PAGE 9: SUE

75 10 0
                                    

Araw ng Linggo ngayon. Every Sunday morning nagsisimba kami. Noon pa man gawain na namin ito since High School. Elementary kasi minsan family namin ang aming kasama magsimba. Pero nang mag-High School na kami'y kaming anim na ang magkakasamang magsimba. Mas naging busy kasi ang aming parents sa trabaho nila.

Sa palagian naming pagsimba, nakakabisado na namin ang mga sinasabi ni Father.

Pagkatapos namin magsimba naghanap namin kami ng malapit na karenderya. Yong dating karenderya lang din ang napuntahan namin. Sabi nila dinadagsa daw talaga ang karenderya na to. Siguro dahil masarap ang mga pagkain at ang peaceful ng paligid. Napakalinis at sulit ang perang magagastos mo dahil hindi ka manghihinayang sa sarap ng mga lutoin.

Umupo kami sa pang-sampoang upoan. Tumayo si Jezea para mag-order. Sa aming anim kasi si Jezea ang magaling sa pagluluto. Kaya hinahayaan namin syang siya ang mag-order dahil bihasa na sya dito. Pero minsan naman ay kami ang pumipili ng gusto namin.

Nakalipas ang limang minuto andyan na agad ang waitress. Isa-isa nya iyong nilapag sa mesa. Ang ulam at naman ay nasa gitna. At binigyan kami ng anim na plato at baso saka pitcher na may malamig na tubig.

"May Carbonara at Sandwich ba kayo?" Tanong ko sa waitress.

"Meron po, Ma'am. Yong Sandwich po mamaya pa pong hapon gagawin iyon. Carbonara pa lang ang meron ngayon. Niluluto pa po ng kusinera namin." Sabay ngiti nya. Masayahin ang mga waiter at waitress dito. Pansin ko lang. Pati yong may-ari nitong karenderya ay nakikisalamuha sa mga customers nya. "Pero pwede naman po kita gawan na agad ngayon ng sandwich."

Napangiti ako "Sige, Sandwich. Order ako non saka carbonara."

Tumango sya at umalis na. Habang kumakain. Pansin kong walang nagsasalita sa kanila. Langhiya! Anyare sa mga to? Kitang-kita ng dalawa kong mata ang sunod-sunod nilang pagsubo ng kinakain.

Hinampas ko ng mahina ang mesa. Sabat-sabay silang napaangat ng tingin sa akin. Ngumisi ako at pinagtaasan sila ng kilay "Anyare sa inyo? Parang ilang araw kayong hindi nakakain ah!" Natatawa kong sabi.

"Achm." Biglang nabilaukan si Rheign kaya napainit ng tubig bago magsalita "Sobrang sarap! Kahit busog na ko, yong bibig ko gusto pang kumain." Napanguso pa.

"Madame!" Tinaas ni Khey ang kamay nya habang nakatingin don sa may-ari ng karenderya. "Ano pong magic ang nilalagay nyo dito sa pagkain nyo? Sobrang sarap kasi!".

"Talaga?! Salamat, Hija... Pagmamahal lang ang nilalagay dyan. Kapag mahal mo ang ginagawa mo, maganda ang kakalabasan ng effort na binigay mo." Sabay ngiti nya.

"Madame, May I know your name po?" Sabi ko bigla. Kita ko sa peripheral vision ko ang tingin ng ibang tao sa akin. Pansin ko kanina pa sila tingin ng tingin sa amin kaya nahihiya na ko sa mga kaibigan kong mukhang hindi pinakain ng ilang linggo eh!

"Aling Petra... Salamat sa pagpuri sa aking mga niluto. Actually hindi naman ako lahat ang nagluto nyan. May katulong ako. Si Federina. Anak ko." Sabay tingin nya sa isang bintana na nasa kanyang likod. Sumilip naman ang babaeng maganda at ngumiti sa amin.

"Ang ganda..." Yon lang ang nasabi ni Alyqueen at napanganga. Napailing na lang ako. Nagkaka-crush kasi si Alyqueen sa bata at sa babaeng tulad nya. Pero ayaw naman nya mag-girlfriend ng babae. Tanging crush nya lang daw.

"Ok na po yong Carbonara, oorder ka pa po ba?" Biglang sabi ng waitress ng makalapit sa amin.

Tumango ako kaya umalis na sya.

Hinigop ko yong sabaw sa mangkok ko. Nang bigla kong mabuga ang aking hinihigop ng may humila ng upoan na pinapatongan ng aking paa sa harap. Langhiya! Nabagsak ko ang mangkok ko sa mesa. Masamang tingin ang pinukol ko sa lalaking may abong mga mata!

"Seriously?! Pati dito sinusondan mo kami?" Irita kong sabi. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng aking labi dahil sa pagbuga ng sabaw kanina.

"Hindi inaapakan ang upoan. Use your psycho brain." Sagot ni Gray Eyes.

"Use your useless brain too! Tama bang bigla mo nalang kukunin yong upoan habang may paang nakapatong? And Langhiya! Hindi ko inaapakan! Nakapatong lang!" Naturingang nag-aaral sa B.U tapos ganto ugali!

"Whatever." Sabay umalis sya sa harap ko. Sinundan ko sya ng tingin. Nandon pala yong lima nyang barkada.

"Alam nyo... Parang meant to be tayong anim sa kanilang anim. Tingnan nyo naman. Six sila, six rin tayo. Kung nasaan pati tayo, lagi rin silang naroon... Basta sakin si Dheevan. Haaaa!" Sabi ni Khey.

Nawalan ako ng gana kaya kinain ko na lang yong Carbonara. Nasa plastic naman tong sandwich kaya sa daan ko nalang kakainin.

"Sa labas lang ako. Una na ko sa inyo. ANG INIT KASI DITO SA LOOB! KUMUKULO ANG DUGO KO KANINA PA..." pagpaparinig ko at naglakad na palabas. Binangga ko pa ang likod ng upoan ni Gray Eyes kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"I'll kill you..." Mahina nyang sabi pero narinig ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti habang nasa labas ng karenderya.

"Don't worry. I'll sue you." Ngumisi ako.

"You sue me? How? You're already dead if you sue me."

"Dead? Ang liwanag ang laging nagwawagi." Tumalikod na ko.

Napatingin ako kay Alyqueen na lumabas na rin. Pinulupot nya ang braso sa akin "Gala muna tayo. Baka matagalan pa yong mga yon. Lalo na si Khey. Abay nag-order pa ng snack. Nandyan kasi yong crush nya." Sabay hagikhik nya.

Naglakad-lakad kami. May mga boutique kaming nakita kaya pumasok kami ron. Iba't ibang klase ng damit at gowns ang naroon.

"Alam mo, Rhem. Kapag ako kinasal gusto ko sa himpapawid. Yong puro ulap ang makikita mo. Gusto ko yon. Kasi pangarap kong maging Flight Attendant. Kapag nakapagtapos na tayo sa kursong  Business Management mag-aaral naman ako bilang isang F.A. yong tatrabahonin ko sa kompanya nila Mom at Dad ay ipapampaaral ko bilang F.A. ayaw kasi nila akong maging F.A. natatakot sila na baka isang araw mabalitaan na lang nila na nag-crash ang eroplanong sinasakyan ko. Naiintindihan ko naman sila. Pero diba, kapag nangyari ang isang bagay mangyayari na talaga. Iyon na ang nakatadhana sayo kahit pigilan mo pa."

"Yeah." Sagot ko. Sinabi ko yon sa kanila. Kapag nangyari na ang isang bagay, wala ka nang magagawa dahil iyon na talaga ang nakatadhanang mangyayari sayo kahit na pigilan mo.

"Rhem, tigilan mo na kaya ang pakikipagtalo kay Dheevan." Biglang sabi ni Jezea. Abay nakita ata nito na pumasok kami rito.

"Jezea." Pinanlakihan ng mata ni Alyqueen si Jezea.

Napaiwas ng tingin si Jezea sa amin at bumuntong hininga. "Ayoko lang kasi na mapahamak ka. Tayo."

"Bakit naman tayo mapapahamak?" Nagugulohan kong tanong.

"Kutob ko lang." Sagot nya at bumaling sa mga gowns na naroon.

"Mga Hija. Ano bang nagustohan nyo? Ikakasal na kayo?" Biglang sabi ng isang babae.

"Nagtingin lang po kami. Sige po, Thank you. Alis na po kami." Sabay kaway namin.

Nakita ko yong tatlo na nasa labas ng karenderya. Nang makita kami'y tumawid at lumapit na sa amin.


BLACKxNEON

FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon