Chapter 21

5.3K 219 83
                                    

"Meroon bagong shipment ng painting ni Jacob Garcia." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aaron sa kabilang linya. Nasa Makati kasi ito ngayon at officer in charge siya kasi nakaindefinite leave daw si Sac. May mga tsismis sila Becca na nangibang bansa ito at nagpakasal kay Estelle. Mabilis talaga kumalat ang chismis. Nadismaya ako sa tsismis na iyon kung totoo. Hindi ko alam kung anong balak ang ginawa ni Sac pero kung itinuloy niya nakakadismaya lang talaga. Siguro naman ay napag-isipan niya na rin mabuti ang lahat. Palagay ko kasi hindi naman impulsive si Sac sa pagdedesisyon. Kaya kung napagdesisyunan niya na iyon palagay ko ay well-thought iyon at siguro malaki ang benefit nito sa anak niya. Napailing na lang ako. Wala na akong magagawa sa desisyon na. Tama na ang pangingialam ko.

Namiss ko na naman si Gracie. Halos dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita.

"Rachel? Nandiyan ka pa ba?" Natawa na lang ako at nakalimutan ko na kausap ko pa si Aaron.

"Oo, sorry. Ano nga ulit iyon?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Pagbalik na pagbalik ko diyan bukas sasabunutan talaga kitang babae ka. Kanina ka pa wala sa sarili. Ano bang iniisip mo?"

"Boss naman. Masakit iyon. Sorry na, may naisip lang ako. Ano nga ulit iyon? My attention is on you fully." Bumuntong hininga ulit ito.

"Sabi ko darating ang shipment ng painting ni Jacob Garcia. Ngayon tanghali. Pakilagay sa third floor, okay?"

"Talaga Aaron? Wow! Nagpipinta ulit siya? Meaning may bago siyang muse?" Excited kong tanong kay Aaron.

"Bagong muse?" Para naman kakaiba ang tono ni Aaron. Para bang hindi niya alam ang pinagsasabi ko.

"Nalaman ko kay Dahlia na isa siyang romantic painter. Na kalimitan sa pinipinta niya ay ang lover niya." Tumawa sa kabilang linya si Aaron. Mukhang pinagdidisketahan niya ako. Palibhasa kasi kakilala niya.

"At naniwala ka naman?" Tatawa-tawa nitong sagot.

"Oo. Malay ko ba. Ikaw nga hindi makapagbigay ng impormasyon sa kanya kaya sa iba ako nangangalap."

"Mag-usap na lang tayo bukas pagbalik ko. Miss na kita cupcake." Napangiti ako.

"Ang landi mo talaga. Dalawang araw ka lang nawala miss mo na ako?" Pang-aasar ko pa. Pero sa totoo lang sweet si Aaron.

"Well, sa ganoon na ako ka-attach sa'yo eh. Date tayo pagbalik ko ha. I'll bring flowers." Hindi talaga ako titigilan ni Aaron.

"Sige na makikipagdate ako sa'yo bukas. Okey na ba 'yun?"

"Really cupcake?" Mukhang hindi pa ito makapaniwala.

"Well, kung ayaw mo Aaron okey lang din. Sige na."

"Teka, teka...after office okay? Dinner date?"

"Sure." Wala naman masama na pagbigyan ko na si Aaron dahil simula ata ng maging close kami ay hindi na ako nito tinigilan ayain lumabas. Minsan lang naman. Walang masama.

"I'm excited cupcake. I am eager to see you but first thing first, iyon delivery, tinext na ako sa isang phone ko. Nasa baba na raw sila. Punta ka na cupcake. Ingat ka." Palagay ko naman ay nagin extra sweet si Aaron dahil sa pagpayag ko.

"Sige na Aaron. See you."Binaba ko na agad siya para tumawag sa contractor namin para pumunta na at magrearrange ng painting matapos ay kaagad akong bumaba na para salubungin ang delivery.

May mga bagong paintings sina Dahlia at Fatboy at meroon din bagong mga artist. Pinaayos ko ang pagkakasalansan ng mga painting para mas madaling maiayos ng contractor ko.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon