Chapter 33

6K 202 25
                                    

"Boss, totoo ba ang balita na kasal na raw si Sir Isaac?" Napatingin naman akong mabuti kay Aaron sa tanong ni Becca. Naglunch out kasi kaming lahat ngayon araw at dahil tapos na kaming kumain ay kwentuhan naman.

Tinitigan lang ako ni Aaron. Hindi kami magkatabi ngayon kundi magkatapat lang. Sa akin naman bumaling ng tingin si Becca.

"Ba-bakit mo ako titingnan ng ganyan, Aaron, wala akong alam." Pagtatakip ko pa. Saan naman nasagap ni Becca ang balita tungkol sa pag-aasawa ni Sac? Hindi naman pwedeng manggaling kay Aaron iyon dahil siya lang naman ang tanging nakakaalam na ikinasal kami. Sino?

"Ah akala ko alam mo." Halata ko ang gleam ng pang-asar sa mga mata ni Aaron. Inirapan ko lang ito. "Saan mo naman napulot 'yan Becca? Tsismosa ka rin no?"

"Well, boss, sabi nga nila kapag may usok, meroon apoy. Nabalitaan ko lang sa HQ sa mga lupon ng mga tsismosa at tsismoso." Napailing ako sa sinabi ni Becca. Bakit nga ba ang dami talagang tsismoso at tsimosa sa mundo?

"Well, sino naman sinabi nilang asawa ni Sac, si Rachel?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Aaron. Narinig ko naman nagtawanan ang mga colleagues ko. Makakatikim talaga sa akin mamaya ang lalakeng ito.

"Well, sorry Rachel ha, you are pretty but not pretty enough for Sir Isaac." Aray! Ang sakit naman ng sinabing realidad ni Becca sa akin. Para naman sinabi nito na I don't stand a chance na magustuhan talaga ni Sac. Pero totoo naman. Pinakasalan lang ako ni Sac para sa anak niya hindi dahil nagustuhan niya ako o naattract siya sa itsura ko o ano.

"Well, Becca, nasa art business tayo. Dapat alam mo ang motto ng mga art businesses na kagaya natin. Beauty is in the eye of the beholder. And maybe our boss follows that motto, who knows?" Napailing na lang ako sa sinabi ni Aaron. May motto pa siyang nalalaman.

"Then sinasabi mo na maaring magustuhan ni Sir Isaac si Rachel, ganoon ba?"

"Hindi ko sinasabing kay Rachel lang naaapply ito kundi sa lahat. Minsan kasi Becca, pakatandaan mo na ang babaeng ay sineseryoso hindi dahil maganda lang. Malaking factor pa rin ang ugali ng babae. Men are not looking for trophy wives, men are looking for women that will be good wives." Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi ni Aaron. I really like how Aaron is good with words.

"Well...pwede rin naman maging mabuting asawa ng sobrang ganda...."

"If it is you Becca then it's a no." Napakapranka talaga nitong si Aaron.

"Well, Aaron, hindi mo malalaman iyon kung hindi mo naman magiging asawa si Becca. Pwedeng sa pagkakilala mo sa kanya ngayon mahuhusgahan mo na agad siya na hindi siya magiging mabuting asawa pero hangga't di mo siya nakakasama hindi mo malalaman. Atsaka maraming maaring magbago."

"Aw, thank you, Rachel."

"Aba at siya pa ang tinulungan mo eh itong ikaw ang pinagtatanggol ko." Mataray na sagot pa ni Aaron. Ngumiti ako rito.

"Aaron, thank you pero di mo ako kailangang ipagtanggol. Tama naman si Becca, wala ako sa kalingkingan ng babaeng magugustuhan ni Boss. Alam ko naman iyon." Ngumiti ako kay Aaron at tiningnan lang ako nitong mabuti. Ngumiti ito at ang pagngiti niya ay sa palagay ko ay ngiti ng awa sa akin. Alam na alam niya kasi ang sitwasyon ko.

"Well, cupcake, I am always here for you." Ngumiti ako ng malaki sa sinabi nito. Narinig ko na naman ang kantiyaw ng mga colleagues ko. Ang landi talaga ni Aaron.

...

Tapos na ang manager's meeting at hinihintay na lang namin ni Aaron si Sac na matapos kausapin ang isang manager. May ipopropose daw kasi si Aaron rito at hindi na makakapaghintay ng bukas.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon