CHAPTER TWENTYONE

9 1 0
                                    

Karina's POV

Nagpunta sa karinderia si Jurieta para sana magpasama kay Miya na mamili ng mga bagong make-up na gagamitin niya sa shooting subalit hindi siya masasamahan ni Miya dahil nagtatrabaho ito kaya itinuro ako ni Miya na ako na lang daw ang sumama kay Jurieta dahil day off ko ngayon. Ikinagulat ko ang pagtuturo sa akin ni Miya sapagkat hindi naman kami close ni Jurieta. Pumayag na lang ako para kay Miya.




Sinamahan ko na nga si Jurieta sa isang make-up shop. Tago itong lugar kaya walang tao para hindi siya makita ng mga fans niya.




Magkasama nga kami subalit hindi naman kami nagkikibuan o nag-uusap man lang.




Natuwa si Jurieta sa napili niyang lipstick at kinuha niya ito subalit sabay sila nung isang babaeng napahawak sa lipstick na iyon.




Maikli na pang old style ang buhok niya. Singkit ang kanyang mata. Sa pormahan niya ay mukha siyang artista gaya ni Jurieta.




"Excuse me, ako yung nauna." Sabi ni Jurieta.




"For your information, ako ang nauna. Inagaw mo nga sa akin si George diba?" Sabi nung babae na ikinagulat ko.




"Wala akong inaagaw sayo. Sadyang mas magaling lang talaga ako, Mona." Apela naman ni Jurieta.




"Teka." Pag-awat ko sa dalawa. "Pumili na lang kayo ng iba." Suggestion ko subalit ayaw nung dalawa hanggang sa nagkapisikalan na sila. Sinubukan ko silang awatin subalit ayaw nilang magpapigil hanggang ang manager na ng shop ang pumigil sa dalawa at tumigil naman ito.




"Tara dun sa labas. Dun tayo magtuos, Jurieta." Pagyayaya ni Mona at lumabas nga ang dalawa para ituloy ang kanilang away. HAYST! Humingi ako ng paumanhin sa manager at agad ko sinundan ang dalawa.




Umatake ng HOOK PUNCH and CROSS PUNCH si Mona. Nang masalag iyon ni Jurieta ay saka siya nagPUSH KICK dahilan para makadistansiya siya kay Mona. Umatake si Jurieta ng KNIFE HAND sa leeg ni Mona subalit nasalag iyon kaya isang PALM STRIKE ang ginawa niya at tumama iyon sa dibdib ni Mona. Sabay silang bumwelo at nagkasabay din sila nagSPINNING HOOK KICK at nagcross ang kanilang mga paa. Mabilis nilang ibinaba ang mga paa nila at muli nilang hinarap ang isa't-isa.




Natulala ako sa labang silang iyon sapagkat hindi ko lubos akalain na may alam pala sila sa martial arts lalo na si Jurieta.




Kinuha ni Mona ang sirang bangko at inihagis na siya namang nailagan ni Jurieta saka ito lumapit. NagROUND HOUSE KICK si Mona at muli iyong nailagan ni Jurieta saka siya nagJOB at REVERSE PUNCH subalit nasalag iyon ni Mona at nagAXE KICK naman ito na siyang mabilis ding nailagan ni Jurieta. NagJUMPING FRONT KICK si Juierta subalit naiwasan iyon ni Mona saka ito nagJUMPING ROUND HOUSE KICK. Sa pagkakataong iyon, ay hindi nagawang iwasan ni Jurieta ang sipang iyon kaya bumagsak siya at napahiga sa lupa.




Nilapitan siya ni Mona at inupuan sa tiyan saka sinakal. Kinurot naman siya ni Jurieta sa magkabilang pisngi saka iniangat ang paa at iniabot niya si Mona sa ulo ng sipa sabay sampal niya at tulak dito pagkatapos ay mabilis siayng tumayo.




Nilapitan niya si Mona at inapakan subalit nakaiwas si Mona gamit ang ROLLING saka mabilis na tumayo.




Nagpormahan ulit ang dalawa.




Sumugod si Mona at umatake ng JOB and STRAIGHT PUNCH ng tatlong beses na naiilagan ni Jurieta saka niya sinikmuraan ng dalawang beses si Mona gamit ang UPPERCUT PUNCH kaya napayuko ito.




Bumwelo si Jurieta at nagSPINNING HOOK KICK subalit umupo si Mona sabay slide ng kaliwang niyang paa para isweep si Jurieta kaya muli itong bumagsak at sa pagkakataong iyon ay matindi ang pagkakabagsak ni Jurieta kaya hindi ito nakatayo kaya sinamantala na ni Mona ang pagkakataong iyon.




Nang papalapit na si Mona kay Jurieta ay agad na tumayo si Jurieta at umatake ng BACK KICK. Sa lakas ay tumilapon si Mona sa basurahan at nagkalat ang mga basura.




Pagkalapit ni Jurieta sa kaaway niya ay hinagisan siya niyo ng mga basura kaya hindi natuloy ang paglapit nito kay Mona.




"YAK! Can you please stop throwing me that dirty things of yours?!" Sambit ni Jurieta habang sinasalag at iniiwasan ang mga basurang ibinabato sa kanya.




Parehas kaming nagulat ni Jurieta nang tumayo si Mona na may hawak na basag na bote.




Pasigaw siyang sumugod kay Jurieta sabay habas ng basag na boteng kanyang hawak na siyang maingat na iniwasan ni Jurieta saka niya PINUSH KICK si Mona. Tumakbo si Jurieta sa akin at nagtago sa likuran ko kaya ako naman ang hinabas ni Mona. Dalawang beses ko iyong iniwasan saka ko siya niREVERSE PUNCH sa mukha kaya napaatras siya.




Ako naman ang nagtago sa likod ni Jurieta nang muling humabas si Mona. Sinalag iyon ni Jurieta saka niya sinuntok ng talong reverse punch si Mona. Una ay sa sikmura sunod ay sa dibdib at panghuli sa mukha.




Nang tumakbo si Jurieta ay hinabol siya ni Mona hanggang sa sinampa ni Jurieta ang isa niyang paa sa pader at pinanipa iyon kay Mona.




Napalakas ang sipa ni Jurieta kaya hindi nakatayo si Mona.




Hinawakan ni Jurieta ang kamay ko at hinila ako patakbo.

MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now