PAGE 13: DETECTIVE

77 10 0
                                    


My sister was raped, robbed and killed. And now, I want to take revenge on those who did this to her.

Nandito kaming sampo sa Office. Ibibigay na raw ang School Uniform namin. Hindi pa nga ako makapaniwala dahil, Talaga ba? Ibibigaya agad? July pa lang ngayon at ibibigay na! Almost one month pa lang nang sukatan kami!


I signed the paper beside my name sa ibinigay sa aking list of book. Pinagmasdan ko naman ang uniform na iyon habang nasa escalator kami ni Rheign. Extra Small ang sukat ko. Navy blue skirt na may two lines sa baba non na violet at blue. My cut don na hugis parisukat. Sa taas naman ng cut na yon ay may 3 inches butterfly na violet. Sa abdomen at thorax ng butterfly ay nakasulat ang B.U. Ang cream color blouse naman ay may maliit na collar na nakalaylay. May manggas at sa baba ng manggas na iyon ay may two line at blue at violet rin. May logo ng School sa tapat ng puso na butterfly at name. Tulad ng logo sa labas ng School na to.


Napangiti ako dahil sa ganda ng istura. Sa lahat ata ng School sa buong mundo'y B.U ang pinakamagandang School. Sobrang unique pa ng tela.


I glanced my classmate. She's crying. Nasa baba na kami ni Rheign ng escalator. Lumapit sa kanya yong isa naming kaklase while caressing her back. Pinapatahan.


"Don't worry, Trish. May one week pa naman daw para mabayaran mo ang uniform."


"One week! Haha! Next month pa ako magkakapera!"


Sa B.U kasi kapag wala kang perang pambayad at kulang pa ang iyong ibinayad ay hindi ka magkakaroon ng uniform. Kapag nagpaenrol ka naman ay kailangan mo ng paunang bayad na 20k. So may 80k pa. 100k for one year iyon. Nandon na lahat pati na rin ang uniform. Pwera lang sa projects ng teacher na ikaw ang maglalaan.


Hawak ko sa isang kamay ang P.E uniform. Navy blue jogging pants na may logo rin sa right side, two lines sa baba. Yong t-shirt naman ay cream color na may two lines sa balikat. May logo rin sa tapat ng puso.


Friday ngayon kaya malalabhan ko pa iyon. Kailangan na raw kasi iyon suotin sa Monday. Sa ibang school ay inaabot pa ng three to five months bago ibigay ang uniform. Tulad nong High School kami. 3 months pa bago naibigay ang uniform.


"Kawawa naman si Trish. Hirap talaga kapag nag-aaral ka sa isang School na mahirap ka lang. Yung gusto mong makapagtapos dahil maganda ang opportunity kapag naka-graduate kana. Kaso walang pera." Rheign uttered.


"Kaya kailangan mag-aral tayong mabuti para hindi masayang yong pagod natin." I said. Tumango naman sya.


Umupo ako sa aking upoan nang makapasok sa room. I glanced my side. Wala sya. Bakit kaya hindi sya pumapasok? Buti nga yon para masaya naman yong araw ko! Pati yong mga kapatid nya wala rin! Mga kapatid... Ganon ba kagaling yong ama nila para magkaroon ng anak na anim? Langhiya!Ano ba tong iniisip ko!


Hapon na't may practice kami ng basketball. Every Friday kasi nagpapractice kami sa court. Nong unang laro namin ay nakalaban namin yong anim! Kayayabang... Akala mo kung sinong magaling! Hindi nga lang natapos dahil nagkaroon ng earthquake drill non.


3 times a month raw ang practice at every Friday yon. Isinuot namin ang jersey. Ito rin yong jersey namin nong High School kami nang ilaban kami ni Kuya sa ibang bayan. Si Kuya Zach at Papa ang naging coach namin since elementary to High School. Madalas si Kuya dahil bihasa syang masyado. Si Papa rin naman kaso tumatanda na si Papa kaya hindi na sya minsan nakakapunta kapag may laban kami non.


Lumabas kami ni Rheign sa cr nang matapos magbihis. Napaigtad ako ng ibato sa akin ni Rezi ang bola at agad ko naman iyong nasalo kahit tumama sa tiyan ko. Tumawa silang lima at sinamaan ko naman ng tingin.


FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon