PAGE 11: CRY

69 11 0
                                    

My birthday celebration was stopped because of what happened to my sister. My sister is the best sister in the world. We are very close to each other. If my  brother and I are close, si Ate naman ang pinaka-close ko sa dalawa.

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon para puntahan ang Hospital kung saan sinugod si Ate. I wish na sana panaginip lahat ng to. Sana nandon lang si Ate Hospital at makikita namin syang may ginagamot na pasyente. Bilog ang buwan na nagbibigay liwanag sa paligid. The street lights are beautiful to look at because of its alignment. Biglang nag-flashback yong nangyari kanina.

Flashback...

"Ang Ate nyo...".

"Bakit, Ma? Ano yon?" Biglang lapit ni Kuya sa kanya. Yakap naman sya ni Papa.

Napahagulhol sa iyak si Mama "Wala na raw si... Leit. N-Nasa H-Hospital sya...".

"W-What? Panong wala?" Nagugulohang sabi ni Kuya.

"Shhh..." Pagpapatahan sa kanya ni Papa kahit si Papa'y umiiyak na rin "Puntahan nalang natin. Tara na."

Na-speechless lang ako. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko pero hindi kayang bumuka ng bibig ko. Bigla ko kasing naalala yong pag-uusap namin sa call kagabi.

"Sinabi ko nang delikado yong pagtanggap nya don eh!" Sabay hampas ni Papa ng manibela.

Hindi ko alam kung nasaan na ba sina, Rheign. Kami lang ang nasa byahe. Kuya hugged me on the side while he cried. My tears can't flow. I don't know why but I only feel one thing. It hurts.

End of Flashback.

Nakita ko sa  side mirror ang taxi na sumusunod sa amin. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil hindi ako makapag-isip ng tama. Si Mama ay katabi ni Papa sa driver seat while crying. Mas masakit yong nararamdaman ng magulang namin dahil si Ate ang una nilang naging anak.

Nakarating kami sa sinabing Hospital. Tumakbo agad si Papa, Mama at inalalayan naman ako ni Kuya sa paglakad. Nangangatal  binti ko papasok ng lobby ng Hospital. Lagi akong pumupunta sa Hospital sa Bulacan kung saan naka-assign si Ate noon. Binibisita ko sya habang may dala akong pagsalubong. Pero ngayon, nandito sya sa morgue ng Hospital at namumutla na.

Wala na sya...

Kinakausap ng mga pulis si Mama at Papa. Naroon rin ang mga taong nakatira sa bundok kung saan naka-assign si Ate.

"Hindi tayo iiwan ni Leit. Hindi! Magna-nurse pa sya sa ibang bansa. Pangarap nya y-yon." Umiiyak na ani Mama.

Tulala lang ako sa kawalan. Prenoproseso kung bakit ito nangyari. Ang sabi ng pulis ay ni-rape si Ate. Pinasok daw sila ng kaibigan nya sa kanilang tinutuloyan. Hindi makita si Ate Anne, ang bestfriend ni Ate simula High School.

Kung ganon, nasaan si Ate Anne? Nagtatago ba sya? Bakit ayaw nyang magpakita? Bakit nakaligtas sya? O baka wala na rin sya?

Patuloy na kinakausap ng mga pulis ang mga nakatira roon. Pero wala silang makuhang lead kung bakit nangyari iyon. Ni-rape daw si Ate ng tatlong lalaki na nakita sa kanyang pagkababae. Kanina pa pala to nangyaring hapon.

FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now