Chapter 34

6.3K 232 49
                                    


"Need any help?" Sumilip sa may pintuan ng bagong kwarto ko si Sac. Pinaayos niya muna ang isang guest room bago ito binigay sa akin para paglagyan ko ng gamit at para may pahingahan ako bukod sa kwarto ni Gracie. Malaki ang kwarto ko. Triple sa kwarto ko sa bahay namin ni ate at malalaki ang furniture. Ang laki ng kama, ang laki ng closet at ang laki ng vanity table. Meroon din akong sariling toilet. Kulay old rose ito at sa palagay ko ay pinaayos pa ni Sac ang wallpaper at pinta ng kwarto pati na ang carpet. Mukha kasing lahat ay bago.


"Okey na. Gracie here is a great helper." Inayos ni Gracie ang mga display ko ng litrato sa side table ng kama. Bata palang ito ay palagay ko ay may fashion sense na ang bata kung paano niya inayos ito.

Pumasok na si Sac sa kwarto at tiningnan nito ang kabuuan. Nahiya naman ako dahil wala naman akong dinagdag kundi mga litrato lang ng mga pamangkin ko at isang maliit na lamp shade. Ang lahat ay courtesy na ni Sac.

"Sinong nagpaint nito?" Napatingin naman ako sa tinuturo niya at ito ang painting ni Dahlia.


"Si Dahlia. Bigay niya sa akin. Rachel and Jacob ang title." Tiningnan lang nitong mabuti ang painting.


"Do you want a bigger painting? Ang laki ng wall mo tapos ganitong kaliit lang."


"Ahm...maybe next time kapag nakaipon ako bibili ako ng painting. Hindi na muna ngayon." Tumango-tango pa ito.


"Rachel and Jacob? Sila ba iyon nasa bible?" Natuwa naman akong alam ni Sac iyon.

"Yup...do you know their love story?"

"A bit...What I know is that Jacob waited for so many years before he married Rachel."


"Roughly, ganoon nga. He waited for seven years but his Uncle Laban tricked him and he married her sister instead then waited another seven years again so that he can marry Rachel."


"Oh...you know the story."


"Siyempre kapangalan ko kaya iyon. Atsaka gusto ko ang story niya ng waiting. Naloko man siya ng una pero hindi pa rin naman siya tumigil na ipursue si Rachel. I think Jacob is one romantic guy."

"And you are crushing on him?" Natawa ako sa sinabi ni Sac.

"Well..." Ngiti ko. "Pero more of naiisip ko o naiimagine ang struggles ni Rachel. Iyon bang wala ka na lang rin magawa kundi maghintay dahil iyon lang ang kaya mong gawin. Palagay ko rin kasi maaring gusto o mahal na niya si Jacob kaso nga lang kailangan niyang maghintay dahil sa circumstances." Ngumiti lang ako kay Sac at nakatitig ito sa akin. Kaagad ako nag-iwas ng tingin dahil hindi ako mapalagay sa titig nito. Tiningnan ko nalang si Gracie na kanina pa nag-uusisa sa closet ko. Mukhang tuwang tuwa siya sa mga damit ko.

"Baby? Anong ginagawa mo diyan?"

"Nanay bakit di kita nakita na suot mo'to? This dress is very pretty." Pinuntahan ko naman ito para tingnan kung anong tinuturo niya. Nakaturo ito sa wedding dress ng nanay ko. Ako na kasi ang nagtatago noon. Sabi kasi ni ate ay wala na siyang balak na magpakasal kaya binigay niya sa akin para suotin ko kung sakaling ikakasal ako. But it is too pretty for my simple wedding.


"This is my mother's wedding dress." Nilabas ko ito sa plastic ng damit. Inalagaan talaga ito ni ate dahil pinangako niya na gagamitin namin itong dalawa kay Nanay pero sa kasamaang palad ay wala pang gumagamit sa amin. "Tita Magda and I promised to wear this on our wedding day."

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon