PAGE 10: CALL

65 11 0
                                    



"Binago ulit yong Schedule ta! Kakachat lang ni Prof. sa Group Chat. Magbabago na ang mga kaklase natin. Ibabalik yong dating Schedule na binigay sa atin nong nag-enroll tayo." Biglang sabi ni Jezea.


Namasyal kami buong maghapon ngayong araw ng linggo sa Camarines Norte. Maraming magagandang spots kaming napuntahan.


Nawindang ang tenga ko na narinig habang kumakain ng creamline ice cream na nasa cup "Talaga?! Buti naman. May sinabi ba si Prof. kung bakit?".


"Yon lang sinabi nya eh! Yong dating schedule daw natin ulit. Tayo ang lilipat ng room at hindi na teacher. Magkakaiba-iba ang mga kaklase natin." sabi ni Jezea.



"Buti nga yon para naman hindi nakakasawa yong pagmumukha ng mga kaklase ta!" Alyqueen chuckled.


"San ba may pinakamalpit na tindahan ng School Supplies dito?" tanong ni Khey.


"Huh? bakit?" Wala naman sinabing kailangan namin ngayon non ah!


"Gagawa ako ng banner! Magpoprotesta ako! Baka hindi ko makakaklase si Dheevan! Huhuhu!" naiiyak nyang ani.


"Hah! Buti nga hindi natin yon makaklase! Araw-araw may gyera sa room." sabi ko. One week ago puro away lang kami sa room. Mga kaklase namin halatang nagagalit na! Alam nyo kung kanino? Sa akin!  Hindi nila kayang magalit kay Gray Eyes, halatang mga takot!


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..." malakas na tawa ni Rheign. Sabay-sabay namin itong tiningnan. Baliw lang? Bigla nalang natawa? napatakip naman sya sa kanyang bibig.


Kaslukuyan kaming naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa Boarding House na aming tinutuloyan. Naubos na yong creamline ko kaya initsa ko na to sa mga halaman sa gilid.


"Rhem! Pulotin mo yan." anya.

"Huh?"

"Huh? Wag ka tapon ng tapon kung saan-saan. Hindi ikaw ang naglilinis ng kalsada."

Umirap ako at nagpatuloy sa paglakad. "Si Jezea na lang nagtapon sa basurahan." sabi ni Rheign na nasa aking gilid "Grabe talaga ang bait non".


Ano pa nga ba? Sobrang bait ni Jezea. Minsan nakakatakot na yong kabaitan nya. Sabi kasi nila kapag sobrang bait ng tao, nagiging masama kapag sobrang nasaktan. Hindi pa yan nasasaktan. Wala pa syang nagiging Boyfriend. No Boyfriend Since Birth sya. Kaming lima kasi nagka-boyfriend na. Si Rezi lang hindi namin nakilala ang Boyfriend nya. Hindi kasi nya sinasabi basta sagot nya'y She's not available.


Monday na. Ginawa ko na ang morning routine ko. Bumaba na ako ng kwarto ng matapos mag-ayos. Hilamos at mumog lang naman ang ginagawa ko. Naamoy ko agad ang itlog at hotdog na niluluto ni Jezea. Every Monday kasi sya ang nagluluto. Umupo ako sa upoan.


"Hi! Good morning, I'm Pauline." naglahad sya ng kamay. Nagbe-breakfast rin sya.


Inabot ko naman ang kamay nya at nakipag-shakehands "Rhem. Matagal kana dito?".


"Oo. 3 Years na rin. Third Year na kasi ako dyan sa Butterfly University... First Year kayo no?".


"Yeah. Buti nga nakapasa kami. Andaming nahihirapan sa B.U. Matagal na namin yong pinangarap. Hindi dahil sikat sya, maraming nagsasabing maganda ang turo at kinabukasan sa B.U. Makakapagtrabaho kapa sa mga matataas na company sa ibang bansa."


"Sobrang hirap nga makapasok don! Talagang nag-aral ako non na masyado. Yong sports na hindi ko hilig dati, ngayon hilig ko na."


"Ano bang Sports mo?".


FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now