Kabanata 19

44.4K 625 30
                                    

Chapter 19

Malapit ng mag alas dose ng hating gabi ngunit hindi man lang dalawin ng antok si Clarisse. Gusto na niyang malaman lahat ng kasagutan sa kanyang mga tanong ngunit nananadya nga ata ang panahon dahil hindi naman siya inaantok ng mga sandaling iyon. Kahit na may takot pa din sa kanya ay matapang siyang lumabas ng kanyang silid upang bumaba ng kusina at magtimpla ng mainit na gatas. Kailangan niyang ikalma ang sarili niya kung hindi ay mababaliw na siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Simula ng maaksidente siya ay kung anu-ano na ang kanyang mga nakikita at kailanman ay hindi niya sinabi iyon kahit kanino sa takot na pagtawanan siya ng mga tao. Hindi niya gustong isipin ng mga tao na nabaliw na siya sa pagkawala ng kanyang nobyong si Russell.

"Mababaliw ata ako dito." sabi na lamang niya sa sarili habang namamawis ang kanyang mga kamay sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya natakot ng ganoon. Nanalangin na lamang ang dalaga na sana'y hindi magpakita si Allen sa kanya o ang nobya nito dahil siguradong hihimatayin siya sa takot. Hindi niya ata kakayanin kung mangyari man iyon.

Panaka-naka ay tinitignan niya ang silid ni Allen ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba kaya naman nagtuluy-tuloy na lamang siya sa kusina. Kung bakit naman kasi napakadilim sa loob ng bahay na ito. Naiinis na sabi ni Clarisse sa kanyang sarili habang nanginginig na kumukuha ng baso sa cupboard. Isang kaluskos lang ata ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang takot at nerbiyos. Nakakapraning ang ganoong pakiramdam. Pakiramdam ba niya'y anong oras ay magpapakita ang mga multong ilang gabi na rin siyang binubulabog.

Hindi pa man niya nailalapag ang hawak na baso ay marinig na siyang sigaw ng isang lalaki, marahas na lumingon ang dalaga kung saan naroon ang silid ni Allen ngunit wala roon ang mga sigaw na naririnig niya kundi nasa ikalawang palapag.

"Aaron!!" sa iilang hakbang ay natakbo niya paakyat ang silid ng binata ngunit nag alinlangan pa ang dalaga kung lalapit siya o hindi. For Pete's sake he's half naked! Sigaw ng utak niya pero agad niya ring pinilig ang isipin na iyon.

"Victoria! Victoria!" nangunot ang noo niya ng marinig kung sino ang isinisigaw na pangalan ni Aaron. Bakit tinatawag ni Aaron ang nobya ng kakambal nito? Nadagdagan na naman ang mga tanong sa kanyang isipan na lalo lamang nagpagulo ng lahat. Litong lito na si Clarisse sa lahat ng mga nangyayari at pakiramdam niya ay malapit na siyang panawan ng bait.

Na sakanya na ang mga impormasyon ngunit hindi niya alam kung paano naging magkaka-ugnay ang mga buhay nila Aaron, Allen at Victoria. Anong pangyayari o bagay ba ang nag-uugnay sa kanila at pati siya ay hinahabol ng mga ito. Dinaluhan na niya ang kawawang binata na pawis na pawis at animo hinahabol.

"Aaron! Gumising ka! Aaron!" bahagya niyang tinapik ang mukha nito upang magising.

***

Deja vu. Animo pinapanood ni Aaron ang mga nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. Engagement party ng kanyang kakambal sa kanyang pinakamamahal na babae. Kahit na saglit lamang silang nagkasama ni Victoria ay agad niya itong natutunang mahalin ngunit hindi ata pabor sa kanila ang tadhana dahil nobya na ito ng kanyang makasarili at selosong kakambal. Ang masakit pa ngayon ay nakatakda na ang mga itong ikasal. Gusto mang iwan ng kanyang Victoria ang kakambal niya ay hindi nito magawa dahil madalas itong saktan ng huli.

Gustong gusto niyang iligtas ang dalaga mula sa malupit na kamay ni Allen ngunit ano ang karapatan niya? Sa gabing iyon ay nakatakda silang magtanan ni Victoria, tamang tama maraming bisita ng gabing iyon siguradong walang makakahalata kung aalis man silang dalawa kailangan lamang niyang humanap ng tamang tiyempo. Lalayo sila ni Victoria, kahit saan sila makarating ng kanyang pinakamamahal basta magkasama lamang sila.

"Mamayang alas dose ng hating gabi, hihintayin kita" masuyo niyang sabi sa dalaga habang patago lamang silang nag-uusap, malayo sa mga mata ni Allen. Alam niyang sasaktan uli nito si Victoria oras na malaman nito na magkasama silang dalawa.

"Hintayin mo ko kahit anong mangyari? Dito mo ko hintayin." pag sang ayon naman ni Victoria.

"Oo. Magkakasama na tayo. Mailalayo na rin kita sa wakas sa hayup na Allen na yun." agad niyang kinabig ang dalaga at hinalikan ang ulo nito. Buong buhay niya ay noon lamang siya nagmahal. Alam niyang mali ang pagkakataon at sirkumtansiya ng pagtatagpo nila ni Victoria ngunit hindi niya maaaring iwasan ang nararadaman niya para rito.

Lumapit siya kay Victoria na iniwanan na lamang bigla ni Allen sa gitna ng bulwagan at isinayaw ito.

"Allen?" napangiti siya ng mahimigan ang pagtataka nito.

"Ako 'to si Aaron, ang lalaking mahal mo." agad na sumilay ang mga ngiti ng dalaga. Ang mga ngiting iyon ang siyang una niyang inibig.

Tinignan niya ang kanyang relong pambisig at ilang saglit na lamang ay mag aalas dose na kaya naman napagpasyahan na niya ang umalis sa kasiyahan na iyon. Sinadya niyang magkamukha sila ng tuxedo ng kakambal upang sa gayon ay mapagkamali sila sa isa't-isa. Upang hindi na rin magtaka ang mga tao kung kasama man niya si Victoria. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Victoria at bumitaw na rito.

"Tara na habang wala si Allen." hinila niya sa braso si Victoria at patay malisyang naglakad palabas ng mansion. Ngunit hindi nila inaasahang naroon pala ang kakambal.

"Mga taksil!! Akala niyo ba maiisahan niyo ko! Kahit kailan na lang talaga Aaron! Lahat na lang ng meron ako gusto mo din!"

"Hindi ko kailangan lahat ng meron ang gusto ko lang ay si Victoria!!" sigaw niya sa kapatid.

"Hindi niyo ko matatakasan! Humanda ka sakin Victoria! Pagkatapos lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo ganito lang igaganti mo sakin?!! Ipagpapalit mo na nga lang ako dito pa sa kakambal ko!!" marahil sa takot ay napabitaw sa kanya si Victoria at tumakbo na palayo. Agad niya itong hinabol para maprotektahan ngunit parang walang naririnig si Victoria at pilit pa ring tumatakbo.

"Bumalik ka dito Victoria! Hindi ka makakatakas sa akin!" sigaw ni Allen.

"Huwag kang titigil Victoria! Papatayin ka niya oras na mahabol ka niya! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Allen oras na maabutan nito si Victoria.

Hinaklit agad niya ang kuwelyo ng damit ni Allen at nakipagbuno sa kakambal. Sadyang higit na malakas si Allen kumpara sa kanya kaya naman agad itong nakalamang hanggang sa tuluyan na siyang hindi nakalaban. Hanggang sa tuluyang nawala sa paningin niya si Victoria.

At nangyari ang isang malagim na aksidente.

"Aaron!! Aaron!! Gumising ka!!" napabalikwas si Aaron mula sa isang masamang panaginip. Hindi lang basta panaginip kundi ang tunay nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.

"Ayos ka lang Aaron? Wag mo nga akong tignan ng ganyan!"

"Victoria?" ang mga mata ni Clarisse. Ganoong ganoon ang mga mata ni Victoria. Si Clarisse ang babaeng nasa panaginip niya? Kung ganoon si Clarisse ang gumaganap na Victoria sa kanyang panaginip? Maraming tanong ang gumugulo sa kanya at hindi niya alam kung saan hahanapin lahat ng kasagutan sa mga iyon.

"Aaron? Ano ba yang pinagsasabi mo?" walang sabi sabi ay niyakap niya ang dalaga na nalilito pa din sa lahat ng ikinikilos niya.

"You are my Midnight Lover Clarisse."

itutuloy...


If nalilito pa din kayo balik kayo sa Chapter 13 pero if magaling kayo alam niyo naaaaa. :) Sorry sa matagal na update. May magbasa pa kaya nito? Kulang pa yan. May Revelation 2 pa.

BONITABABYY

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon