Chapter 23

5.4K 227 92
                                    

"Let's go." Sabi ko kay Aaron. Nasa Manager's meeting kami at kakatapos lang nito. Si Aaron ang pinakahuling nagpresent ng expenses at income  report at mataas ang income namin ngayon buwan. Pinalakpakan pa siya.

"Wait Rachel, kakausapin ko pa si Sac." Napatingin ako kay Sac dahil sa sinabi ni Aaron. May kausap pa itong isa sa mga managers.

"Hintayin na lang kita sa carpark." Kinuha ko na ang lahat ng gamit ko at tumayo.

"Ito naman kakausapin ko lang saglit si Sac. Hintayin mo na ako."

"Doon na ako sa carpark." Nginitian ko na lang si Aaron at tiningnan lang ako nito na para bang hindi maintindihan.

"Okay, here' s the car key. Buksan mo na ang aircon at maghintay ka sa loob." Kinuha ko na ito at ngumiti sa kanya.

Naglakad na ako palabas ng conference room at nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas na ako ng building. Kaagad na akong nagpunta sa kotse ni Aaron at naupo roon.

Ayoko talagang makita si Sac at makausap pero wala naman akong magawa kundi umattend ng meeting. Baka sabihin napaka-unprofessional ko. Kaya ang ginagawa ko na lang ay ang iwasan siya at hindi sagutin ang mga tawag niya. Ayoko kasing tanungin pa niya ako tungkol sa nangyari noon weekend. Hindi na niya kailangan malaman ang tungkol roon.

Nakapagdecide na ako na dumistansiya na kay Gracie. Ayokong saktan ang bata pero sa tuwing tatawag ito sa bahay namin at magyaya na maglaro ay lagi kong tinatanggihan. Nakailang beses na nga itong tumawag sa bahay at si ate ang nakakasagot kaya alam ni ate ang lahat ng nangyayari. Sabi ni ate na masyado naman daw akong madrama. Hindi naman kasi niya nararamdaman na ma-attach sa isang tao o bagay na alam mo naman hindi sa'yo kaya ganoon na lang din itong manghusga. Basta ngayon ayoko ng mahing overly concerned sa bata at sa relasyon nilang mag-ama. I think panggulo lang naman ang pagiging pakialamera ko sa kanila.

"Hinahanap ka ni Sac. Halaka ka mukhang galit sa'yo." Nginitian ko na lang si Aaron sa bungad niya sa akin.

"Bakit naman magagalit sa akin si boss eh wala naman akong ginagawang palpak sa ngayon?"

"Ewan, pero mukhang hindi maganda ang mood ng amo mo. Sabi ko nga kulang lang yan sa alam mo na." Inirapan ko si Aaron sa sinabi niya. "Pinapahiram ko nga si Micah at Rahab ayaw naman niya. Mukhang balak atang magmonghe ni Sac." Natawa ako sa sinabi nito. Baliw lang talaga si Aaron.

"He doesn't need your girls because he has Estelle." Sumimangot si Aaron sa sinabi ko.

"Si Estelle? I wouldn't exchange Rahab and Micah just for her. My girls are young unlike Estelle that is in her thirties."

"Nagsalita ang bata." Pinaandar na nito ang sasakyan.

"Well, ikaw lang naman itong kaedad ko na gusto ko pero ayaw mo naman."

"Hindi sa ayoko sa'yo Aaron. Gusto kita pero bilang kaibigan nga lang." Ito naman ang nag-ikot ng paningin sa akin.

"Hay gasgas na iyan."

"On second thought, baka pwede...tama pwede...buntisin mo lang ako. Gusto ko na kasi magkaanak. Hindi kita hihingan ng sustento." Tumawa naman ng tumawa si Aaron. Seryoso ang offer ko na iyon pero tinawanan niya lang?

"You will become too clingy when I get you pregnant."

"See...tingnan mo itong taong ito. Ibig sabihin ayaw mo ng clingy?"

"Hindi sa ganoon cupcake. Basta...parang napakasama ko naman kung di kita bigyan ng sustento...basta parang hindi ko pa naiisip iyan anak-anak na iyan. Ayoko pa ng responsibilidad. Tingnan mo nga si Sac nanunuod na ng Beauty and the Beast." Tumawa pa ito. "Gracie owned him. Kawawang Sac. Ngayon pa sana siya makakapag-enjoy ulit dahil single na ulit siya."

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon