Kabanata 6

6K 142 7
                                    

Si Leigh na po ang nagsasalita rito! <3

***

Kabanata 6

Forgive


It was two a.m. in the morning when somebody opened the damn door. Ilang oras din kaming naghintay ni Benj. Agad kong binato doon sa nagbukas kung ano man ang nadampot ko.

"Go to hell!" sigaw ko.

"Grabe naman Leigh! Ako na nagmamalasakit sa iyong dalawa. Ikaw pa may galit?" Ang nakabusangot na Newt ang unang bumungad sa akin. Nasalo naman niya ang unang binato ko. "Why so harsh, Leigh?" he damn added.

"Hindi ko kailangan!" May dadamputin pa sana ako nang lumapit si Newt kay Benj. Itinago niya ang sarili kay Benj.

"Benj! Patigilan mo naman 'yang si Leigh!" sigaw ni Newt.

Tumingin ako kay Benj na nagpipigil ng tawang nakataas ang dalawang kilay sa akin. I arched one brow at him. "Layo," I commanded. Mataray ang postura ko na gustong gusto kong masapak si Newt. Kaninang kabang kaba ako sa pagpunta rito ngayon bumalot na ang inis sa akin dahil sa pagkulong nila sa amin ng matagal. Okay lang sana ng mga isa o dalawang oras pero tumagal pa doon at wala na kaming nagawa.

Humakbang na ako makalapit sa pwesto nila.

"Benj! Iba pa naman 'yang girlfriend mo!"

Napatigil ako sa sinabi ni Newt.

"Anong sabi mo?" Lalong kumunot ang noo ko.

"Benj 'yong girlfriend mo—"

"What? How did you know?" saad ko.

Ngumisi naman si Newt at umalis sa likod ni Benj. Nakabuka na ang bibig ni Newt ngunit naunahan siya ni Benj. "Sinabi ko. Girlfriend naman kita, 'di ba?" Napaiwas agad ako ng tingin sa kanilang dalawa. Napakagat ng labi. And I felt my cheeks went pink at Benj's statement. Damn it.

Parang hindi ako sanay. Ba't parang ang awkward pa ng sitwasyon ko.

"Sus, Leigh. Kilig ka naman!" natatawang sabi ni Newt na may halong asar.

Hindi ako nag-atubili na lumapit sa kanya at sapakin ito. "Ass," I said and gritted my teeth. Napangiwi naman si Newt sa sapak ko sa panga niya. Napaatras na siya at umiling sa akin. Pagkatapos ay tumawa ng pagkalakas-lakas. Lalapit pa sana ako sa kanya ngunit mabilis siyang lumabas ng kwarto. Kaya napailing na lang ako sa sobrang dismaya.

"Masanay ka na."

"Saan?" tanong ko pagkalingon kay Benj. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Then, he cupped my cheeks and looked directly into my eyes. "Saan?" I asked, again.

"You know, when I was courting you, I was dying to let them know about it." Benj gave me his sweetest smile and I died in a minute. "Ngayon, hindi ako papayag na hindi nila malaman itong tungkol sa 'tin. Kailangan masanay ka na," he added.

No words come from my mouth. Para akong isda na pabukas-bukas lang ng bibig hanggang isinara ko na lang ito. Damn, Benjamin. You make me the luckiest girl in the world.

**

"Leigh!" Sumigaw si Lucy at Gaile nang makita nila ako sa tapat ng pinto. Agad-agad silang tumakbo sa pwesto ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Grabe akala namin! Hindi ka na dadalaw dito!" maiyak-iyak na sabi ni Gaile sa akin at inalis ang yakap sa akin.

"Oo nga! Mabuti naman naisipan mo!" ani Lucy at inalis ang hagkan sa akin.

Umirap ako sa kanilang dalawa. "Nandito na 'ko. Okay? 'Wag ng clingy," ani ko at tipid na ngumiti sa kanila. Naglakad na ako papasok ng bahay at napalingon na lang ng maalalang nasa likod ko lang pala si Benj.

"O, ba't nandito 'yong ex ni Je?" Narinig kong tanong ni Gaile.

Kumabog ang aking dibdib at unti-unting tumingin sa likod ko. My breathing is slow. At hindi ko alam ang rason. Dahil ba sa sinabi ni Gaile o sa iniisip kong maaring sabihin ng tao sa amin ni Benj. Syempre, kung titignan naman ako 'yong magmumukhang masama. Maaring sabihin nila na inagaw ko si Benj kay Jezel. Iyon 'yong makukuhang logic ng tao. Na ako ang nang-agaw.

Nagtama ang tingin namin ni Benj. At sa tingin ko nakuha naman niya 'yong nais ko. Umiling ako at nagsalita, "Ano...sinama ko lang para may magbuhat nung paintings ko rito at maiuwi don sa bahay namin."  

"Aaa okay..." Tango ni Gaile. "Nandyan pala si lolo sa office niya. Kakauwi lang niya galing NY."

"Puntahan mo Leigh," ani Lucy.

"Sige," sagot ko.

Tinanguan ko naman si Benj at mabilis siyang nakapunta sa pwesto ko. He was about to hold my hand but I crossed my arms above my chest. Tinignan ko siya sandali at nginitian ito. Nasa likod pa namin sila Gaile at Lucy. Hindi pa ako ready...hindi 'ko alam kung bakit natatakot pa rin ako. Hindi ako ganito. Hindi ako ganitong natatakot sa sasabihin ng ibang tao pero bakit dito sa amin ni Benj? Iba? Anong nangyayari sa akin?

Nang makaakyat kami sa second floor ay pumasok ako sa dati kong kwarto. Sinara ang pinto at pumunta agad kung saan nakalagay lahat ng paintings ko. Mayroon akong limang paintings na nagawa at gusto kong isabit ito sa bahay namin. Dalawa sa kwarto ko habang tatlo naman sa ibang bahagi ng bahay.

"Scar..." Damn, ayoko munang pag-usapan 'yong nangyari kanina.

"Benj kunin mo na lang 'to. Tapos lagay mo na lang sa kotse. Sunod na lang ako tapos kakamustahin ko lang si lolo." Inabot ko sa kanya 'yong limang paintings. Tumingkayad at hinalikan siya sa labi.

Napabuntong hininga na lang si Benj at napailing. Ngumiti siya at tumalikod na sa akin.  Nang makalabas si Benj ay nanatili muna ako ng ilang minuto dito sa dati kong kwarto. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang kwarto ko.

Ilang linggo na kaming naninirahan sa bahay ni Papa. Nakakamiss din pala 'tong mansyon. Kahit na puro pait ang narananasan ko dito nakakamiss din pala.

Wow, namiss ko rin 'yong times na grounded ako at nandito lang ako sa kwarto. Hindi ko rin makakalimutan 'yong bawat kilos ko kalkulado ni lolo. Lahat lahat ng tungkol sa akin dapat alam niya. Hindi ko rin makakalimutan iyong araw na sumuko si lolo sa pride niya. Akala ko magmamatigas pa siya, papahirapan pa kami, at aabot pa sa korte ang lahat. Pero wala, siguro nahirapan na rin siya at nakonsensya. Na sumuko na lang siya. Na narealize niya na mali lahat iyon ng iungkat si lola sa kanya. Siguro si lola talaga ang weakness ni lolo. Siguro iyon 'yon.

Papatayo na sana ako nang may pumasok.

"Lo!" Napatayo ako.

"Leigh," tipid siyang ngumiti sa akin. "How are you?"

Parang nakakapanibago na ganito ang bungad sa akin ni lolo. But, people changed. I'd hope so. "Okay lang po. Kayo po?"

"Did you really forgive me, Leigh?" But lolo didn't answer my question. Instead, he gave me a question that is easy to answer. C'mon, ayoko ng magtanim ng sama ng loob. I really want to start my life without hatred, you know.

"Of course, Lo. Who am I not to forgive you? You're my lolo." I smiled.

Lolo laughs, nervously. "Give your lolo a hug."

Agad akong lumapit at niyakap si lolo. "Kahit na hindi ikaw 'yong tunay kong lolo. You'll always be the one-of-a-kind lolo for me. No hard feelings, though." Natatawa kong sabi.

"I'd hope so, Leigh." Hinigpitan ni lolo ang yakap niya sa akin. Pero natulala ako sa susunod niyang sinabi. "I knew about you and Benjamin. Noong simula pa lang hanggang ngayon."



When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon