Kabanata 39

4.4K 119 16
                                    

Kabanata 39

New York


"Tita Ash, what do you think? Parehas namin gusto ni Seb na sana kambal pero wala naman kasi sa family namin na may kambal?" tanong ni Lana habang nginunguya ang kimchi. Habang ako gusto ko ng masuka sa ginagawa niyang pagkain nun. Nakakasuka. Hindi naman masarap 'yan. Ewan ko, akala ko noong una masarap siya pero hindi pala. Halos masuka ako noong natikman ko.

"Uhm..." Napaisip si Mama. "Hindi ko alam. Hindi rin kasi natin alam. Malay niyo..." Bigla akong inakbayan ni Mama. Tumingin siya kay Lana pagkatapos sa akin. Di bale nasa gitna nila ako. Kanina pang umaga si Lana sa bahay. Si Mama ngayon lang kami sinamahan sa sala. Kung ano-ano nga kinuwento ni Lana sa akin about sa pagbubuntis niya. Mahigit isang buwan na kasi ito.


"Really? Sana nga! Sana nga!" masaya nitong batid.

Tinignan ko naman siya ng nakataas ang kilay. "H'wag umasa," sabi ko.

"H'wag ka namang bitter! Pero oh my gods talaga 'to!"


I roll my eyes.

"Sana. If ever ngang kambal. Isang babae at isang lalaki. Pero h'wag lang magmamana ng kasungitan ni Le. Para kasing laging meron!" natatawang sabi ni Lana. "Tita Ash ano po bang kinain niyo noong buntis kayo at parang sinakluban ng langit at lupa ang ugali nito?" Lana look at Mama with a smug look. I want to punch her right now. Kahit buntis 'yan gagawin ko talaga.

Sinamaan ko siya ng tingin. Habang si Mama niyayakap na ako kahit tumatawa. "Wala naman. Hindi naman naging maselan 'yong pagbubuntis ko kila Leigh at Densel," ani Mama.

Tinaasan ko tuloy kaagad ng kilay si Lana. Nginisian siya pagkatapos. Ano ka ngayon, hah?

"Talaga? Para kasing may mali talaga dito kay Leigh? Okay naman si Densel?" asar ni Lana.

What the heck? Ako ba ang puntirya ng buntis na 'to? Ang laki ng problema niya sa akin.


"Uy, ikaw! Tumigil ka na nga! Ako ba pinaglilihian mo?" I said.

"Ayoko nga! Ikaw? Naahh!"

"Aba be thankful ka na lang!" sagot ko.


"Tama na 'yan. Parehas naman kayong maganda," natatawang sabi ni Mama. Kumalas na siya ng yakap sa akin at pasalit-salit ang tingin sa amin ni Lana. "Teka lang ah. Maghahanda na 'ko para sa lunch. Baka nagugutom na ang baby..." ani Mama sabay tingin kay Lana. I was about to crease my forehead when Mama looked at me. "And my baby." I grinned immediately.

Tumayo na si Mama sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa kusina.

Nang lumingon ako kay Lana ay nakita kong hawak niya ang phone niya. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong nagpe-facebook siya. She's just scrolling until she stopped. Tumitig din ako sa tinititigan niya.

"OHMYGODS," She breathes. "This is Benj, right?" Tumingin si Lana sa akin na gulat na gulat. "With a model?" Kunot noo niyang sabi. My mouth failed me to say something. I let Lana speaks the whole damn time. "Account ni Seb 'tong gamit 'ko. Friend ni Seb 'tong si Cielo. Ohmygods, darling."

I look at the picture. Iyong Cielo ay nakahawak sa bewang ni Benj habang si Benj ay nakaakbay dito. Pinost nung Cielo 'yong picture sa facebook niya tagging Benjamin. Cielo has this model body. Balingkinitan. Maputi. Makinis. Maikli lang ang itim nitong buhok hanggang balikat niya. She's gorgeous.

And Benj. He looked so good. Na parang wala siyang dinadala na kahit ano. He was wearing a vintage white shirt and  jeans. Nakasuot 'yong eyeglasses niya sa kanya. At nakasabit 'yong DSLR sa kanya. He looked happy, I think. He was wearing the smile I loved the most. Iyong hindi halatang dimple sa pisngi niya. His eyes light up like a fireworks. He's happy. Really happy.


"Sa Canada pala siya ngayon," ani Lana.

Doon lang ako lumingon sa kaibigan ko. "Yeah. Sinabi na sa akin ni Yuan na pumunta siyang Canada."

Tumango-tango si La hanggang sa nanlaki ang mata niya. "So you're dating Yuan?"

"What the fuck is wrong with you?" I cried out.

"What's wrong? Malay mo, Benj is dating this model. Model sa Ericka's tong si Cielo a! We never know. Baka nga dine-date niya 'yon. So you're free dating Yuan, duh?"

I roll my eyes.


"Urgh. Shut up and fuck you."

Napasandal ako sa couch. Kinuha ko 'yong maliit na unan sa tabi ko at nilagay sa mukha sandali. Kahit ganito naririnig ko pa rin ang boses ni Lana.

"Alam mo...hindi mo naman kasi alam. May closure ba 'yan? Hindi mo rin kasi alam ang takbo ng tadhana. Minsan iihip na lang ang hangin at hindi mo alam kung saan ka nito dadalhin, Le. Malay mo. Why not date someone? Right?"


"No fucking...way," I breathe the words. Inalis ko ang unan sa aking mukha. Tinitigan ko si Lana ng masama. "I made a promise. No one can ever break that promise, La. I need to stay loyal. I need to be tireless while waiting. Okay, I admit it, I miss him. I miss him so fucking bad, La. I miss my Benjamin." But I stare at my hands for a while. "But he looked so happy..." Napakagat ako ng labi. "He looked fine...without me."

"And you need to be happy, too, Leigh." Lana said.

How? I asked myself.


**


"YOU ARE LEAVING ME BITCH!" Lana damn cried out outside. Tinakpan ko ang tenga ko sa sigaw niya. Mabuti na lang walang tao sa labas habang nakatambay kami. Nakasandal kami sa Malibu ko habang pinagmamasdan ang kung ano-ano sa village nila. Bigla akong napatingin sa katabing bahay nila...'yong kay Benj.

"H'wag OA po?" I roll my eyes.

"Pero narinig ko sa Papa mo na pupunta kayong New York at sa Saturday na ang flight niyo. Le, Thursday night ngayon o! Isang araw na lang kitang makakasama! How dare you to do this to me, bitch!"

Lana is near to tears. And I want to laugh at her damn reaction.


"Magbabakasyon lang kami. Okay?"

"Ilang buwan?"

"5 months? Or baka 1 year? Not sure!"

"Argh! Doon nagsisimula 'yan e! Hanggang sa mag-stay na kayo for real!" Lana growled.

"E di doon ka na rin tumira! Duh!" sagot ko.

"No...fucking way, Le. Dito na kami e."


"So you're gonna miss m—" I stopped in the midsentence when Lana slapped me. I wince at pain. Nagmamadali akong tumingin sa kanya. "You want me to be happy, right?" I said. "I want to go to NY with my family. If we're going to stay...for real...I don't know. But I'm gonna fucking miss you, bitch." Ani ko habang hinahabol ang aking hininga. "Pwede namang dumalaw, okay? May phone? May laptop? Marami tayong pwedeng gamitin para lang magkausap? Okay. I love you. You're my best friend. Maraming paraan kapag gustong magkaroon ng communication."

Napanguso si Lana. "Fine. Fine." She surrendered her hands. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ko at humarap sa akin. "I love you, too." Lana bit her lip, thinking something. Then she speaks, "Labas tayo bukas. Tayong dalawa lang. Susulitin natin ang isang buong araw bukas. Okay? Hindi ka makakahindi. Mag-ayos ka ng gamit mamaya pag-uwi mo. Promise me, Leigh. We'll have a day tomorrow!"

I laugh.


"God...Lana. You're a bitch." I murmured, smiling.

I bit my lip to fight the emotions inside me.

"I know. Promise me, Le. Come on."

Lana is so eager to have my 'yes'.

"You have my word, La. Fine. Fine. Labas tayo!" I said, defeated.


Well, I guess we'll have the whole day for each other before I go to New York.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon