CHAPTER 39

17.5K 292 11
                                    

5 DAYS LATER

Natapos ang limang araw na masaya kami ni cyrus sa aming munting mansion, sa limang araw ding iyon, ay namamasyal kami kung saan saan ni cyrus at sa limang araw ding iyon ay hindi na kami ginulo ni bernadette sa tingin ko ay hindi na siya babalik dito, kung bumalik man siya sana wag na niya kaming guluhin pa.

Monday ngayon at unang araw ko sa klase, pagkatapos kase akong payagan ni cyrus na mag-aral ay kinabukasan ding iyon ay nag-enroll na ako.

Nirequest ko pa sa kaniya si ruby, miss ko na si ruby gusto ko rin siyang makapag-aral alam kong hindi pa siya tapos sa pag-aaral ehh gusto ko sanang sabay kaming gumraduate.

Pumayag naman si cyrus sa pag-aralin si ruby para daw may kasama ako

Eneroll niya kami sa isa sa eskwelahan nila, para daw kapag may problema o nangyari sa akin or sa amin sa university na yun ayy agad siyang makakatanggap ng update tungkol sa amin. Haysss.

May pinagkakaabalahan naman ngayon si cyrus dahil siya muna ang inatasan ng parents niya na mag manage ng isang company nila dito sa pilipinas, dahil may business trip ulit daw ang parents niya.

Ok na rin siguro ang ginawa ng parents nila para naman may pagksabalahan si cyrus habang nasa school ako.

"Are you excited to you first day?" Ngiting tanong niya, tumingin naman ako sa kaniya ng nakangiti.

Nagdi-drive na ngayon si cyrus papunta sa university na papasukan ko, siguro ay nandoon na si ruby sa university kase sabi ko ay mauna na siya excited na rin kase ang babaitang yun eh.

Tsaka nga pala pinalipat ko siya sa mansion namin para doon na mag trabaho para naman may kakwentuhan ako doon kapag wala si cyrus, alam na rin ni ruby na kaming dalawa na ni cyrus, halos himatayin na nga siya sa kilig ng malaman niyang kami na ehh, ibang klase...mas kilig na kilig pa kesa sa akin ehh.

"Oo excited na ako, akala ko talaga hindi na ako makakapagtapos ehh, salamat talaga cy" ngiti kong wika.

"Your welcome honey, ibibigay ko kahit anong gusto mo" ngiti niya at bahagyang lumingon sa akin.

Napangiti naman ako sa naging turan niya, i love this man so damn much! Kahit hindi ko man hilingin ay kusa niyang binibigay, hindi ko man nasusuklian ng ganun yun pero kaya ko namang suklian ng pagmamahal.

Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa braso niyan, pumikit ako at dinama ko iyon.

FAST FORWARD

Naramdaman ko namang huminto na ang sasakyan nandito na pala kami sa tapat ng gate ng university kaya naman napabitaw na ako sa pagkakayakap ko sa braso ni cyrus.

Maganda din itong university at napaka laki din sana mababait ang mga tao dito at sana marami akong maging kaibigan hindi tulad dun sa dati kong paaralan na pinapasukan maraming mga clown, gangster na ewan at maraking bully.

Isa na ako sa mga na bully noon pero hinahayaan ko nalang sila, alam ko naman kase na balang araw ay babalik din sa kaniya ang pananakit na ginagawa nila, KARMA IS REAL.

"Honey..." tawag naman sa akin ni cyrus kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tell me if my umaaway sayo diyan ha? Ipapakick out ko agad" seryosong ani niya at ikinalaki pa ng mata ko ang sinabi niya.

"Kick out talaga? Hindi mo lang ba pwede warningan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi uso sa akin yun, kapag may ginawa sila sayo sabihin mo dahil hindi ako magdadalawang isip na paalisin sila sa paaralan ko" seryosong saad niya.

"Oo na po" tanging sagot ko nalang.

"And kapag may nagtangkang manligaw sayo diyan sabihin mo may boyfriend kana ok? Ayokong may pomoporma sayong mga lalaki diyan at ayaw ko rin yung nilalandi ka ng mga lalaki wag kang magtitiwala agad sa mga tao diyan ok ba?" Ani niya, kapag seryoso talaga ito bigla bigla nalang nagtatagalog ehh.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon