Kabanata 7

5.1K 119 9
                                    

Kabanata 7

Not heartless


"What do you think, Le? This dark blue or black? I wore black na kasi kahapon sa date namin ni Seb. But I like this black—"

"Damn it, La. Kaya mo na 'yan. Huwag kang baliw." I fished out my phone in my pocket. Kanina pa niya tinitignan ang dalawang fitted dress na iyon. Pero hindi naman siya makapili. Kaya minsan ayoko na rin kasama 'tong si Lana sa mga ganito, papahirapan lang ako.

Napakagat ako ng labi at naningkit ang mata ko habang tinitignan kung sino ang nagtext sa akin kanina na ngayon ko lang tinignan. My lips curved into smile.  Muntik na akong mapakagat ng daliri sa nakita kong pangalan sa screen.

"Le! I'm talking! Come on, I need your suggestion! Don't ruin my life! Need you, Le!"

I rolly my eyes at La's dramatic statements.

Tumingin ako sa paligid—dito sa department store. Mabuti na lang walang gaanong tao rito at hindi nakakahiya ang pagka-OA ni Lana.

"If you're trying to seduce Seb and drool at you, go on dark blue! Goodness del Rey, ang laki ng  problema mo." Napahawi ako ng buhok sa mukha sa sinabi ko kay Lana. Agad naman niya akong niyakap. Lana giggle while marching to the counter. O goodness, Lana, what on earth Sebastian did to you? You crazy bitch.

Mabuti na lang mahigpit ang hawak ko sa phone. Tinitigan ko muli ito at tinignan 'yong pangalan before his message.

From Benj:

On my way. Can't wait to see you, my darling.

I feel like an idiot smiling to his message. Hindi ko maalis ang tingin ko sa screen hanggang sa nagdilim dahil may tao sa harap ko.

"Look, who's crazy right now...blah blah..."

Umangat ang ulo ko sa nang-aasar na boses ni Lana. Napawi iyong kaninang nararamdaman ko sa nakakasura niyang mukha sa aking harapan. May hawak itong dalawang paper bags. Magrereact na sana ako doon sa hawak niya ngunit may pamilyar na boses akong narinig.

"Scar!"

"Marj!"

Dalawang pamilyar na boses iyon. Parehas pa yata kami ni Lana na tumingin sa kanilang direksyon. I think we both giggled. Our eyes both light up, looking at their face. Mabilis na naglakad 'yong dalawang lalaki. Nakita ko ang pagyakap ni Lana kay Sebastian nang matagpuan ng bisig niya ito. Lumawak ang ngiti ko hanggang sa napakagat ng maramdamaman ang isang hininga sa aking leeg. "How are you, my darling?" His laugh makes my system freak out and want him and kiss him until I don't know what to do next.

Pinilit ko lang bumalik sa realidad para makaiwas sa kahihiyan. "Stop it." I pressed my lips after. "Stop calling me that." I roll my eyes—my excuse for his stare.

"But you're my darling—my dear—my sweetheart, I can't stop myself, you know." Ngumuso ito. Then Benj wraps his arms to me. Ito ang nagbigay dahilan para sa akin upang ibaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Naramdaman ko ang pagnginig ng kanyang dibdib. His heart beats normal and calm as him.

"Sana pala hindi na tayo sa park noong isang linggo," ani ko. "Simula non, pauulit ka na lang hanggang nag-settle ka na sa..." Umalis ako ng pagkakayakap sa kanya. Naalala ko 'yong na-encounter naming dalawang matanda sa park. Well, doon nakuha ni Benj 'yon. Benj adore them. And I am secretly adore them. Pero hanggang ngayon may endearment pa rin sila. Doon nakuha ni Benj 'yong idea. "My darling." I added.

Benj freaking laughs, hoarsely.

Napalunok ako.

"I bet you'd like it," mapang-asar niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko. Magrereact na sana nang may sumingit ng mga asungot.

"Pabebe pa kasi 'yang si Leigh!" Lana teased.

"Pero kinikilig na 'yan!" sabat naman ni Bastian.

I glared at them.

"Ako nga gustong-gusto ko 'yon—"

"Damn it! Can we talk about the damn thing called 'privacy' and 'between me and my boyfriend'?" I say. Pumeywang ako sa kanilang dalawa. Nagtinginan naman sila Sebastian at Lana. May sasabat na sana sa kanila ngunit nauna si Benj.

"No. Between you and me, your fiancée, not just your boyfriend, my darling," ani Benj.

My face went pink at his darn statements. Hindi ko makuhang lingunin si Benjamin sa sinabi niya. But those two traitors wave their goodbyes in just one wave and laughs. I wish I can stretch my hand so long and punch those two traitors squarely on their face.

"Come on...I'd like to call you my darling and I will not get tired even you don't like it. O kaya kapag tayong dalawa na lang. I'm okay with that arrangement, Scar..." I faced Benjamin. His eyes light up. May iba sa kanyang aura. I think he's happy, very much happy. At sino ako para hadlangan 'yong bagay na makapagpasaya sa kanya.

"No..." I shook my head. "It's all right."

His smile widened.

**

I am looking at Benj's shocked face. Nakaawang ang bibig nito habang tinitignan ang akin. Umiling ito ng isa bago tuluyang makapaniwala.

"He's my lolo. He's Lorenzo. Hindi ko rin alam na alam niya 'yong atin dati. You know, he's really good at this." I say while I set my eyes at the mirror of his car.

"Well, I don't know what to say..." Benj says, still not believing on what I'd said. Sinabi ko lang naman na alam ni lolo 'yong sa amin. Iyong tinago namin noong ayaw pa niya. Na pinipilit pa rin ni lolo ako kay Yuan. Hindi ko rin naman nasabi kay Benj 'yong noong araw na 'yong dahil maski ako hindi makapaniwala. How can you tell the truth to someone if you're not believing on it? Syempre, na sa'yo ang unang paniniwala. But now I have the guts to say this unbelievable truth, sinabi ko na ngayon.

"Pero kung alam ni lolo..." I ran out of words. Tumingin ako kay Benj.

"Bakit hindi niya tayo pinakelaman?" Si Benj na ang nagtuloy ng sasabihin ko. Napakagat ako ng labi. Yon din 'yong naiisip ko. Kung alam ni lolo, sana ginawa na niya 'yong ginawa niya kay Sebastian. That's the question. No—maybe, lolo's really not that heartless. Ginawa niyo 'yon siguro for the power and he wanted me to be happy and angry at the same time. I don't know. Pero dahil dito at sa ginawa niya—pakiramdam ko nawala na lahat ng nangyari non nakaraan.

"He cared, Benj. He cared kahit na hindi niya ako tunay na apo noong mga panahong iyon. " I felt the tears in my eyes. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng emosyon. Naramdaman ko ang kamay ni Benj sa tuhod ko.

He smiles.

"He's not heartless as what people think of him. He wants anyone to call him heartless even he's not." Ani Benj. "His defense on, maybe, what the past had done to him."

"Right. Pero hindi na ngayon dahil sa ginawa niya. He gave up his pride and let the love flowed in his heart." I gave him a small smile. "He truly cared for us. Sa pamilya namin kahit hindi niya kami kaano-ano."








When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon