CHAPTER 36

17.3K 328 2
                                    

CYRUS'S POV

Maaga akong nagising dahil excited na akong makita siya, agad agad akong nag shower at kumakanta kanta pa, ang saya ko ngayon yes!!!.

Pagakatapos kong mag shower at nag ahit ako ng bigot tumutubo na kase ehh, then nagbihis na ako ng pormal gusto kong makita niya ako na gwapo pa rin para lalo siyang mainlove sa akin 'Wow ang hangin mo' sabi ng isip ko, shut up little asshole!

Pagkatapo kong magasikaso ay dali dali na akong bumaba, nakasalubong ko naman si mommy na naka business attire.

"Good morning mom" bati ko sabay halik sa pisngi niya.

"Good morning, saan ang lakad mo?" Tanong naman niya.

"Susunduin ko po si elise ma, at lalayo na kami sa mga panirang tao" wika ko.

"What do you mean? Saan kayo pupunta?" Kunot noong tanong niya.

"Doon po sa mansion na pinagawa niyo para sa akin at para sa magiging future wife ko" sagot ko naman, pinagawan nga pala ako nila mommy at daddy ng sariling mansion 2 years ago para daw ready kapag nagkaasawa na ako, masyado kase silang advance you know🙄

Kagabi ko pa ito pinagiisipan ngayon buo na talaga ang desisyon ko, mag-sasama na kami.

"So si elise na ang future wife mo" taas kilay niyang tanong.

"Of course ma... you know how much i love her naman diba?" Kunot noo kong saad sakaniya.

"O-ok fine.. napaka swerte talaga niyang si elise... go anak pakasal na agad kayo ha?" Ani ni mommy na ikinangiti ko.

"Yes naman ma papakasalan ko talaga siya" proud na ani ko.

"Oh sya larga na" wika niya.

"Ayy sige po ma" paalam ko.

"Sige take care" ani niya pa at ngiting tumango lang ako bilang sagot at saka dali daling lumabas.

Nang makalabas ako ay pumunta agad ako sa grahe at sumakay sa kotse ko at mabilis ko na itong pinaandar

FAST FORWARD

Nandito na ako sa harap ng pinto nila at hingal na hingal, patakbo kase akong pumunta dito i can't wait to see her.

Kumatok naman ako kaagad at bumukas yun at bumunga sa akin ang papa ni elise.

"Oh cyrus ikaw pala ang aga mo ha" masayang ani niya.

"Good morning po... si elise po?" Agarang tanong ko.

"Ahh natutulog pa siya sa kwarto niya" ngiting wika niya.

"Ganun po ba?" Ani ko

"Oo halika tuloy ka" sabi niya saka binuksan pa ang pinto.

"Sige po" ani ko saka masayang pumasok sa loob at nakita ko ang asawa niya na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape ng makita naman ako ay bigla niyang naduwal ang kapeng iniinom niya.

"Ayy aray ko!!! Ho ho ho" mabilis niyang ibinaba ang kapeng hawak niya.

"Ano ba yan mahal mainit pa kase tunungga mo agad" alalang wika ng asawa niya at saka kumuha ng panyo at binigay iyon sa kaniyang asawa.

"Ok lang po ba kayo?" Alalang tanong ko.

"A-ahh o-oo iho n-nagulat lang ako sayo" ani niya at tuloy pa rin sa pagpunas ng damit niya.

"Ay sorry po" nahihiyang paumanhin ko.

"Ay nako wala yun... nasa taas pala si elise akyatin mo alam kong siya ang pakay mo dito" ngiting wika niya ngumiti naman ako at tumango saka nag tungo sa kwarto niya.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ni elise ay bumuntong hininga muna ako saka binuksan ang pinto.

And i saw my honey sleepibg peacefully, napangiti ako ng malapad finally i see her again.

Naramdaman ko ang pagngingilid ng luha sa mata ko, i really love this girl, siya ang buhay ko hindi kk hahayaan na mawala siya sa akin.. hindi ko talaga kakayanin.

Sinarado ko ang pinto at dahan dahang pumunta sa kama niya at umupo doon paharap sakaniya.

Hindi mawala ang ngiti ko ngayon, siya lang talaga ang nagpapangiti sa akin ng sobra.

I kiss her cheeks and her forehead

"I miss you honey i'm here na hindi na tayo muling maghihiwalay" mahinang wika ko saka ngumiti.

Nahiga ako sa tabi niya at nagkumot din, i hug her tight at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya, hindi ko muna siya gigisingin maaga pa naman, sasamahan ko muna siyang matulog, miss ko na yung dating magkatabi kami matulog yung niyayakap ko siya ng mahiglit at ngayon nagagawa ko na ulit iyon.

Pumikit naman ako at doon bumagsak ang luha ko.

"I love you honey" mahinang wika ko at ngumiti.

-To Be Continued.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon