CHAPTER FOURTEEN

6 1 0
                                    

Author's POV

Naisipan ni Aling Mila na bigyan ng day off ang anak niyang si Miya at ang trabahador nitong si Karina kaya sa araw na ito ay hindi sila nagbukas ng karinderia nang sa ganon ay makapagpahinga sila pare-pareho.

Sakto rin na day off ni Raina kaya ang tatlong magkakaibigan ay napagplanuhang umalis para mamasyal.

Una silang nagpunta sa sinehan at nanood ng tatlong pelikula gaya ng romantic movie, horror movie at siyempre hindi mawawala ang paborito nila... Ang ACTION MOVIE!

Pagkatapos ay pumunta sila sa restaurant nang makaramdam sila ng gutom dahil sa haba ng kanilang pinanood.

Sunod na pumunta ang tatlo sa mall nang magyaya si Karina magshopping.

Sa kanilang tatlong magkakaibigan, si Karina ang fashionista. Talagang mahilig siyang magshopping noon lalo na nung nabubuhay pa ang kanyang ina. Dahil sa hilig nito sa fashion, ay dati siyang naging model sa mga brand clothes at commercials.

Habang nag-eenjoy sina Karina at Miya sa pamimili ng mga damit na bibilhin ay tila nababagot ang kaibigan nilang si Raina.

"Ang KJ mo naman!" Sabi ni Miya kay Raina.

"Pasensya na hindi kasi ako mahilig sa ganitong shopping..." Tugon ni Raina.

"Ano bang shopping ang gusto mo, Raina?" Tanong naman ni Karina.

Tinignan ni Raina ang dalawa at ngumiti ito.

Pagkatapos nilang magshopping ay agad silang niyaya ni Raina sa lugar kung saan siya madalas pumunta para mamili.

Natulala sina Karina at Miya nang makarating na sila sa lugar na madalas puntahan ni Raina.

Mahilig naman din pala magshopping si Raina... Subalit hindi mga damit ang kanyang pinamimili, kundi ang iba't-ibang uri ng sandata!

At the Weapon's Shop...

Bumaligtad ang sitwasyon.

Kung kanina ay sina Karina at Miya ang nag-eenjoy sa pagshoshopping, ngayon ay si Raina naman!

Kinuha ni Miya ang kamagong na chako at sinubukan ito subalit hindi siya marunong kaya tumaman iyon sa kanyang ulo. Tinawanan naman siya ni Karina sapagkat ang akala ni Miya ay madali lang ang magchako dahil napapanood naman nito si Bruce Lee. Napailing naman si Raina sabay agaw ng chako kay Miya. Bahagya siayng lumayo at nagdemonstrate ng ilan sa mga nunchucks techniques na ikinamangha ng dalawa niyang kaibigan lalo na si Miya.

Hindi naman talaga nag-aral ng chako si Raina subalit marunong siyang mag-arnis kaya alam niya kung paano gamitin ang iba't-ibang uri ng sandata dahil halos ang mga techniques ay nahahawig sa arnis maliban lang sa mga baril.

Naglibot na muna si Miya para tumingin-tingin ng mga sandata. Mukhang nagsisimula na rin itong mahilig sa mga weapons gaya ni Raina! Naiwan namang magkasama sina Raina at Karina at kinuwentuhan siya ni Raina tungkol sa mga sandata na ikinatuwa ni Karina.

"Kailan ka pa nahilig sa mga weapons?" Curious na tanong ni Karina.

"Simula pagkabata pa." Tugon naman ni Raina.

"Madali lang ba?" Tanong pa ni Karina.

"Hmm... depende kung gusto mo yung ginagawa mo. Ang arnis ay isa sa pinakapraktikal na sandata dahil once na natuto ka nito, kahit wala kang arnis, kaya mo pa ring lumaban."Sa ipinaliwanag ni Raina ay tila hindi nakuha ni Karina ang pinpunto ng kaibigan.

MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now