CHAPTER 30

21.2K 350 21
                                    

KINABUKASAN

ELISE'S POV

Naalimpungatan naman ako na parang may nakatingin sa akin kaya naman unti unti kong dinilat ang mata ko, una ay blurd ang nakikita ko nang mas dinilat ko pa ang mata ko ay bahagya pa akong nagulat ng siya ang bumungad sa akin.

Nakatukod ang kamay niya sa ulo niya at nakatingin sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi.

"Good morning my gorgeous honey" malambing niyang bati napaiwas naman ako ng tingin, ewan ko pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Your blushing my honey" malambing ulit niyang wika at narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.

Nagulat naman ako ng bigla niyang siniksik na parang bata yung ulo niya sa leeg ko at hinalikan ng smack ang jawline ko at sa palagay ko ay para ng ketchup ang mukha ko.

Nanatili lang ako straight na nakahiga at dilat ang mata habang siya ay nakayakap sa akin habang ang ulo ay nasa leeg ko at nararamdaman ko pa ang mainit na hininga niya doon.

"Baby... hmm i love your sense... i feel better kapag naaamoy kita hmm" Mahinang wika niya sabay amoy pa sa leeg ko, medyo natataas ko ang balikat ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya hindi niya alam na may kiliti ako sa leeg isang maling galaw niya lang matatawa na ako... pero hanggat kaya ko pa, pipigilan ko ang tawa ko.

Teka anong oras naba? Nilibot ko naman ang mata ko sa kabuuan ng kwarto at nagbabakasakaling makahanap ng orasan, nabaling naman ang paningin ko sa taas ng flat screen tv, yun may orasan.

Bahagyang naningkit ang mata ko para tignan ng maigi ang orasan.

'9:00 AM'

Sabi ko sa isip ko ng makita kung anong oras na.

WHAT?!! F*CK SHIT

9:00 AM na pala?! Hayss may trabaho pa pala ako!

Napabalikwas naman ako ng bangon kaya naman ay napabitaw sa pagyakap sa akin si cy.

"W-what happen?!" Nagaalala niyang sagot, lumingon naman ako sakaniya... shit ang gwapo niya 'Hoy inlove nanaman siya' katyaw ng isip ko ARGG!

"A-amm k-kase 9 na ng umaga" wika ko habang paiwas iwas ng tingin sakaniya.

"So?" Taas kilay niyang wika

"A-amm m-may trabaho pa ako diba?" Saad ko pa sakaniya.

Bahagya akong nagtaka ng bigla siyang tumawa ng mahina tsaka lumapit sa akin at niyakap ako sa likod at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko

"Hmm actually... you don't need to work, because your my girlfriend and ayaw ko ring mapagod ang baby ko" wika niya at alam kong naka pout siya ngayon... haysss nag mumukha tuloy siyang bata kapag ang po-pout siya... haysss mga iniisip mo nanaman elise.

But wait, hindi naman porket girlfriend niya na ako ay tatalikuran ko na ang trabaho ko bilang maid, hindi yata tama yun ang unfair.

Nag punta ako dito para mag trabaho hindi maghanap ng pag-ibig, pero sadyang mapaglaro ang tadhana at nagkagusto ang boss ko sa akin

Kapag nalaman ng mga maid na girlfriend na ako ni cyrus, b-baka sabihin nilang nilalandi ko talaga si cyrus ayoko naman na makarinig nanaman ako ng bulong bulungan at ayaw ko namang masira ang image ko sakanila.

"K-kailangan ko pa ring mag trabaho, h-hindi naman porket g-girlfriend mo na ako ay hindi na ako magtatrabaho, nandito pa rin ako para mag trabaho, hayaan mo gagampanan ko pa rin naman ang paggiging girlfriend ko sayo" mahabang lintanya ko sakaniya, nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon