22nd Curse

207 11 8
                                    

22nd Curse

Naglalakad lakad ako sa campus para hanapin si Dennis. Kakalbuhin ko yung gagong iyon. Alam nya ba ang lihim ni Alli. Siraulo sya.

Naglalakad ako sa lobby ng may bigla akong napansin na nakapaskil.

 

Elimination round tonight.

Clue: Uninvited

What the? Ang pinapahulaan ngayon ay kung sino ang uninvited? Pero according sa rules, pag nahulaan nyo kung sino ang uninvited, then, game’s over. Sa isang iglap, magagame over na ang lahat. P[u]nyet[a]

 

[Kristine’s Pov]

I got ready for tonight. I’m still in trance. Kagagaling ko lang sa klase ko ng malaman kong ngayon na pala as in ngayon ang elimination round. Iniisip naming lahat na may slayer round pa, pero it’s only a distraction.Ginugulo lang kaming lahat para hindi namin magawang mapaghandaan ang susunod na laro. Eto at elimination round ngayon, at ang clue, Uninvited.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na. paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si Ceejay. Sinusundo ba ako ng gagong to?

“Tara na Kristine,” inabot nya ang kamay nya sa akin pero tinabig ko lang iyon. Tapos ay humawak ako sa kwintas na suot ko. Yung susi ni Christine. Sana gabayan ako nito sa tamang sagot. Hindi ako pwedeng matalo Christine.

Minsan, gusto kong tanungin ang sarili ko, bakit sobrang attached ko sa mga taong patay na. Si Mina, kahit halos isang dekada na syang patay, sya pa din nagpapaikot ng buhay ko, at ngayon, si Christine.

Dumating kami  duon sa hall ni CeeJay. Kanina pa syang daldal ng daldal. Finals na kasi, at si Ceejay kwento ng kwento kung gaano daw kahihirap ang exam at kagagago ng mga prof para magpatest ng hindi naman itinuro. Hindi ako umiimik. Hindi na lang kasi nya sabihin na sadyang tanga lang sya. Tanga.

Pumasok kami sa ball at luminga linga ako. Inaatay kong dumating si Glimmer at si Allison. Pero wala pa din sila. Tumitingin tingin ako sa paligid para humanap ng clues.

Ang clue ay: Uninvited. Ano ang ibig sabihin noon? Una, lahat ng inimbitahan sa larong ito ay may role. Nakastate yan. Ngayon, ibig sabihin ba nito, mayroong kasali sa larong ito, na hindi inimbatahan, kaya wala syang role?

[Glimmer’s Pov]

Eto ang gabi bago ang elimination round. Kaninang tanghali ko lang nalaman na eto na pala ang elimination round. At kanina lang din ibinigay ang clue. Uninvited. Pero hindi ako natatakot, nasa akin ang alas. Dahil kilala ko kung sino ang dapat mawala sa gabing ito.

Ngayong gabi, unang makikita ng lahat si Alli. Dahil isasama ko sya, dito lang sya sa tabi ko para walang makapanakit o makakutya sa kanya.

Si Allison ay nagbihis ng pinakasimple nyang damit. Kanina pa kaming umalis sa Dorm. Maaga kaming naghanda. Nanatili kami sa isang lugar sa campus na walang tao at duon kami nagkwentuhan. Ngayon ay papunta na kami sa Ball.

Ng papasok na kami sa ball ay huminto ako.

“Saglit lang Alli,” I should make this call. Tapos ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dennis. Bwisit ka, Tatapusin kita ngayong gabi.

“Oh Glimmer~”

“Hello Dennis. This would be the last time na kakausapin kita, dahil matapos ang gabing ito, wala ka na sa larong ito..”

Tumawa lang si Dennis, “what non-sense are you saying Glimmer?” maang maangan nyang tanong.

Tumatawa kang ganyan pero alam kong kinakabahan ka na. Dahil alam kong ikaw ang uninvited.

“Alam nating dalawa, ang lihim ng bawat isa. May labing tatlong kalahok sa larong ito. Ang lihim ko? Isa sa labintatlong kalahok, ang wala sa larong ito. At nasa akin ang card nya. Dalawa ang card ko,” oo, totoo iyon. Mula ng magsimula ang larong ito, ay may kulang ng isa. At yung card nung nawawalang kalahok na iyon ay nasa akin. Dalawa ang card ko. Hindi ako pumasok sa larong ito ng walang laban. Ang hindi alam ng lahat, unang pasok ko pa lang sa Eventyr, may stratehiya na ako.

“Kung ganoon, at nawawala nga ang isa. Bakit labintatlo pa rin tayo sa larong ito? Dahil may isang hindi naman imbitado na dumating, kaya hindi napansing may nawawalang isa. Ikaw yun Dennis.”

Mula pa lang sa umpisa. Alam ko ng si Dennis ay walang role. Ng una ko syang nakausap, ibinulong nya sa akin ang pangalan ng nawawalang elite. Ang elite na nasa akin ang card. Umpisa pa lang ay nagtataka na ako, nagsimula ang laro at itinago ko ang isa. Ngunit bakit 13 pa rin ang Elites. Ng makausap ko si Dennis, doon ko nalaman na sya ang nagtakip sa nawawalang isa. Wala syang role.

“Maghinay hinay ka sa sinasabi mo Glimmer,”

“No! I’m not going to watch out my words. And don’t you f[u]ckin tell me what to do. Sawang sawa na akong sumunod sa utos mong gago ka. Iboboto kita sa gabing ito, at maalis ka na sa paningin ko,” I stated, “and oh, I’m going to slay every one this night. Dahil matapos ang gabing ito, akin na ang Eventyr.”

Hindi ba at iyon ang mechanics ng game. Ang goal ng game ay ieliminate mo ang lahat hanggang sa ikaw ang matira. But once na ang Uninvited ang maeliminate mo, games over at mananalo ang nakaeliminate sa kanya. The uninvited will do everything not to get caught and win this game. At dahil alam kong si Dennis ang uninvited ay matatapos ko na ang larong ito.

“Siguraduhin mo lang na matatanggal mo ako ngayong gabi Glimmer,” mahinang sabi ni Dennis, “dahil kapag hindi, patay ka sa akin.”

Siraulo. Binaba ko na ang tawag at nilagay sa pouch ko ang cellphone. Bahala sya sa buhay nya.

Pumasok kami ni Alli sa ball. Si Alli naman ay nakatingin sa akin.

“Uninvited ang pinapahulaan ngayon hindi ba?” tanong nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya, “ibig sabihin ba ito, matatapos ang laro kapag nahulaan kung sino ang uninvited?”

“Ganun na nga. Ang makakahula sa uninvited ang syang mananalo. And you know what, kilala ko kung sino ang walang role sa larong ito. Ako ang mananalo Alli.”

Nanahimik si Alli at nagisip isip tapos ay nagsalita syang muli, “Nalilito lang ako kung anong ibig sabihin ng Uninvited. Ang uninvited ba ay yung walang role?”

“Syempre naman, hindi ba’t malinaw na ang lahat daw ng inimbitahan sa Eventyr ay may nakaassign sa role. May kilala akong hindi sya inimbita, at wala din syang role pero nagpumilit syang pumasok sa laro. Sigurado akong iyon ang ibig sabihin ng uninvited.”

Tumango tango lang si Allison pero bigla syang magsalita. “Yan ang literal na meaning ng Uninvited. Pero hindi ba, clue ang binibigay at hindi ang mismong sagot. What I mean is, paano kung ang tinutukoy ng clue na Uninvited ay isang fairytale character na “uninvited” doon sa fairytale nya?”

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon