Chapter 21 <3<3<3

33 1 0
                                    

Chapter 21

<Lola Villana’s POV>

Nakita ko si Mia kanina na kausap si Leonora kanina at narinig ko rin ang pinag-usapan nila.

Isa kasing manghuhula si Leonora at sabi ng mga tao dito magaling daw siya at lahat ng mga sinasabi niya ay totoo. Kaya naman kapag may mga disgrasya ay naiiwasan ng mga tao.

At nagulat ako ng marinig ko yung sinabi niya kanina.

"Hija...mamamatay ka." Sabi niya kay Mia.

Agad naman akong nalapitan ni Virgilio kaya hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-usapan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng nakangiti.

"Ha? Eh ano...wala lang." Sabi ko at nginitian narin siya at tinulak ko ang wheelchair niya at nakihalubilo kami sa mga bisita.

Ayoko ng inasal ng apo ko kanina sa harap ng hapag kainan.

Alam kong nasaktan si Mia ng sinigawan siya ni Lance at tinulak ito.

Hindi ko akalaing may  mas gagrabe pa pala kay Virgilio. Ni minsan hindi niya ako nagawang saktan ng pisikal. Ni padapuan ako sa lamok ayaw niya. Pero pagdating sa pagmamahal, doon lang siya nagkulang.

Naglakad si Mia pabalik ng bahay at maya-maya lang...

"Mga Hijo't Hija, mauuna na kami ng Tatay, ha? May kailangan pa kasi kaming asikasuhin." Sabi ko.

"Sasama narin po kami." Sabi nila Lawrence, Andrea, Caiser at Samantha sabay tayo.

"Kami rin po-"

"Hindi na mga bata. Dito nalang kayo." Sabi ko kina Jake, Pen at ang mga asawa nila pati na kina Elaine, Andreige, Grey, Kyle at Jane.

"Pero Momalola, I want to see Mummy na eh!" Sabi ni Jane.

"Eh apo, pano si Kyle? Sige ka, mauunahan ka ng ibang girls kapag hindi mo iyan binantayan." Pang-aasar ko at nagtawanan kami habang silang dalawa naman namumula na.

"O-okay po." Sabi ni Jane sabay upo.

Kami naman, dumiretso kami sa bahay. Yung kubo kasi para sa lahat iyon pero ang nakahiwalay lang sila Elaine. Malaki-laki rin naman kasi yung kubo eh pero kokonti lang ang kama.

Nang makarating kami sa kubo, naka-sarado na yung ilaw at pagka-bukas ko non...

Nakita namin si Mia na natutulog sa may upuan na gawa sa kawayan.

"Hay naku naman itong batang to oo..." Sabi ni Virgilio at umiling-iling nalang.

"May kama naman sakanila, hindi ba? Caiser, Lawrence tulungan niyo kong iakyat siya sa kwarto." Sabi ko pero nagising na si Mia pagkalagay palang ng kamay nila sa likod nito. Ibig sabihin, hindi malalim ang naging tulog niya.

Naku naman...baka nahihirapan na siya o nangangawit o may masakit na sa kanya?

"Ay! Nandiyan na po pala kayo. Sorry po ah." Sabi niya.

"Malaki naman ang kama niyong mag-asawa pero bakit ka dito natutulog? Matigas ang hinihigaan mo ah? Hindi ka ba nasasaktan?" Sabi ni Andrea.

"Tita kasi po napaso si LJ kanina. Eh baka po kasi madaganan ko siya eh. Sa harap pa naman po siya napaso." Sabi niya.

"Eh ano naman?" Tanong ni Caiser- "Ikaw ang babae at ikaw pa ang matutulog sa labas?"

"Oo nga naman Hija. Gusto mo bang pababain ko si Lance para-"

"Hindi na po! Ayoko pong gisingin siya. Ako rin naman po ang may gusto na matulog dito eh." Sabi niya.

"Oo nga naman. Tama naman si Mia. Naku mare, pasensya ka na ha kung napaso yung anak mo kanina. Minsan kasi may pagka-tanga rin tong anak ko eh." Sabi ni Samantha na alam kong nasaktan si Mia.

Marriage: Deeply In Love With My BestfriendWhere stories live. Discover now