Chapter 30

5.4K 206 36
                                    

"Okey ka lang, baby?" Hindi ko mapigilan ngumiti ng malaki sa sinabi ni Sac. Nakaluhod ito kay Gracie habang inaayos ko ang buhok nito.

"Is there a lot of people outside, Daddy?" Natigilan si Sac sa tanong ng anak niya. Maraming tao nga sa labas gaya ng sabi nito at hindi ko alam kung paano sasagutin ito ni Sac.

"There is a lot of people outside baby." Nakatingin mabuti si Sac kay Gracie at hinaplos nito ang mukha ng anak. Mukhang kinakabahan ang bata. "But don't think about them, baby. You just do what you need to do and the best way that you can and don't even bother to care of what's the reaction of the people watching you."

"Will they laugh at me Daddy?"

"If you say something funny, baby, they will laugh. But since you are not I think they will just smile, clap and be mesmerized by your performance."

"What if someone makes fun of me?"

"Noone will make fun of you, baby, I assure you. You know why?"

"Why?"

"Because you will be great to your performance and they will be awed by your presence."

"Really, Daddy?"

"Of course, baby. You practiced a lot and you will give your best, right baby?"

Niyakap naman ni Gracie ang Daddy niya at hindi ko inaasahan iyon sa bata. Hinalikhalikan pa ng bata ang Daddy niya ng maraming beses at ganoon din naman ang ginawa ni Sac sa anak niya.

"Daddy, can I just look at you if I'm nervous? Ba-baka may malimot akong words. Then you coach me Daddy."

"Pwede baby. But I doubt it that you will forget something." Paniniguro naman ni Sac sa anak niya. "Big girl na kaya ang baby ko." Ako lang ba ito o totoo ang nakita kong pangingilid ng luha ni Sac. Hindi ko alam kung anong naisip nito at naging ganito ang reaksyon niya. Kahit ako ay nangilid ang luha sa nakita ko.

"But you still keep on calling me baby. You and Tita Rachel." Nakanguso naman si Gracie sa Daddy niya na para bang nagpoprotesta.

"Because you are still our baby eventhough you are a big girl now or even when you grow older. We will never get tired and ever forget to call you our baby." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sac pero naguilty. Gusto kong itama ito na hindi ko 'baby' si Gracie pero hinayaan ko na lang dahil ang sarap sa pandinig at sa pakiramdam ang pagsali ko ng di sadya sa pamilya nila.

"Okay. Then...will you be my Daddy even if I become so big and I am bigger than you?"

"Baby, I am still your Daddy even if you grow old, marry and have kids. Nothing and noone will change that fact." That coversation coming from a young father and a little girl. Kahit na sino sigurong makarinig noon ay lalambot ang puso.

"Mga magulang at mga bata. Magsisimula na po tayo. Iyon pong mga Daddy at Mommy bumaba na po sa backstage at magpunta na po sa kani-kanilang upuan." Napatingin naman ako sa teacher na nagsalita. Natapos ko na rin ayusin ulit ang buhok ni Gracie at inayos ko naman mabuti ang pakpak at damit nito.Ang gandang bata talaga ni Gracie. Kung nandito lang siguro si Hannah ay magiging masaya ito na lumaking ganito ang bata.

"Sige Sac, mauna na ako bumaba." Tinapik ko sa balikat ito at ngumiti ito at tumango sa akin. "Let's do our best, baby. You can do it!" Sabi ko pa sabay thumbs up sa kanya at ginaya lang ako nito. Bumaba na akong stage dahil gusto kong bigyan ng panahon ang mag-ama at para na rin kay Sac na bigyan ng pep talk ang bata.

Inayos ni Sac ulit ang damit ni Gracie at ang pakpak nito na naayos ko na. Mas mukhang kinakabahan si Sac kesa sa anak niya at nakakatuwa naman ito. Hinaplos-haplos ulit ni Sac ang mukha ni Gracie matapos ay sinukbit nito ang nakawalang maliit na buhok sa tenga ng bata. Matapos ay ngumuso ito sa anak niya at ngumuso rin si Gracie. Nagkiss ang mag-ama.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon