CHAPTER SIX

11 1 0
                                    

Author's POV


Makalipas ang ilang araw ay naging abala si Karina sa kanyang trabaho sa karinderia nina Miya. Isa siyang errand girl (utusan) kapag may mga kailangan sa karinderia.




Minsan isang gabi ay medyo ginabi na siya ng uwi dahil sa kanyang pagdedeliver. Nagmamadali siya kaya naisipan niyang dumaan dun sa isang madilim na kalsada na medyo malapit sa kanilang karinderia.




Ngunit habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalye na iyon ay tila may kutob siya na parang may hindi magandang mangyayari sa gabing iyon.




Sa hindi kalayuan, ay may natanaw siyang tatlong lalaki na tila may hinihintay. Bigla siyang kinutuban, dahil mukhang siya talaga ang inaantay ng tatlong lalaki. Nang palapit na siya ay biglang kumilos ang mga lalaki at hinarangan yung kanyang dadaan.




"MISS, BUMABA KA DYAN, HOLD-UP ITO! LABAS MO NA LANG LAHAT NG PERA MO AT SUMUNOD KA LANG SA'MIN PARA HINDI TAYO MAGKASAKITAN DITO..." Deklara ng holdaper habang hinaharangan siya.



"Kunin nyo na lang po yung pera ko sa bulsa wag na lang po yung nasa bag ko kasi hindi po akin yun..." Sagot naman ni karina.




"Pre, kunin mo na pera nyan. Kapkapan mo na yan para makuhan natin yung pera nyan!" Sabi nung isang holdaper.




Habang kinakapkapan si Karina ay sinasabayan pa siya ng panghihipo ng mga ito ngunit hindi makakilos si karina dahil may nakatutok na kutsilyo sa harapan nya.




Inantay nya munang makapasok sa bulsa ng short nya yung kamay nung isang lalaki saka niya ito hinwakan sa kamay at sinipa niya ang kamay nung may hawak na kutsilyo, sapat para mabitawan yung kutsilyo nito. Tapos ay inapakan niya yung paa nung isang nakahawak sa kanya.




Yung lalaking nakapasok ang kamay sa bulsa ng short nya ay agad niya hinawakan sa kamay at sinipa niya rin ito ng sidekick sa tiyan. At nagkarambulan na sila dun sa madilim na kalsadang iyon.




Sa kalagitnaan ng rambulan, ay aksidenteng napadaan si Mang Porong sa lugar na iyon habang nagtitinda ng tinapay.




Nagulat ito nang makitang si Karina pala yung napapa-away. Kaya dali-dali itong lumapit para tulungan si Karina. nakipaglaban na rin si Mang Porong.




Ngunit sa hindi inaasahang panahon ay bigla na lang nasaksak si Mang Porong sa tagiliran....




Nabigla din si Karina sa nasaksihan.








"Mang Porong!"  Sigaw ni Karina.




Sinuntok niya yung isa sa mga lalaki para masaklolohan ko si Mang Porong.



Agad niya namang nahawakan si Mang Porong, ngunit habang hawak siya ni Karina ay papalapit na yung lalaki sa kanila at uundayan na si Karina ng saksak, nang biglang may pumalo sa kamay nito.




"AGH!" Sigaw ng lalaki matapos tamaan ng pamalo.




Isang babae ang nakita ni Karina na may dalang arnis.



Gaya ni Karina ay maiksi ang buhok nung babae subalit hanggang balikat iyon samantalang ang kay Karina ay hindi lalagpas sa balikat. Mayroon din siyang bangs gaya ng kaibigan ni Karina na si Miya pero paside naman ang sa babae. Singkit ang mga mata ng babae, matangos ang ilong at balingkinitan.





MARTIAL ARTS VENGEANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon