PAGE 7: GOLDEN M.

77 12 0
                                    



Bakit ganon sya? Akala mo'y pag-aari nya ang mundo eh, Investor lang naman pala sila ng Butterfly University.



Saka bakit ganon? Pinapatulan nya ang babae! Hinahayaan pa ng mga barkada nya! Parang sanay na sanay na silang ginagawa ang pambubully na ganon! Hindi man lang naawa don sa babae!



Hindi na bago sa akin yong gantong pambubully. Elementary pa lang ako marami nang ganto. Pero nang tumuntong ako ng High School, nawala yong bully-bully na yan. Tapos ngayong College na ko, meron pa? Langhiya! Parang utak nila elementary ah!



Kumalat ang nangyari sa canteen. Hindi ko naman akalain na sa laki ng eskwelahan na to ay malalaman pa ng lahat ng estudyante. Ganon sila kakilala dito sa Butterfly University? Sobrang laki ng School na to at kilalang-kilala sila? Don nga sa Bulacan nong elementary ako'y nakikipagbasag-ulo rin ako dahil pinagtatanggol ko lang ang sarili ko. Maliit lamang ang eskwelahan na pinasokan ko nong elementary pero hindi naman ako ganon kakilala ng lahat ng estudyante ron kahit na lagi akong nasa Guidance Office at kaharap ang Principal kasama si Mama.




O baka naman kilala na sila dahil lagi silang lumalaban. Mapababae man o Lalaki. Walang kinatatakutan. Langhiya! Bakit ko ba sila iniisip? Wala naman akong paki sa kanila! Aba'y paki ko ba? Tulad ko lang din naman silang nag-aaral dito. Sa totoo lang naiinis ako sa Gray Eyes na yon. Simula nong niyabangan nya ko sa nilugawan namin. Gwapo? Oo gwapo sya. Pero nong niyabangan ako? Angas eh! Ayoko sa lahat yong niyayabangan ako.



Wala pang katao-tao sa Dark Mode Bar. 4:30pm pa lang. Nagsisiayos na ang mga waiter ng table. Tumambay muna kami sa mahabang upoan na aming nakita. Ang aga namin. Dapat pala gumala pa muna kami. Hindi pa namin nagagalaan ang Camarines Norte. May magagandang spots rin kaya dito? Search ko na lang kapag may time ako.



"Order muna tayo. Gusto ko kumain ng Sisig at uminom ng Beer. Nakaka-stress sa B.U. Unang araw pa lang natin nakikilala na tayo ng lahat dahil sa ginawa ni Rhem." Sabi ni Rezi.



Tinaponan ko sya ng tingin "So, Kasalanan ko? Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko ah! Mali ba yon?".



Bigla umawat si Rheign sa amin "Shhh! Tama na yan! Magkakaaway pa kayo dahil dyan!".



"Lumayo ka sa akin kung may galit ka." Sabi ko pa. Nakakainis eh! Mali bang ipagtanggol ang sarili?



"Rhem!" Biglang tawag sa akin ni Jezea pero hindi ko sya tinaponan ng tingin. May pagbabanta sa kanyang boses.



Sa aming anim, si Jezea ang pinakamabait. Hindi sya lumalaban kahit kailangan naman. Sya na lang yong humihingi ng paumanhin kapag may nakakabangga kami. Di na ako magtataka kung humingi sya ng 'Sorry' don sa grupong Golden M.



Bat ba Golden M? Ano yon, Gintong Montenegro? HAHAHA! Bulok ng pangalan. Parang hinugot lang sa pwet.



Tumayo na lang ako at pumunta sa bartender. Umupo ako ron. Narinig ko pang tinawag ako ni Khey pero nagdire-diretso na lang ako. Ganyan naman kami eh! Mamaya magkakabati na ulit kami.



"Beer nga saka Carbonara." Sabi ko sa Bartender.



"Wala po kaming Carbonara, Ma'am Rhem." Natatawang sagot ng Bartender.



"Langhiya! Bilhan mo na lang ako. Tinatamad ako lumabas." Sabay hugot ko ng 100 pesos "Sayo na sukli." Kinuha nya at umalis na pagkatapos akong bigyan ng Beer. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na dinalhan ng isang waiter yong lima kong kaibigan ng limang beer at dalawang platitong sisig.



FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now