Kabanata 31

3.7K 102 5
                                    

Kabanata 31

What if


Binaba ako ni Benj sa kama niya. Umupo akong pinagmamasdan niya ang cabinet niya at namimili siguro siya ng damit. Natagpuan ng kamay niya iyong isang vintage gray shirt. Hindi niya akong nililingon at hinubad na lang niya ang shirt. Napansin ko ang tattoo niya sa likod.

Love must be sincere

Pinagmasdan ko ang bawat letra nito ngunit hindi ko natapos nang bigla na lang niyang suotin 'yong vintage shirt. He looked at me over his shoulder and smiled. "You need to change, too," anito. Tumingin muli siya sa mga damit na mayroon siya. Natagpuan niya 'yong isang gray shirt ko. Sa akin talaga dahil alam ko may ilan akong iniwang damit sa cabinet niya.

"Here..." aniya pagkarating sa pwesto ko. Tinabi niya sa aking 'yong damit.

Lumuhod si Benj sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang bawat kilos niya at gumagala ang tingin niya sa aking braso. Sa ilang pulang guhit na natamo ko kay Jezel. Sa ilang kalmot na ginawa din ni Jezel. Umangat ang tingin niya sa aking leeg. Napangiwi ako nang ngayon lang maramdaman 'yong mga gasgas na natamo ko kay Jezel. Napakagat ako ng labi nang iyuko ko ang ulo ko. Maliit lang 'to.

"Hey..." I heard his voice again. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo ko. I saw his smile. "Magpalit ka na. Tawagin mo 'ko kapag tapos ka na." Tumango ako sa sinabi niya. Tumayo naman si Benj at lumabas ng kwarto niya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Nagpalit ako ng damit. Ngayon ko lang napansin 'yong mga gasgas na natamo ko kay Jezel. Pati 'yong ulo ko...hindi ko alam kung saan ba 'to natama kanina. Kinapa ko ang leeg ko at kaagad akong napangiwi sa sakit. May nahipo akong gasgas. Shit, that bitch. Kakalbuhin ko 'yon kapag nagkita kami.

"Benj!" I called him and bit my lip upper lip. Napatingin ako sa kamay kong nakapatong sa aking tuhod nang bumukas ang pinto. Narinig ko ang yabag niyang papunta sa akin. He's holding something. Napaupo si Benj sa sahig naging dahilan para masilip niya 'ko at masilip ko 'yong dala niya.

"I think I need to clean those?" he said. Binaba niya sa tabi niya 'yong alcohol at bulak. May dala pa siyang isa na hindi ko alam kung ano. Parang pinapahid sa sugat or what. I don't know. At 'yong phone niya sa tabi nito.

Agad akong tumayo para umupo kaharap niya. "No...no. Stay there..." bigla nito. Ngunit huli na dahil nakaupo na ako sa harap niya. I offered my arms to him. Benjamin breathe a sigh. "Wala na akong magagawa nandyan ka na." Kumuha na siya ng bulak at nilagyan ng alcohol ito.

I wince. Napakagat ako ng labi nang maramdaman ito sa braso ko. Dahan-dahan at hindi madiin ang bawat dampi nito sa akin. I saw his forehead creased a little while doing it. Unti-unti hindi ko nararamdaman 'yong kaunting sakit ng mga damping iyon. Pinagmasdan ko ang mukha ni Benjamin. I miss him. So much it hurt. He looks so stress, too like me. Medyo mahaba na nga 'yong buhok niya. I wish I could kiss him right now. But I need to ask something.

"How did you know?" I asked him.

Hindi napatigil si Benj sa ginagawa niya.

"Your father."

"Si Papa?"

"Yes."

"What did he say?"

Doon lamang napatigil si Benj dahil na-distract na siya sa tanong ko. Binaba niya iyong bulak. Napapikit ito na tila mo nagpipigil. "God. I want to kiss you." He opened his eyes and I felt his lips on mine, deeply and longing. Nang matapos ay doon ko lang nalaman na iyong isang kamay niya nasa batok ko.

Benj shook his head. "Tinawagan niya 'ko. Iuwi daw kita."

"Then?" I questioned.

Tumaas ang dalawang kilay ni Benj. Na parang nang-aasar. I roll my eyes. "Then what?" aniya.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon