PAGE 8: KAPRE

70 11 0
                                    



Seriously? Kinuha iyong singer/rapper ni Boss Franco? Langhiya! Sa dami ng pwedeng kunin na rapper bakit iyong anim pa na yon? Pwede namang kahit yong sikat na banda ngayon na Exbattalion!



Nandito ako ngayon sa boarding house. Nauna na ako don sa lima. Nandon pa sila sa DMB/ Dark Mode Bar. Nakahiga ako sa kama habang inaalala yong nangyari kanina habang nakatingin sa kisame.


Flashback...


Bigla akong tumayo nang makita ko yong Golden M. na palapit sa amin. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang malaking ngiti ni Khey. Crush nya kasi si Gray Eyes na mayabang! Duh! As if naman na magugustohan sya nyan. Pero malay natin diba? Maganda si Khey at sexy. Tama lang ang tangkad. 5'7 and haft ang tangkad nya kumpara sa amin ni Rheign at Alyqueen na 5'9. Si Jezea at Rezi naman ay 5'8.



"Ah!" Humawak ako sa ulo ko. Kunwari sumakit ito bigla.



Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ni Boss Franco sa braso. "Rhem? May problema ba? Napano ka?".



Nakita ko sa peripheral vision ko na nasa harap na namin yong anim kaya agad akong naglakad palayo. "Biglang sumakit ulo ko, Boss Franco. Alis na ko." Bulong ko dahil medyo maingay sa Bar sa nagkakatuwaang mga babae sa isang table.



Langhiya! Baka makasama pa namin sila sa pagkanta! At saka, may boses ba naman sila para kumanta don? Eh mukhang mga papogi lang ang mga yon!



End of Flashback...



Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa kama. Tinanggal ko ang sandals ko. Buti na lang bumili ako kanina ng bagong sandals. Gumamit pa nga ako ng GPS APP dahil hindi ko gamay ang Camarines Norte. Naghaft bath na ko para tuloy-tuloy na ang aking pagtulog.



Nagising ako sa malakas na hilik ni Khey. Agad akong tumayo at tiningnan ang oras sa wall. Alas tres palang ng madaling araw! Ano bang ginawa ni Khey at parang pagod na pagod sya? Si Khey kasi yong kaibigan naming party girl. Hindi nawawalan ng lalaki. Laging may Boyfriend. Himala nga ngayon. Simula nang pumunta kami dito sa Camarines Norte ay hindi ko napapansin na may lalaki sya. Ini-expect ko pa naman nong hindi pa kami dito napunta na laging may lalaking pupunta dito para ayain sya. Ganto ba ang lakas ng tama ni Khey kay Gray Eyes kaya hindi sya nanlalaki ngayon? Pero sa tingin ko ngayong gabi nakalalaki iyan. Mukha kasing pagod na pagod! HAHAHA!



Napakamot na lang ako sa ulo at lumapit kay Khey para takpan ang bibig nyang malakas humilik. Kinuha ko ang kamay nya at itinakip sa kanyang bibig. Medyo humina naman yong hilik nya. Humiga ulit ako pero hindi pa rin ako makatulog. Wala akong nagawa kundi lumabas ng kwarto.



Lumabas ako ng bahay. May bench naman dito sa labas ng bahay kaya umupo muna ako ron. Pinagmasdan ko ang buwan na may humaharang na ulap. Kumikislap ang mga bituin sa langit sa mahamog na gabi. Napayakap ako sa sarili ko.



Biglang may tumigil na itim na kotse sa labas ng gate. Bigla akong tumayo at tumungo sa madilim na parte sa may puno. Napatingala pa ako sa puno baka kasi may kapre akong makita tapos bigla na lang ako taponan ng tabako. HAHAHA!



Nanlaki ang mata ko ng makita si Gray Eyes at Nash na papasok sa boarding house na to! Langhiya! Alam ba nilang nandito kami? Saka bakit sila papasok dito? Imposible namang nagbo-board din sila dito. Mayaman sila para mag-boarding house pa!



FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now