Chapter 24

5.7K 208 43
                                    

I dreaded going to work since Monday and today is the most dreadful day for me. Maraming naglalaro sa isip ko na ayokong mangyari. Una, ang makita si Sac na gagala-gala sa building namin. Pangalawa, magpatawag si Sac ng meeting at pangatlo ang magcover siya kay Aaron ngayon dahil naka-urgent leave ito. In short, ayokong makita si Sac. Ayoko. Kung pwede lang sana na umabsent ako ngayon pero hindi ko naman magagawa dahil wala si Aaron.

Pumasok ako ng office at tiningnan si Becca. Normal ang ngiti nito hindi iyong masayang-masaya kapag nandito si Sac. Iyon pa lang ay magandang indikasyon na.

Kaagad akong nagpunta sa opisina ko at inayos ang mga gamit ko. Busy ang araw na ito dahil wala si Aaron. Meaning ang mga client calls niya ay mapupunta lahat sa akin.  Naalala ko naman ng magpuntang ibang bansa si Aaron at si Sac  ang nagcover ng post niya at ng binigyan pa niya ako ng time off. Siya ang gumawa ng trabaho ko at ng trabaho ni Aaron. I cannot hold a smile forming in my lips. I admit thay Sac is a good and considerate boss.

Nagring bigla ang phone ko at nakita ko  ang landline nila Sac. Kapag landline kasi nila Sac ay kalimitan si Gracie ito. Walang pasok si Gracie? Pinanuod ko lang ang pagflash ng number na iyon na tumigil na rin naman. Sorry Gracie. Pero nagflash na naman ang number at nagring ulit ang phone ko at mas matagal na ngayon. Hindi naman ako mapakali sa pagtawag niya na iyon. Gracie...

"Hello?"

"Tita Rachel!" Narinig ko ang boses ni Gracie pero may kakaiba sa boses nito. Para bang umiiyak ito.

"Anong nangyari Gracie?"

"Tita, Daddy is in the hospital but they don't want me to go there. I want to see Daddy Tita. Is he going to die?"  Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Gracie. Nasa ospital si Sac? Anong nangyari?

"Saan ospital si Daddy, Gracie?"

"I don't know. Tito Aaron called Nanay Melda and said that Daddy is in the hospital. I want to go Tita. Can you fetch me here? I want to see Daddy." Nag-iiyak si Gracie. Kaya pala wala si Aaron ngayon dahil kasama niya si Sac?

"Baby, sinong kasama mo diyan?"

"Si-si Ate Lana." Humihikbi pa nitong sabi.

"O-okey baby, stay there for a while Tita Rachel will come for you, okay? Hintayin mo lang si Tita Rachel." Kaagad kong kinuha ang gamit ko at nagpaalam kay Becca na may pupuntahan lang akong emergency.

Kaagad kong dinial ang number ni Aaron para tawagan ito.

"Rachel. Any problem in the office?" Kaswal pa na tanong nito.

"Wala...Anong nangyari kay Sac? Nabalitaan ko kay Gracie na nasa ospital siya. Anong nangyari kay Sac?"

"Hay...akala ko sikreto ito nakarating na pala sa'yo. Huwag kang maingay diyan sa office okey?"

"I won't. Promise. What happened? Okey na ba siya Aaron?"

"He was shot Rachel. Sa ngayon under  observation pa rin siya. Nasa ICU pa rin. Kapag naging stable na siya saka siya ililipat sa room." Kinabahan naman ako sa sinabi ni Aaron. Humawak ako sa railing ng nilalakaran ko sa opisina dahil nanlalambot ako. I hope he is okay. I really hope he is okay. "For the meantime hindi pwedeng pumunta si Gracie. Mag-isa lang siya with Lana sa bahay dahil si Nanay Melda at iyon si Oca na driver ay nandito."

"I am going to their house now. Iyak ng iyak si Gracie."

"That will be good Rachel. Wala rin kasi sina Niel at Zeke nasa Australia ang buong pamilya nila kaya walang maiwanan si Gracie." Napailing na lang ako.

"Huwag mo munang papuntahin si Gracie hangga't hindi pa recovered si Sac."

"I'll do my best to divert her attention." Sagot ko kay Aaron pero alam kong mahirap iyon.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon