Chapter 30 <3<3<3

56 2 0
                                    

Chapter 30

<LJ's POV>

It was raining heavily and ako nalang rin ang natitirang tao doon.

Nandoon lang ako sa labas at hindi ako pinapasok nila Tita.

Ginagamot naman ni Ate Monique yung mga sugat ko at yung mga pasa ko sa mukha at katawan habang tulala ako.

Ang sama ko...

"Bakit? Pano mo nagawa to sa kapatid namin?! Ano bang ginawa niyang masama sayo?! Bakit mo siya nagawang idamay dito?!" Sigaw ni Ate Sarah.

"Bakit? Tinatanong niyo ako kung bakit? Bakit, siya ba sinabi niya sakin ang sikreto niya?! Pano niya nagawang itago sakin na buntis siya?!-" Sinampal ako ni Ate Sarah at nakita kong umiiyak na siya at humihinga ng malalim.

"Nagawa niya iyon dahil gusto na niyang makipaghiwalay sayo..." Natigilan ako.

Pero mahal niya ako diba?

Pano niya-

"Dahil gusto niyang kayo ni Elaine ang magkatuluyan. Gusto ka niyang maging masaya...Kahit na kapalit pa to ng sarili niyang kasiyahan. Si Mia...hindi siya yung tipo ng babae na kapag nasasaktan, iiyak nalang sa harapan pa nung tao na iyon. O kaya magagalit at iiwanan niya yung taong mahal niya at madali itong kakalimutan. Dahil si Mia, siya yung babae na tinatago lahat ng nararamdaman niya sa likod ng mga ngiti niya. At kapag nagpahalata naman siya, ibig sabihin non, hindi na niya kaya at ilalabas niya na lahat ng nararamdaman niya. Kami nga ni Ate Monique, madalas niyang tinatanong kung ayos lang daw kami...huwag daw namin pababayaan ang magiging pamangkin niya. Sila Jake, Pen, Mommy, Daddy, si Tatay...lahat kami lagi niyang kinukumusta at inaalagaan. Noon nga na ipakilala kami nila Ate Monique ni Jake at Pen, kaming tatlo, agad-agad kaming naging magkakaibigan na ang turingan sa isa't-isa parang kapatid. Siya yung taong sobra kung magmahal. At kung paulit-ulit ka pang gumawa ng kasalanan sakanya, patatawarin at patatawarin ka pa rin niya..." Pinahid ni Ate Sarah yung mga luha niya. Naiiyak na rin si Ate Monique noon.

"I'm sorry..."

"Tuwing pinipili mo si Elaine kesa sakanya, tuwing sinasabi mo na si Elaine ang mahal mo, tuwing ipinagtatanggol mo si Elaine kesa sakanya, para mo narin siyang pinatay at parang binibigti mo narin ang mga anak niyo. Ganyan ka kasama! Sobrang manhid mo! Ng dahil sayo nalagay sa ganitong sitwasyon ang kapatid ko at ang mga pamangkin ko!" Sigaw ni Kuya Pen sabay suntok sakin.

Hindi naman agad nila ito napigilan dahil sobrang bilis ng kilos niya. At andami niya naring napakawalang suntok sa akin.

Totoo naman eh...

Ang manhid ko...

Hindi ko inisip na nasasaktan ko na siya.

Naglalakad ako papunta sa salamin ng ICU. Critical ang condition niya ngayon pati na ng mga magiging anak namin. At mas nasaktan ako ng malaman ko ang tungkol dito...

Si Ate Monique lang ang kasama ko dahil pinaalis muna niya sila Kuya Pen, Kuya Jake at pinagpahinga muna si Ate Sarah.

"Alam mo ba na nung una akong naghinala na buntis nga siya, nandoon kami sa ospital non. Nandito kami at nasa clinic niya. Kinuwento sakin ng secretary niya na para daw naglilihi si Mia. Nakakatuwa nga eh. Sobrang natuwa ako ng malaman ko iyon. At agad ko siyang binisita sa clinic niya and kumuha ng pregnancy test. Binigay ko sakanya iyon at tapos niyang kunin yon...hindi niya pa sinabi ang totoo sa akin noon. Hindi ko rin alam kung bakit sa mga times na yon. Then nung pumunta tayo sa Tacloban, doon lang namin nalaman na buntis siya. Para ngang ayaw niya pa na malaman namin eh. And Pen and Jake found out kasi pareho raw kaming tatlo ng symptomps na pinapakita. What I'm trying to say is....Mia was already pregnant before your wedding, tama ba?"

Marriage: Deeply In Love With My BestfriendWhere stories live. Discover now