Chapter 10 - Future Mother of the Nation (March 18, 2015)

24.5K 745 194
                                    

Chapter 10 - Future Mother of the Nation

"Oh tikim." Sinubuan ni Soapy si Dew Lia ng sauce ng asian pasta na ginagawa niya. "Sabihin mo kung masyado bang matamis."

"Hmm." Ninamnam ni Dew ang tinikman. "Masarap! 'Di ko masabi kung tama ang tamis pero masarap naman. Normal na matamis naman 'to diba?"

"Well... Oo." Ngumiti si Soapy. "So... ikwento mo na nga 'yung nangyari sa bahay niyo?"

Nanlaki ang mga mata ni Dew Lia.

"Akala ko ba tapos na tayo sa ganitong usapan?"

"Ha? Wala ka pa ngang nakukwento eh! Ang sabi mo lang, nakita na ni Jasper ang flow—"

"AAAAAH" tinakpan ni Dew Lia ang tenga. "Hindi!! WAIT LANG KASI!"

"Nakita ba o hindi?"

"H-ha? Nakita."

"That's what I'm saying!"

"Hindi naman kasi 'yun..."

Ikinuwento ni Dew Lia kung paano siya nadulas sa banyo ng nakahubad. Sinabi niya rin ang tungkol sa babae na dumadalaw kay Jasper.

"May babae siyang pinapapunta doon? Talaga? At itinatago ka niya? Bakit?"

"Hindi lang 'yun. May nakita din akong matandang babae na parang matrona yata na kayakap niya naman 'nung isang araw. Pero teka lang! Bakit parang mas interesado ka pa sa mga babae ni Jasper kesa sa nangyaring kahihiyan sa akin?!"

"Hahahaha! Eh wala naman palang nangyari. Nadulas ka lang ng nakahubad, binuhat ka lang niya. Ang malaking tanong eh kung sino 'yung pinapapasok niya sa bahay niyo. At kung sino 'yung matanda. Sigurado ka bang hindi iisang tao 'yun?"

"Hindi. Bata pa 'yung boses 'nung babae 'nung nandoon ako sa C.R. Matanda na talaga 'yung babaeng isa 'nung last time. Tska bakit naman importante kung sino 'yun?"

"Wala lang... May feeling lang kasi ako na importanteng malaman mo kung sino 'yung mga 'yun."

"Dahil lang sa feeling." Kumuha si Dew ng kutsara at tumikim ulit sa nalutong sauce ng pasta. "Weird ka din eh."

"Mas weird ka. May magnet 'yata kayo ni Prince Ice. Palagi na lang kayong nagkikita."

Tumahimik si Dew Lia. Totoo nga naman. Halos araw-araw na yata sila pinagtatagpo ng landas ng anak ng hari.

"Eh 'di ngayon naniwala ka na."

"Woah. Naniniwala naman talaga ako sa'yo 'diba? Nakakagulat lang na makita siya ng personal. Kay gwapong nilalang. Buti hindi ka nasa-starstruck."

"Ha?" Dew chortled. "Gwapo naman. Pero parang normal lang. Parang ka-level lang ng itsura ni Jasper. Parang hindi prinsipe."

"Weh?" nag-isip si Soapy. "Kung tutuuisin. Parang magkahawig nga sila." Natawa siya. "Eh 'di inamin mo rin na gwapo si Jasper?"

"Eh 'di mas gwapo pala ang prinsipe."

"Tell me about it..." Maya-maya ay pinatay na ni Soapy ang kalan na pinaglulutuan ng sauce at inasikaso naman ang nilulutong rice noodles sa kabilang kalan. "Kamusta ang pagkandong sa prinsipe?"

"Baliw!"

"In the normal days, bawal kaya silang hawakan. Ipapapatay ka sa executioner. Tapos ikaw, kumandong."

"Seryoso?" wala talagang alam si Dew Lia sa royal etiquette. "May executioner pa pala hanggang ngayon?"

"Ay ate girl? Wala bang royal history sa school niyo sa probinsya?"

Fire and Ice (Revamping)Where stories live. Discover now