga paperbag ko.

"Entertain him nieves, Titingnan ko lang ang cake na binake ko.." naglakad na ito at nagtungo sa kusina, Nakanguso naman akong naupo sa mahabang sofa.

"Entertain him nieves nyenyenye akala mo naman importante ang lalakeng ito.." bulong bulong ko pa habang nakatingin sa gilid ko.

"Masyadong presko porket gwapo! judgemental naman.." bulong ko pa, dinig ko naman ang pagtikhim nito kaya nilingon ko siya.

"Anong inuungot ungot mo diyan!!" asik ko, ngumisi naman siya.

"Hindi ko alam na baliw ka pala.." kalmadong sagot niya, napatayo naman ako at sinipa ng bahagya ang paa niya.

"Sinong baliw!! Ikaw nga ang baliw dahil pinauwi mo ang lalakeng kasama ko kanina!"

"Hindi ko siya pinauwi okay."

"Oh anong sinabi mo!?" singhal kong muli habang nakataas ang kilay.

"Hindi na importante iyon.."

"Tsk! Ang yabang mo talaga, magnanakaw ka naman." asik kong muli habang nakapamewang,

"Hindi ko ninakaw ang cellphone mo okay, Look.." may kinuha ito sa bulsa at doon ko nakita ang kulay white na cellphone.

"Oh! Sakin yan e!" singhal ko pa at hinablot ang cellphone na hawak niya.

Tiningnan ko iyon ngunit may passcode, Pero kamukhang kamukha ng sakin ito. Kaya sigurado akong akin ito.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now