Chapter 23

275 10 0
                                    

Chapter 23

[ LUNA Pov ]

Lunes ng Umaga.

_

Napakabilis ng nag-daang araw at hindi ko man lang napansin na ngayong araw na ito ang kaarawan ko.

Kung hindi pa ako tinawagan ni daddy thru video call ay makakalimutan ko na, Two days ko ng nakakausap si daddy at under medication na sa france si mommy. Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakakausap at nakikita ko sila.

Malaking bagay na iyon para sakin.

"GoodMorning Hija, Happy birthday.." pagkababa ko palang ng hagdan 'yun na ang bungad sakin ni tita elizabeth, Nakabihis na ito at halatang paalis na sila ni tito.

"HappyBirthday din hija, Saan mo balak mag celebrate? May lakad ba kayo ni miguel ngayon?" dire-diretsong tanong ni tito dante,

Nginitian ko sila "Thankyou po, baka dito lang po ako sa bahay.." sagot ko at inilibot ang paningin.

Tulog pa yata si miguel, nakalimutan niya ba ang birthday ko?

"Oh no hija, You must celebrate your special day now. imbitahin mo si miguel magdate kayo or pumunta kayo sa beach.." anas ni tita, ngumiti ako ng pilit bago tumango.

Tsk, Nakakahiya naman kung ako pa mismo magyaya ng date. Dapat nga batiin niya muna ako pero halatang nakalimutan niya pa dahil tulog pa ito.

Alam ko kasi mas maaga siyang nagigising dahil nagluluto pa ito, himala lang na wala pa ang presensya niya sa kusina.

"Okay, Mauuna na kami hija, gisingin muna si miguel nasa taas pa yata ito.." saad ni tito at inakbayan si tita elizabeth.

"Sge po, Ingat kayo.."

"Alright hija, Happybirthday again. May ibibigay ako sayo mamaya okay?" sagot ni tita napangiti naman ako.

Napapaisip tuloy ako kung may regalo ba sa'kin si miguel, imposible naman sigurong makalimutan niya dahil siya ang umasikaso sa birthday preparation ko na hindi natuloy.

Kinausap niya pa ako last day at sinabing itutuloy niya ang beach party, Hindi ako pumayag dahil siya ang gagastos sa lahat. At lalong hindi ako makakapag celebrate na wala si mommy at dad, Para ko na lang cinelebrate ang pagkasunog ng Pabrika kung itutuloy ko pa.

Nagpaalam na sila tita na tutungo na ng restaurant kaya umakyat na ako sa guest room, Pabagsak akong nahiga sa kama at iniisip kung gigisingin ko ba si miguel.

"Tsk! Bakit hindi siya magising mag-isa!" yamot na anas ko at pahigang dumapa.

Ayaw ko rin siyang gisingin dahil baka maistorbo ko pa siya, at ayaw ko rin pumasok sa kwarto nito dahil naaalala ko lang ang ginawa niya sakin noon. Pinamumulahan ako ng mukha t'wing sasagi iyon saking isip, Buti na lang talaga iyon lang ang surprise niya.

Napaka-sarap na surprise nga lang.

"D*mn!"

Napapikit ako dahil sa naisip sabay bangon sa kama, Nagtingin tingin ako ng damit sa closet at wala na akong masuot kundi iyong ibinigay lang ni tita elizabeth na sleveless dress. Siguro kukunin ko na ang mga damit ko sa mansyon, Halos ulit ulit na lang ang mga sinusuot ko. May tao naman siguro doon.

Kinuha ko na lang ang black sleeveless dress at hinagis sa kama, Towel lang ang dinala ko papasok ng banyo dahil balak ko'ng maglagay ng lotion sa buong katawan.

May lotion kasi sa banyo at susubukan ko iyon dahil ilang araw na yata akong hindi naglolotion, Puro polbo na lang yata ang ginagamit ko at wala ng iba. Kukunin ko na talaga lahat ng gamit ko sa bahay.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now