PAGE 29: LEAVING

39 9 0
                                    




Vino Mágico... Hindi nawala sa isip ko ang salitang iyon. Ano bang salita iyon? Saang lengguwahe? Hindi ako magaling sa pag-aaral ng ibang lengguwahe maliban sa Tagalog. English at Tagalog lang ay sapat na sa akin. Sabi naman ni Gray Eyes ay iyon ang magic wine.


I opened the door of our boarding house. Ibinaba ko na ang bag ko sa upuan. Akmang hihiga na ako ngunit hindi ko nagawa dahil sa matinding katahimikan ng kwarto. I scanned my bestfriends who directly looked at me sharply.


I was about to spoke, biglang lumapit sa akin si Rheign at pumeywangan sa harap ko. Her brows shot up. "Totoo ba 'yong nalaman namin?"

Langhiya! Alam na ba nila? Ngunit bakit hindi man lang sinabi sa akin na sinabi nila ito sa aking mga kaibigan? Alam na rin ba ni Kuya? ni Papa? ni Mama?


Lumapit sa akin si Rezi at isang sampal ang nakuha ko sa kaniya "Sumali ka sa isang organisasiyon?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Inilayo siya agad ni Jezi.


Hindi naman masyadong malakas iyong sampal niya. Nakaya ko naman at tumingin ako sa kanila isa-isa. Hindi na ako magtataka kung wala si Alyqueen sa aking harap. Sumulyap ako kay Alyqueen na mahimbing na natutulog sa kama sabay tingin sa lima na nasa aking harap.


"Did you use your demon brain?! Ha?!" Rezi shouted while the four stopping her to go near me.


"So, Alam niyo na pala."


"Oo, Rhem..." Khey said and hugged me. "Naiintindihan namin kung bakit ka sumali. Kung ako rin siguro sasali sa organisasiyon na iyon. Hayaan mo muna si Rezi, kakausapin namin siya ng maayos. Binigla kasi kami no'ng mga lalaking pumunta dito. Akala namin may gagawing masama sa amin—hindi naman pala."


"Ano pang sinabi sa inyo?" I asked.


"Wala na. Basta ang sabi sumali ka sa organisasiyon nila dahil gusto mong maghiganti." Khey replied.


"Kami ni Detective Terron ang sumali."


Nilapitan ko si Rezi at akmang yayakapin ng hinawi niya ang kamay ko at mabilis na umalis ng kwarto. I walked to follow her but Rheign stopped me "Hayaan mo muna siya. Kami na lang kakausap. Mahirap na," Rheign said.


Kinabukasan gumising ako ng maaga. 4am pa lang ay nagluluto  na ako. Gusto kong malutoan man lang ang bestfriends ko bago ako umalis.


"Ang bango!" Rheign muttered and sniffed.


I chuckled while cooking Tortang talong. "Gising na agad kayo,"


"Rhem, Ako na diyan. Ako ang nakatoka ngayon sa pagluluto diba?" Jezi said at pilit inaagaw sa akin ang siyanse ngunit umiling ako.


"Hayaan niyo na ako." I smiled. Tumitig pa siya sa akin at iminuwestra ko na ang upoan. She sighed and sit.


Tortang talong, Sunny side up eggs, Toasted Bread, Fried rice, Hot dogs, Chocolate Coffee ang hinanda ko para sa kanila.


"Pota! Ang dami!" Rheign said happily.


"Kumain ka ng marami para tumaba ka naman, Rheign." Jezi chuckled insultingly.


"Unahan na natin 'yong dalawa sa taas. Andami nito! Minsan lang itong ganitong marami!" Rheign said.


Umupo na rin ako. I was smiling while looking at my two bestfriend. Kung tatanongin ako kung sino ang pinaka-close ko sa lima? I think si Rheign. Kaming dalawa ang unang bestfriend when we're young. Tapos dumagdag iyong apat. Madalas kaming dalawa ang nagkakasundo at tingin pa lang sa isa't-isa, alam na ang ibig sabihin.


FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now