CHAPTER 1

50.6K 738 19
                                    

Ako si elise jade rivera isang ordenaryong 18 years old na babae na nangangarap na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. 4th year na dapat ako sa darating na pasukan pero mas pinili ko nalang itigil ang aking pag-aaral para makatulong nalang kila mama at papa.

May kapatid ako bunso si mica, may sakit siya sa puso na kailangan ng maoperahan, may butas kase ang kaniyang puso at minsan napapasugod kami sa hospital at kapag bayaran na ng bill ay hindi na kami nakakapag bayad ng maayos kaya minsan napipilitan kaming magsanla ng mga gamit.

Sabi nila ako daw ay maganda talo ko pa daw ang mga rumarampang miss universe, meron akong mahabang buhok actually hanggang bewang yun pero pinagupitan ko dahil summer na rin mainit-init na ang panahon, may makinis at maputi akong balat si mama lagi ang nangangalaga sa balat ko ayaw na ayaw niyang nasusugatan o nagagasgasan ang balat ko, mahaba ang aking pilik mata at medyo may kulay bughaw ang aking mata at mapupulang labi.

Dito sa aming baryo, napaka dami kong manliligaw, naiirita din ako minsan dahil tuwing umaga ay nasa harap na sila ng bahay haysss.... kaya minsan ay tinatakasan ko nalang sila or nagdadahilan ako na umalis at pumunta sa malayong lugar. Hindi pa kase ako handang makipag relasyon dahil mas priority ko ang aking pamilya.

"Anak bumangon kana diyan at mag-aalmusal na tayo" Wika ni mama habang kumakatok sa kwarto ko

"Opo mama babangon na po..." sagot ko, tumayo na ako at pumunta na sa cr para maligo

Sampung minuto ay natapos na akong mag-ayos ng sarili, bumaba na ako at nadatnan ko sila na nasa lamesa na

"Oh anak maupo kana" wika ni papa kaya umupo na ako

"Anak sigurado ka na bang hindi kana mag-aaral at tutulong nalang sa amin ng papa mo? Kaya ka pa naman naming pag-aralin" wuka ni mama habang naka kunot ang noo

"Ok lang po mama, gusto ko pong makatulong sainyo at lalo na may sakit si mica kailangan niyang magpaopera, kaya po maghahanap po ako ng trabaho kahit ano pong trabaho papasukin ko" mahabang lintanya ko

"Anak, gawin mo ito para sa kapatid mo, mag trabaho ka ng marangal anak" wika naman ni papa

"Opo papa, hindi po ako papasok sa trabaho na ikakapahamak ko promise po yan" wika ko naman

"A-ate kapag may t-trabaho kana, bilhan mo ako ng elsa ha?" Wika naman ni mica

"Oo mica, kapag nagkaroon ng maraming pera si ate bibilhan kita ng mga laruan na gusto mo" ngiting wika ko sakaniya

"Yehey! Thank you ate..." masayang wika niya sabay yakap sa akin

"Oh sya tayo'y kumain na" ani ni mama at nagsimula na kaming kumain

FAST FORWARD

Nagwawalis ako ngayon dito sa labas ng bahay, marami nakatingin sa aking kalalakihan, hindi ko nalang pinapansin nagpapatuloy lang ako sa pagwawalis

"Elise ikaw na ba yan?!" Halos napatalon naman ako ng may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako

"Tita ivy!" Masaya kong wika saka siya niyakap, si tita ivy ay kapatid ng papa ko, nasa saudi siya at nakabalik na pala

"Nako ang laki laki mo na ang ganda ganda mo, nakakahiya naman yung itsura ko" birong sabi ni tita ivy

"Nako, maganda din naman po kayo ehh at mas lalo kayong naging sexy" wika ko naman

"Nako bolera ka talaga, teka nasan ang mama at papa mo?" Tanong ni tita ivy

"Nasa loob po hali po kayo" itinabi ko naman sa isang gilid ang walis ting ting at sinamahan siya sa loob at laking gulut naman ni mama na makita si tita ivy

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now