CHAPTER 23

20.9K 429 6
                                    

STILL ELISE'S POV

"I want your love, elise" walang alinlangan niyang wika sa akin, tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig, lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko na bahagya kong kinagulat at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"S-sir-"

"Elise...m-mahal kita" Wika niya at kita ko sa mukha niya ang sinseryo ng kaniyang sinabi, nakikita ko na rin ang nangingilid niyang luha.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ito nangyari, wala pang nagmamakaawa na mahalin ko, pero ngayon meron na at boss ko pa, hindi ko alam kung bakit nalang siyang nagkagusto sa akin, wala naman akong ginagawa sakaniya ginagawa ko lang naman ang trabaho pero hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito.

"Elise seryoso ako... seryoso ako sa nararamdaman ko sayo" sa pagkakataong ito ay tuluyan ng bumagsak ang luha niya, ngayon ko lang siyang nakitang ganto... parang nasasaktan ako kapag nagkakaganito siya.

"I don't know why i feel like this, nagising nalang ako isang araw mahal na kita, elise... p-please let me p-prove to you t-that... that i love you" nagmamakaawa niyang wika, nararamdaman ko na rin ang paginit ng mata ko at pangingilid ng luha ko.

"I know, i know wala ka pang nararamdaman sa akin but please hayaan mo akong baguhin yun alam kong mamahalin mo rin ako someday... kaya please... c-can i court you?" Wika niya, nanlaki naman ang mata sa huli niyang sinabi... a-ano daw? Liligawan niya ako? A-anong isasagot ko? hindi ko alam

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin sa bewang.

"Please elise... i'm begging you" umiiyak niyang pakiusap, hindi ko namalayang tumulo na rin pala ang luha ko.

"I will do everything para mahalin mo din ako... i know someday mangyayari din yan... but please... let me court you... hindi ko kakayanin na mapunta ka sa bestfriend mo akin lang... your mine elise your mine!" Umiiyak niyang wika, ayaw niya akong mapunta? Kanino? Kay josh? Pero hindi ko pa kumpirmadong may gusto siya sa akin

'Hindi pa ba kumpirmado nung hinalikan ka niya?' Tanong ng isip ko... may point ang isip ko, ewan ko kung bakit ako naguguluhan ng ganto, parang ako ang mababaliw kakaisip.

Paano kung malaman nila ma'am christine at sir benedick na nililigawan akong ng anak nila na boss ko, ano nalang magiging reaction nila.

Baka ayawan nila ako, baka hindi nila akong gusto dahil katulong lang nila ako... haysss ang dami kong problema, kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon.

Kapag pumayag akong ligawan ni sir, paano ako magpapaliwanag kay josh kung sakaling tama ang hinala ni sir na may gusto sa akin si josh, at ewan ko rin kung matatanggap ako nila ma'am christine.

Hindi ko alam ang isasagot ko, naguguluhan at kinakabahan talaga ako.

"S-sir?..." tawag ko sakaniya at unti unti naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Hahayaan mo na ba akong ligawan kita?" Tanong niya at parang tupang nagmamakaawa.

"A-amm sir... p-pwede bang bigyan niyo ako ng tatlong araw para pag-isipan yan?" Nahihiya kong pakiusap sakaniya, kailangan kong mag-isip sana ay pumayag siya.

"3 days?" Mahinahon niyang tanong at bahagya siyang yumuko at tumingin din sa akin kalaunan at may sumilay sa mukha niyang ngiti kaya bahagya din akong napangiti.

"Ok, i-i will give you 3 days para makapag-isip ka... thank you elise" ngiti niyang wika at bigla siyang yumakap sa akin at gumanti din ako ng yakap sakaniya.

KINABUKASAN

Habang nagkakape ako sa lamesa sa kusina ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi, hindi ko inakalang magmamakaawa siya sa akin...nakakatawa lang talagang isipin.

FLASHBACK

Natapos ko ng linisin ang mga kalat dito sa kwarto ni sir, ang dami niya talagang sinira jusko.

"Sige na sir magpahinga na po kayo" ngiti kong sabi sakaniya at humiga naman siya sa kama niya at nagkumot.

"Elise... before you go... can you please kiss my forehead?" Wika niya at nagpuppy eyes pa siya kaya naman ay napangiti ako at hinalikan ko na siya sa noo at ngiti ko naman siyang tinignan.

"Good night elise" ngiti niyang wika

"Good night sir" ngiti ko ring wika

FAST FORWARD

Ng makalabas ako ay halos magulat ako dahil nandito pa pala ang mga katulong at sila ma'am christine ang masaklap pa ay nakasandal sila sa pader at pinipigilan ang antok...hutek!

END OF FLASHBACK

Napailing nalang akong inubos ang kape, natatawa ako kapag naiisip ko yun hahahaha...

"Hoy!..." halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko ng bigla akong gulatin ni ruby sa likod ko

"Shit! Bakit kaba nanggugulat? Aishh" inis kong wika at napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko, itong babaitanh talagang to!

"Lalim yata ng iniisip ng manika nato..." mahina niyang sabi sapat na para marinig ko, umikot naman siya sa lamesa at umupo sa tapat ko.

"Ano? Kamusta? May label naba?" Ngiting pangalumbaba niyang wika at nagpupuppy eyes pa.

"Pinagsasabi mo?" Iwas kong tingin sakaniya at kumagat ng toasted bread.

"Deny pa more sis... nagulat talaga kami ng mapakalma mo si sir cyrus kagabi, alam mo nacucurious lang ako kung paano mo siya napakalma" wika niya at may pahawak pa sa baba at nagiisip.

"Hoy! A-anong bang iniisip mo diyan?" Wika ko, baka kung anong isipin nito nakakairita.

"Ayiieeee... kinikilig ang pwet ko sayo day... sana oll nalang talaga..." wika niya ng nay pataray pa.

Mayamaya naman ay dumating si ma'am christine dito sa kusina.

"Good morning ma'am" sabay naming bati kay ma'am christine

"Good morning din... i will talk to you later elise... but for now... please take care of cyrus magtatrabaho na kami" ngiting wika ni ma'am christine na tinanguan ko lang tsaka siya umalis.

Kinakabahan ako para mamaya, ano kayang paguusapan namin, hindi niya na rin ako natanong kagabi dahil antok na daw sila, gabing gabi na kase kagabi ng magingay si sir cyrus.

"Ano kayang paguusapan niyo elise?" Curious na wila ni ruby nagkibit balikat lang ako sakaniya, sana ay maging ok lang ang lahat kapag nalaman nila ang totoo.

___________________________________

Author: Mag pray tayo na sana maging maganda ang reaction ng parents ni cyrus kapag nalaman na nila ang totoo.

PLEASE VOTE GUYS, THANKS!

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now