Kabanata 33

3.8K 98 13
                                    

Kabanata 33

No words from her


"Calm, okay?" ani Benj nang hawakan ang door knob.

"Shit!" I cursed under my breath. Napatalikod at napapikit ako dahil hindi lang ang pamilya ko ang nasa loob ng bahay namin. 'Yong mga tito at tita ko nandito para pakiusapan ako. Hindi ko alam kung sino-sino sila pero agad na gumapang ang kaba sa aking sistema nang may text akong natanggap kay Mama. "Shit." I said calming. Pero hindi ko yata kakayanin 'to. Kung papakiusapan na naman nila ako wala namang mangyayari dahil hinding-hindi ko babaguhin ang desisyon ko. "Hindi ko naman babaguhin. Bakit nandito pa sila? Para konsensyahin ako?"

Binuksan ko ang mata ko nang may naramdaman akong kamay sa aking balikat. I look at him over my shoulder. "Tell me if you don't want to face them. Itatakas ulit kita. Akin ka muna ulit," he said. Pinisil pa niya ang balikat ko.

Ngunit kailangan siguro paulit-ulit kong sabihin na hindi ko babaguhin ang desisyon ko sa harap nila para lang maunawaan nilang mabuti. "No..." I shook my head. "I'm going to face them." Hinawakan ko ang kamay ni Benj sa aking balikat. Inalis ko iyon at humarap na sa may pinto.

Huminga ako ng malalim sabay bukas ng pinto. Ramdam ko ang pagsunod ni Benj sa akin pagpasok sa loob ng bahay. Nakita ko kaagad ang pagtayo ng mga tao sa kanilang kinauupuan nang matanaw nila 'ko.

"Good God, Leigh...you're here!" Narinig ko kaagad ang boses ni tita Abigail, mommy ni Gaile at James. Nakita ko sa tabi nito si tito Leonardo, ang asawa nito.

"I can't wait no longer...Ashleigh. Come on..." ani tito Rick. Nakasabit naman sa braso nito si Tita Nicole na masama ang tingin sa akin. Binaling ko ang tingin kay Mama na diretsong nakatingin sa akin. Her face is expressionless but I know she's sad. Napalunok ito at naglakad papalapit sa pwesto ko. Nasa tabi nila tito Rick at tita Nicole, ang Mom at Dad ni Ezekiel at Lucy, na sina tito Chris at tita Betty. Iyon lamang ang nandito sa bahay.

"Leigh...baby. Please..." ani Mama sabay hawak ng aking kamay. Tumitig ito sa aking mata. Napalunok ako.

"Ma..." I uttered.

Mama shook her head. "Leigh...please." She begged. I can't look directly at her pleading eyes.

Inalis ko ang hawak ni Mama at umiling. Umatras ako hanggang sa tumama ako kay Benj. I felt Benjamin's hands on my shoulders.

"Let's go..." He whispered. Tumingin ako sa kanya. I don't know what to do. Mama is begging. And I can't do anything. This is my mother.

"Leigh...we're giving you chance. Last chance...kakalimutan namin ang lahat. Makonsensya ka na sa ginawa mo sa Lolo mo. Iurong mo na. Tatanggapin ka naming pamilya ulit. Come on!" Tito Rick said. Nasa tono nito ang inis sa paghihintay na ginagawa ko.

"Leigh...I know you're a good girl. Ito lang naman 'yong hiling namin. Please..." Tita Betty said. I look at her. Tita nods her head and mouths 'please'. Napalunok muli ako. Sa tabi nito nakita ko si Tito Chris having his agonizing look to me.

I shake my head.

Hindi pa ako nakapagsasalita ay bumanat na si tita Nicole. "So what now, Leigh? Kung wala ka na talagang kaluluwa para iurong ang kaso. Fine, hindi ka naming tinuturing na pamilya pa. We're not a family anymore!" inis na sigaw ni Tita. Kailan ba mo ba kami tinuring na pamilya? "Or hindi ka na ring ituring na pamilya pa ni Ashleigh kapag hindi mo ginawa ang sinasabi namin." Tita Nicole added, shrugging her shoulders.

My lips part. Iniwas ko ang tingin ko kay tita at tumingin kay Mama na nakayuko. Nakita ko ang pagnginig ng kamay nito. "Leigh..." Mama's lips are trembling. She is near to tears. "Tell to Alexander that you don't want to file anymore case to your Lolo. Kahit ano man. Kahit 'yong hindi tungkol sa akin. Kahit anong man masama niyang ginawa. Right? You're going to obey Mama? We're family. Di ba pamilya tayo kasama ng lolo mo." She pleaded.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon