Chapter 2

7.8K 222 23
                                    

"Scent of a Woman flower shop. How can I help you today?" Natawa na lang ako dahil sa nabulalas ko. Isang buwan na rin ako nagtatrabaho bilang part time admin cum accountant cum delivery girl kapag walang nagdedeliver at cum receptionist. Masasabi kong masaya ako sa trabaho ko. Late na ang shift ko from 2 to 6 dahilan kung bakit ako kumuha pa ng isang trabaho. Sa totoo lang lagi akong papalit-palit ng trabaho pero hindi ako nababakante ng matagal. Kahit ano kasing trabaho papatusin ko. Wala akong pakialam kung underemployed ako basta may trabaho ako at may pandagdag hulog sa SSS para sa retirement okey na okey na ako doon.

"Hi! First day ko as teacher aide. Paano po ba ako magsisimula?" Bati ko sa unang tao na nasa kinder classroom.


Nginitian ako ng babae at siya pala ang unang shift ko. 7-9 at 10-12 ang shift ko. Hindi ganoon kahirap ang sinabi niyang trabaho bilang teacher aide. Ang bantayan ang klase kapag lumabas ang lead teacher, ang samahan ang mga bata sa toilet, ang tingnan at tulungan sila sa mga ginagawa nila at iassist ang lead teacher sa lahat ng bagay.


Natapos na ang unang shift at nakakatuwa ang mga bata. Natural na rin kasi ang pagkahilig ko sa mga bata lalung-lalo na sa dalawa kong pamangkin. Meroon kasing something sa bata na malapit sa puso ko.



"Good Morning, Grace." May nauna ng bata na dumating at dala ito ng lead teacher na si Ms. Mikaela. "Come, Grace. Let's go inside our classroom." Nakatingin ako kay Ms. Mikay sa may pintuan ngunit walang bata na sumusunod sa kanya. "Grace, what's wrong?"


"I don't want Grace. I am Hannah. Please call me Hannah." Ngumiti ng malaki si Ms. Mikay.


"Okay, Hannah. Please come inside our classroom."  At matapos sabihin iyon ni Ms. Mikay ay may narinig na akong tunog ng sapatos at may bumungad sa akin bata na nakaitim na damit at nakapantalon at boots. Napakaraming pony tail ang bata. Parang hindi bagay sa bata ang parang punkista na porma nito. Bukod doon masyadong maamo at maganda ang mukha niya in contrast sa damit niya.


"Hi Hannah!"  Bati ko sa bata na naupo sa may likuran na upuan. May seating arrangement na kasi sila at palagay ko kahit na mga apat na taon palang ang mga batang mag-aaral ay disiplinado na sila at alam na nila kung saan sila uupo.


"Sranger! Ms. Mikay there's a sranger!" Narinig kong sigaw ni Hannah. Halos mabingi ako sa sigaw nito.


"Hannah, she is not a stranger. She is Ms. Rachel and she will help you during class."



"We-where is Ms. Yuly?" Halata ko ang galit sa mata ni Hannah.



"She is going to have her baby soon so she cannot look after the class anymore." Nangingilid ang luha ni Hannah ng marinig niya ang sinabi ni Ms. Mikay.


"I don't want her. I want Ms. Yuly! I don't want to go to school anymore! I want Ms. Yuly!" Nagmamatigas ang bata. Hindi ko akalain na magtatantrums ng ganito ang bata.


"Hannah--"


"Ms. Mikay tawag po kayo sa admin's office." Napalingon ako ng may lalakeng tumawag mula sa may pintuan na nakasalamin. Ngumiti rin siya sa akin at tumango pero hindi ko siya kilala.



"Susunod na ako, Migs. I just need to settle--"



"Ms. Mikay, emergency po. Tawag po galing hospital." Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Ms Mikay. Kaagad itong tumingin sa akin.


"Ako na muna pong bahala rito. Sagutin niyo na muna po ang tawag." Mabilis na tumango si Ms. Mikay sa akin atsaka umalis. Naiwan tuloy kami ni Hannah sa classroom.



Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon