Kabanata 30

3.7K 111 9
                                    

Kabanata 30

For you


"Iurong mo na ang kaso ngayon din," matigas na sabi ni tito Rick. Tinitigan niya 'ko ng sobrang sama na halos hindi na ako makatayo sa pwesto ko. "Ganyan ba ang igaganti niyo pagkatapos ng ginawa niya sa'yo? Jesus Christ, Leigh, I never thought that my niece could be this bad. How could you?" he added, fiercely.

"Dapat kasi una palang naniwala ka na sa akin. Masasamang tao talaga ang nasa bahay na 'to. Kung alam mo lang ginawa ng pamangkin mo na 'yan sa anak mo." Umiiling na sabi ni tita Nicole habang tinitignan ako ng masama. Inirapan niya pa ako at inakbayan si Jezel. Na emosyonal na tumitingin sa Dad niya.

"Daddy...she stole my boyfriend. Nilandi niya 'yong boyfriend ko. Right now, I feel so devastated. Tapos ngayon wala man lang siyang puso at pinakulong si lolo. She's so heartless. I can't look at her...right now. I am thinking of lolo. Naawa ako kay lolo ngayon."

Napaawang ng bibig si tito Rick sa narinig niya sa maarte niyang anak at asawa. Ilang beses itong umiling at hindi makapaniwala sa narinig. Tito Rick is the eldest son of Lorenzo. Hindi niya alam kung paano kami tinatrato ni lolo dati. Dahil lagi siyang nasa business trip. Hindi siya madalas sa mansyon. But right now, he's believing his family. Syempre saan pa ba siya maniniwala ngayon.

"God...Leigh. I can't believe this." Tito Rick breathe a sigh. Hindi mawala ang tingin niyang masama sa akin. Sobrang yukom ang kanyang kamay sa pagpipigil. Igting ang panga niya at naninigkit ng sobra ang kanyang mata. He has this shallow breathing. And I couldn't take my eyes off tito Rick. "Leigh...I'm giving you the chance. And I'll forgive you...iurong mo na ang kaso. Call your lawyer, right now. Dad doesn't deserve this, Leigh. Magbigay ka naman sa kanya ng kaunti pagmamahal. He build this family. May reputasyon tayo. Hindi tayo pwedeng maging kahihiyan. This is bad luck, Leigh." Tito shook his head. Napalunok ako nang ibaba niya ang tingin saka nagsalita, "H'wag mo ng ipakulong ang Dad. I'll forgive. We'll forgive you," anito sabay tingin sa akin.

Tatlong pares ng mata ang tumitigngin sa akin. Pero wala akong maramdaman na awa habang tinitignan sila. Walang-wala. I feel so empty and nothing right now. I can't feel anything about their words. Na parang ako pa 'yong may kasalanan.

"No..." One word. Isang salitang sumira sa pagkakataon. Ngunit ayoko. I heard tita Nicole and Jezel gasped. Tito Rick is shocked.

"HOW DARE YOU LEIGH! WALA KANG AWA!" Jezel shouted. Nagmamadali siyang pumunta sa pwesto ko at kaagad na hinablot ang buhok ko. Pakiramdam ko may ilang hibla na natanggal sa higpit ng hawak niya. Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin siya. May naramdaman akong kalmot sa aking braso hanggang sa napahiga na lang ako. Nakapatong si Jezel sa akin at pinagsasampal ako. Pinangsangga ko ang aking braso para hindi niya masampal at makalmot. She is too desperate. "PARA SA PANG-AGAW MO! PARA SA PAGIGING MALANDI! SULUTERA! AT PARA KAY LOLO!" She roared.

But I feel nothing. I can't feel anything right now. Alam ko nadunggo na sa couch ang ulo ko ngunit hindi ko maramdaman sa bawat pagsangga ko sa kamay ni Jezel. Hindi makuha ng bibig ko na magsalita. I let my emptiness answered their quest.

"JEZEL ANGELICA STOP IT!" Tito Rick barked. Agad na napatigil kami ni Jezel sa away namin. Nagmamadali si tita Nicole na makapunta sa pwesto namin at inakay si Jezel paalis sa ibabaw ko. Humahagulgol siyang niyakap ng Mom niya habang ako nakahiga pa rin. Mag-isang binibigyan ang sarili ng lakas na humarap sa kanila. Mag-isang tinatanggap 'yong masasakit na salita nila. But I'm sorry I'm not really sorry, hindi ako makaramdam ng awa sa kanila. Nanatili walang ekspresyon ang aking mukha.

"Oh my God, Leigh. I'm going to pray for your soul," tita Nicole said while hugging Jezel na hindi pa rin humihinto sa pag-iyak.

"Mommy...I don't want here anymore..." Jezel cried out.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon