CHAPTER 10

26.7K 516 10
                                    

STILL ELISE'S POV

Isang linggo ang nakalipas, at pansin ko na sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin hindi na tulad nun dati, hindi ko alam kung bakit naging malamig ang pakikitungo niya sa akin.

Minsan kapag tinatanong ko siya 'oo at hindi' lang ang sinasagot niya kapag mag-uutos naman siya kasing lamig ng yelo yung tono ng boses niya, nakakamiss yung dating pakikitungo niya 'bakit mo nanamimiss?' Tanong ng isip ko pero hindi ko naman masagot ewan ko ba kung bakit namimiss ko ang ganun trato niya sa akin.

Napapadalas na rin ang pagalis niya at umuuwi ng lasing at paginaalalayan ko naman siya ay tinataboy niya ako, hindi ko alam kung ano ng nangyayari sakaniya, personal maid niya ako pero hindi ko man lang alam ang mga ginagawa niya kapag lumalabas siya.

Minsan na ring nakapunta dito ang mga kaibigan niya at sila din mismo ang nangyayaya kay sir cyrus at pag-uwi niya ayun lasing nanaman.

Wala na rin akong nagawa ng kuhanin niya sa akin yung cellphone ko, pero kahit ganun ay nakakatawag pa rin ako kila mama dahil nanghihiram ako minsan ng cellphone kay ruby at pumupunta ako sa kwarto ko para hindi ako makita ni sir cyrus.

Sa isang linggo din iyon, ay laging mabigat ang pakiramdam ko kapag natutulog ako sa gabi kapag umaga naman ay ok naman ako... haysss siguro dahil sa pagod na rin kahit kase malamig ang pakikitungo niya ay panay naman ang utos niya sa akin, aaminin ko nanapagod ko syempre nagtatrabaho ako eh, pero kahit kailan hindi ko sinabi sakaniya na napapagod na ako.

Nandito na ako ngayon paakyat ng kwarto ko, sobrang napagod ako ngayon naglaba pa kase ako ng mga damit niya yung iba doon ang bibigat kaya simakit talaga yung likod ko.

Ng nasa harap na ako ng pinto ko ay napatigil ako, at lumingon sa pinto niya.

"Tulog na yata siya.... good night sir" bulong ko sa sarili ko

Ng makapasok ako sa kwarto ko ay nilock ko na yun at binaksak ko ang katawan ko sa kama.

"Ahhh kapagod...." unuunat pa ako habang sinasabi ko yun, tumayo ako at pumunta na sa cr para mag half bath hindi kase ako sanay kapag hindi ako nakakapag half bath sa gabi SKL~

FAST FORWARD

Tapos na ako mag half bath at nakapag damit na rin ako ng damit, pagkarating ko ng higaan ko ay pabagsak akong humiga doon. Miss ko na sila mama gusto silang bisitahin, pero kinakabahan akong magpaalam kay sir kase baka hindi niya ako payagan.

Parang nararamdaman ko kaseng galit siya sa akin ehh pero bakit naman?, nagsimula ang pagiging cold niya nung gabing kausap ko si josh. Maraming nagbago sakaniya hindi ko na talaga alam.

"Haysss... makatulog na nga, sana panaginip nalang lahat " wika ko at umayos na ako ng higa at nagkumot na, mayamaya ay dinalaw na rin ako ng antok.

CYRUS'S POV

I'm here in my bedroom, hindi makatulog... i miss her so much... tuwing gabi ko nalang siya nayayakap... yes gabi lang, lumalabas ako ng kwarto ko at kinukuha ko yung duplicate key ng kwarto niya alam ko kaseng naka lock iyon.

Tuwing gabi pumasok ako sa kwarto niya at tatabihan ko siya matulog at umaalis ako ng mga alas kwatro sa kwarto niya para hindi niya ako maabutan na nasa kwarto niya, isang linggo na rin ang nakalipas at isang linggo ko na rin iyong ginagawa.

Cold ako kapag kaharap ko siya, pagkatapos nung usapan nila nung lalaki ay naging cold ba ako, ewan ko kung bakit parang winarak yung puso ko, sinabihan pa niya yung lalaki na miss niya na daw yun... oo nagseselos nga ako... narealize ko yun dahil napagtanto ko ng gusto ko siya... i like her so f*cking MUCH!.

This is real?! I'm inlove withy personal maid? Haha nakakatawa talaga, i didn't not expect this na magkakagusto pala ako sa isang maid, wala ehh natamaan na ako hulog na hulog na ako hindi ko na kayang pigilan na mas mahulog pa sakaniya, binabaliw niya lagi ako.

Naiinis ako sa sarili ko, kung bakit ako nagkakaganto sakaniya siguro pati siya ay naguguluhan sa mga galaw ko, hindi naman niya kase alam na gusto hindi niya alam yung naramdaman ko nung sinabihan niya ng miss na niya yung lalaking kausap niya.

Boyfriend niya ba yun? Kase ayun lagi yung iniisip ko, hindi naman kase malabong magka boyfriend siya she's so f*cking beautiful kaya hindi imposibleng walang magkagusto sakaniya, kahit nga ako hulog na hulog na sakaniya ehh yung ibang lalaki pa kaya.

Sobrang nagseselos ako nitong mga nakaraang araw dahil doon kaya ganun nalang ang pakikitungo ko sakaniya. This last few days lagi akong umuuwi ng hating gabi na lasing at lagong siya ang nadadatnan ko. Hindi ko na talaga alam ang nangayayari sa akin mahal ko na yata siya, pero hindi ko masabi yun sakaniya dahil nababahala ko kung totoo nga ba yung iniisip ko na boyfriend niya yung kausap niya last week.

Hindi ako yung taong naninira ng isang relasyon, so kung totoo nga yung iniisip ko wala naman ako magagawa, kailangan ko siyang palayain, kailangan niyang maging masaya, wala naman kaming label na dalawa haha. Gusto kong sabihin ang feelings ko kaso natatakot ako na baka masaktan lang ako...

Hindi ko sigurado kong boyfriend niya nga talaga yun, hanggat hindi ko nalaman ang totoo patuloy ko lang siyang aakinin.

I'm here now infront of her door, binubuksan ko na yung door knob niya, ng mabuksan ko iyon, ay bumungad sa akin ang madilim na kwarto niya, sinara ko ng dahan dahan ang pinto at dahan dahan din akong lumapit sa kama niya at nakita ko siyang nakahiga patalikod sa akin.

Lumapit ako sakaniya at dahan dahang humiga at nag kumot, lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya, hawak ko ang dalawa niyang kamay at ang ulo ko ay nasa batok niya at dinama ko ang init ng yakap ko sakaniya.

I wish it's always like this, na malaya ko siyang nahahagkan. She changed my life, at gusto ko yung pagbabagong yun, i like her so much... no... I LOVE HER na.

ELISE'S POV

Naalimpungatan naman ako ng parang may dumadagan sa akin.

"Umm" ungol ko napabaling naman ako sa likod ko, at naramdaman kong parang ang laki ng yakap ko, unan lang naman ang mga katabi ko dito pero ito... parang matigas...

Unti kong binuksan ang mata ko at laking gulat ko nalang ng tumbad sa akin ang mukha ni sir cyrus at mas ikinagulat ko pa yung braso niyang nakayakap sa bewang ko, teka bakit siya nandito? Nandito ba siya para matulog? May kwarto naman siya diba?

Akmang itutulak ko siya ng mahina ng bigla niyang hapitin ang bewang ko

"S-sir b-bakit p-po k-kayo nandito?" Utal kong tanong at nakapikit lang siya, halos kalahating dangkal nalang ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa

"S-sir bumalik"

"Shhhhh.... please let me do this.... i want to hug you..... you know..... i miss you" wika niya at unti unti niyang binuksan ang mata niya nagulat naman ako dun at napakurap kurap, hindi ko matagalan ang tingin niya kaya napaiwas ako doon, hindi ko inaasahan na bigla nalang siyang tatabi dito.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko, posible kayang gusto kona siya... pero bawal dahil katulong niya lang ako dito, saka hindi ako nandito para sa pag-ibig... siguro namiss niya lang talaga ako kase minsan nalang kaming mag kita dahil panay ang labas niya, hindi ko nalang bibigyan ng malisya ang mga gagawin niya, normal lang yatang ganto siya... hindi ako pwedeng mainlove sa boss ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako yung tamang babae para sakaniya.

"Let's sleep" ngumiti nalang ako sakaniya at nagulat pa ako ng halikan niya ako sa noo. Sana bukas ok na kami.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon