CHAPTER ONE

20 1 0
                                    

Karina's POV

Ang pag-aaral ng Martial Arts ay walang katapusan. Ito ay panghabang-buhay. At ang pamamahagi ng kaalaman ukol dito ay hindi basta-basta isinasagawa. Kinakailangan munang obserbahan kung ang taong bang yun ay karapat-dapat. Alam kong mahirap pang intindihin sa ngayon subalit balang araw, mauunawaan niyo rin kung ano nga ba ang Martial Arts. Hindi lang sa pagsasanay ng pisikal kundi sa pagsasanay din ng puso at isipan.





Mayroong nagaganap na discussion dito sa Mushiki No Ken Dojo. Ang dojo ay isang lugar kung saan isinasagawa ang lahat ng pagsasanay sa martial arts. (Gym, Dojang, ilan sa mga tawag sa dojo)  Ang papa ko ang nagtuturo dito magmula ng ipromote siya ni Shihan Funakoshi, ang may-ari ng dojo, bilang isang bagong Karate Grand Master. Shihan means Grand Master. Gumagamit sila ng Japanese term dahil ang klase na ito ay tungkol sa Karate.





Lahat kame ay nakasuot ng proper uniform bilang pagsunod sa patakaran. Gi ang tawag sa yuniporme namin. At meron ding sinusuot na belt bilang simbolo ng antas o rank ng isang practitioner.





Karamihan dito ay Junior Black Belter. Mayroon din namang brown, purple, blue, orange at yellow. Kaunti lang kameng white ang belt. Ang white ay para sa mga baguhan, tulad ko. Ngunit sa totoo lang, hindi naman ako interesadong matuto ng martial arts, hindi ko alam kung bakit ako pinipilit ng aking ama na matuto nito. Ngunit bilang respeto sa aking ama, pumayag na rin akong matuto nito kahit kaunti muna. Naisip ko rin na hindi ko naman kailangang aralin ito lahat dahil iilang galaw lang naman talaga ang kailangan mo sa tunay na laban. At naisip ko rin na tama na siguro ang mga kihon (basics) ng karate para sa akin.





Sa sobrang bagot ko ay napagdesisyonan ko nang tumayo at maglakad patungo sa pintong likod para lumabas.





"Karina, hindi pa tapos ang talakayan. Bumalik ka sa puwesto mo" Utos ni papa nang mapansin niyang malapit na ako sa pinto.





Nilingon ko siya. Lahat sila ay nakatingin sa akin pati na rin si Shihan Funakoshi. Tinalikuran ko na sila at lumabas na ako.





Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa garden.





MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now