CHAPTER 40

17.9K 279 8
                                    

ELISE'S POV

"Goodbye class see you tomorrow" ngiting paalam sa amin ni sir sabay tingin na naman sa akin kaya naman napayuko ako at nilaro ang ballpen ko at naramdaman ko nalang na wala na ang kaniyang presensya.

Kanina pa ako naiilang sa klase ng titig niya sa akin, kapag natatapos niya kase ang sinasabi niya ay titingin siya sa akin at babalik ulit sa pagsasalita at pagtapos niya ulit magsalita ay titingin ulit sa akin.

Ikaw ba naman titigan ng ganun kung hindi ka makaramdaman ng ilang at konting kaba dahil nakangisi pa siya, parang ayaw kang mawala sa paningin niya dahil sa madalas na pagtingin niya sayo.

Halos wala akong naintindihan sa turo niya dahil naiilang ako sa kaniyang pagtingin sa akin kapag tumitingin siya sa akin ay napapaiwas nalang ako o kaya yuyuko.

Huminga naman ako ng malalim at hindi na inisip yun, first day ko pa naman ngayon ayun na agad laman ng utak ko psh!.

Mayamaya naman ay pumasok na ang ikalawang teacher namin mukhang nagmamadali siya kaya hindi na siya agad nag dalawang isip na magsimula na agad magturo.

RINGGG*

Tunog ng bell, recess na yata.

"Ok class see you tomorrow don't forget your assignment" malamig na tinig niya tsaka nagpaalam na kami at lumabas na siya.

Haysss first day na first day may assignment agad sa kaniya, hayss bakit ba ako nagrereklamo? Gustong gusto ko magaral pero narereklamo naman ako keso may assignment.

Inis kong sabi sa sarili ko.

"Besh halika na recess na punta na tayo sa cafeteria" pag-aaya ni ruby, ngitian ko naman siya at nilagay ko muna ang notebook ko sa bag bago kami tumayo.

Akmang maglalakad na ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya napahinto ako, ramdaman ko ang dalawang kamay na nakahawak sa akin ngayon.

"Elise!" Tawag sa akin, alam ko na agad kung kaninong boses yun, paktay!.

Dahan dahan naman akong lumingon at nakita ko si thea na nakangiti sa akin at si josh na nasa likod niya ng mag tama ang paningin namin ay agad siyang napayuko ako naman ay umiwas ng tingin.

Nakalaramdamn ako ng ilang sa kaniya.

"Elise sabay kami sainyo" ngiting wika ni thea

"Teka kilala mo elise?" Tanong naman sa likod ko ni ruby.

"A-amm o-oo" utal ko namang sagot, pumunta naman sa harap ko si ruby.

"Hi ako si ruby friend ni elise" pagpapakilala niya kay thea na nakangiti rin sa kaniya, nilahad pa ni ruby ang isa niyang kamay para makipag shake hands.

Bumitaw naman si thea sa pagkakahawak sa braso ko at tinanggap ang kamay ni ruby

"I'm althea call me thea for short and also i'm elise's childhood friend and this is my kuya joshua call him josh for short at friend din siya ni elise" ngiting pagpapakilala ni thea kay ruby na ikinatango lang nito.

Nanatili pa rin siyang bahagyang nakayuko.

"Sabay na kayo sa amin mag recess" aya ko sa kanila.

"Sige" masayang pagpayag ni thea hinawakan naman ni thea ang braso ni josh at naglakad na ganun din kami.

Nang makarating kami sa cafeteria ay maraming estudyante doon pero nagkakasya pa rim dahil sa lawak ng cafeteria.

Humanap naman kami ng mauupuan nang makahanap kami ay umupo na kami doon.

"Ako nalang o-order" prisinta ni thea tsaka tumayo.

"Ako din tulungan na kita" saad naman ni ruby na ikinatango ni thea tsaka na sila pumila sa counter, mahaba din ang pila kaya medyo natatagalan yata sila.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon