#war2wp
Chapter 38
Wars
Sa dami ng nangyayari sa mundo at sa dami ng mga bagay na dumadating sa harapan natin, we forget the little things that are happening in front of us. Parang ang huni ng mga ibon sa umaga, ang mga ulap sa kalangitan, at ang mabining pagsayaw ng mga dahon sa ihip ng hangin.
Ang mga bagay na 'to, madalas kung mangyari kaya hindi natin nabibigyang pansin. Because it's always there. It always happens. Dahil alam naman nating natural nang nandoon ang mga bagay na 'yon.
At kapag lumipas na ang panahon—kapag dumating tayo sa punto ng kalungkutan—ang mga bagay na 'yon ang nagbibigay sa 'tin ng kapayapaan. Because it's constant. Sa panahong masaya ka, hindi mo napapansin ang mga bagay na 'yon. Pero sa panahon ng kalungkutan, para kang kinakalma kapag pinagmamasdan mo ang mga 'yon sa isa pang pagkakataon.
Mapapahiling ka na sana, magkaro'n ka pa ng maraming pagkakataon para pagmasdan ang maliliit na mga bagay na 'yon. Na sana, mas napahalagahan mo sila. Na sana, mas minahal mo sila.
The wind softly blows in our direction. Sinulyapan ko si Hiel at nakita ko ang pagtitig niya sa kalangitan. I step closer to him and I hold his hand. He glances at me before a smile slowly appears on his lips.
Ibinaba ko ang tingin sa lapida ni Tita Stella.
Hindi ko maiwasan ang lungkot na bumabalot sa puso ko habang pinagmamasdan ang pangalan niya roon.
Hindi ko maiwasang mapatanong kung naipadama ko kaya kay Tita Stella na sobra ko siyang minahal bilang isang kaibigan at pangalawang ina. I wonder if I was able to make her feel that I appreciate her and that I am thankful that I was able to meet her in this lifetime.
Pinisil ko ang kamay ni Hiel at sumandal ako sa balikat niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. We are silent when we go back to his parked car. Even I don't know what to say after visiting his mother's grave.
Ilang taon na ang lumipas pero may lungkot pa rin kaming nararamdaman sa dibdib namin. Maybe that feeling won't really go away. When someone leaves your life, because that someone left tons of memories, it is impossible to forget that person. At kahit naman may pagkakataong kalimutan si Tita Stella, it's not something we would choose.
Because I know, Hiel would choose to remember despite the pain it entails rather than forget the good memories he had with his mother.
Nang makarating kami sa nakaparadang kotse niya, huminto si Hiel sa tapat ng pinto ng passenger's seat. Akala ko, papasok na siya sa loob no'n pero hindi.
Sa gilid ng kalsada naka-park ang kotse. Ang mahabang kalsada ay may mga punong nakahilera sa magkabilang gilid. Umaga pa. Hindi tirik ang araw at nalalambungan ng malalambot at makakapal na mga ulap ang langit. Hindi mainit at sariwa ang simoy ng hangin.
Hiel is wearing a white polo he tucked inside a pair of dark trousers and a pair of white shoes. Habang ako naman, nakasoot din ng puting polo pero bukas ang lahat ng mga butones. I wore a black top under it and a pair of beige trousers.
"Do you know that I hated my mother?" Hiel asks me.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at nagtama ang mga tingin naming dalawa. He smiles at me when our gazes meet.
I like how he looks in this scene. The quiet road at his back. The lined-up trees. The dancing leaves. The cloud-filled blue sky. The wind blowing. His innocent pair of eyes. His fair skin and soft red lips. Everything looks like a dream.
BINABASA MO ANG
Coldest War (War Series #2)
ChickLitWar Series #2: Hiel Sebastian Lara Cervantes Pretty, kind, and friendly, Rinnah Selene Jimenez is always loved by the people around her. In the process of meeting new people, she finds herself falling in love with her childhood friend, Hiel Sebastia...