CHAPTER THIRTEEN

6 1 0
                                    

Karina's POV


Umalis ako ng karinderia nang utusan ako ni Aling Mila na bumili ng mga gulay pangsahog sa pagkain. Pagkadating ko ng palengke, ay sinimulan ko nang maghanap ng bibilhing gulay.





Habang namimili ako ng bibilhin ay isang takbuhan ang naganap dito sa palengke.




Hinahabol nung babae yung tatlong lalaki.




Gaya ko ay maiksi ang kanyang buhok subalit kulot ang kanya. Singkit din ang kanyang mga mata gaya ng kay Raina. Mas matangkad pa siya sa akin. Maamo ang kanyang mukha subalit mabangis siya kung makipaglaban kahit na paa lang ang ginagamit niya. Gamitin man niya ang kanyang kamay subalit pangsalag lamang.




Biglang nagtago sa likuran ko yung isang lalaking hinahabol nung babae kaya hindi tuloy makaatake yung babae.




Sa sobrang inis niya ay umatake siya ng ROUND HOUSE KICK . Bagamat yung lalaki ang target niya pero alam kong madadamay ako kaya sinalag ko iyon at isang aksidenteng REVERSE PUNCH sa kanyang mukha ang aking nagawa.




Parehas kaming nabigla sa nangyari dahil hindi ko namang gusto na iREVERSE PUNCH siya. Nakasanayan ko na kasing gumanti pag nasasaktan ako ng pisikal.




"SORRY!" Sabi ko sabay lapit sa kanya.




Sinipa niya ako ng PUSH KICK para patigilin ako sa paglapit sa kanya saka niya ako inatake ng SPINNING HOOK KICK at inabot ako sa mukha. Sa lakas ay tumumba ako.




Sinugod siya nung lalaki at inilagan ng babae yung WILD SWING PUNCH, isang uri ng suntok na madalas makikita sa away kalye. Pagkalagpas nung lalaki ay isang JUMPING BACK KICK ang ginawa ng babae sa kanya at sa lakas ay natumba ang lalaki. Nilapitan pa ng babae ang lalaki upang atakihin kahit na bagsak na ito nang may isang lalaking patakbo papunta sa kanila. May dala itong malaking itak na ginagamit pangkatay ng baboy subalit hindi iyon namamalayan ng babae.




Bumangon ako at mabilis na tumakbo papunta sa kinatatayuan ng babae saka iniwas ko siya sa lalaking muntik na siyang mataga.




Itinulak ako papalayo nung babae nang biglang umatake ulit yung lalaking may itak. Iniwasan ng babae ang pagtaga ng lalaki saka siya nagSCISSOR KICK, isang teakwondo techniques na nagpabagsak sa lalaki.




Yung lalaking nagtago sa likod ko kanina ay bigla akong kinuha at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Hinawakan ko ang parteng kamay niya na may hawak sa kutsilyo sa wrist saka mabilis na inilayo ko ito kasabay din non ang paglayo ko sa aking ulo para siguraduhing hindi ako masusugatan at nang mahawakan ko siya sa balikat ay ginawa ko ang SHOULDER THROW TECHNIQUE ng judo na itinuro sa akin ni Miya. Sinundan ko pa ito ng DOWNWARD REVERSE PUNCH sa dibdib ng lalaki.




Tinulungan ko na yung babae. Isang REVERSE PUNCH ang ginawa ko sa mukha ng lalaki at THIGH KICK naman ang ginawa nung babae dun sa lalaki. Sunod-sunod na VERTICAL LEAD STRAIGHT at REAR STRAIGHT ng winchun sa dibdib ng lalaki ang sunod na aking ginawa at FRONT KICK subalit hindi pala iyon ang balak niya kundi ROUND HOUSE KICK ang ginawa niya sa lalaki. Isang FAKING TECHNIQUE iyon.




May mga dumating na pulis kaya hinawakan ako sa kamay nung babae at hinatak patakbo. Nang makalayo na kami ay saka kami tumigil. Medyo malayo din ang tinakbo namin kaya hiningal kami.




"Pasensya ka na Miss. Nadamay ka pa tuloy sa gulo." Sabi nung babae.




"Sino ba yung mga yun?" Tanong ko.




"Pinagtripan kasi nila ang kapatid kong babae kaya yun ako ang bumalik para gantihan sila." Sagot niya. "Ako nga pala si Cynthia. Ikaw? Sino ka naman?"




"Karina." Tugon ko. "AY! MAMAMALENGKE PA PALA AKO! Sige na, aalis na ako!" Nagmamadaling paalam ko sa kaniya.




"Sasamahan na kita bilang pasasalamat ko sa tulong na ginawa mo sa'kin kanina." Presinta niya. Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon at namalengke na nga kami.




Pagkatapos naming mamili ay sinamahan pa rin ako ni Cynthia pabalik ng karinderia para siguraduhing ang kaligtasan ko dahil baka nakatakas yung mga lalaki kaninang nakaaway niya at nakilala ako.




Nang maihatid niya ako ay agad din siyang umalis.




Umalis si Miya para sa huli niyang idedeliver at balak niyang sunduin si Raina para magsanay kami ngayon. Bumalik naman si Cynthia sa karinderia nang nakapagligpit na ako dahil isasara na namin ang karinderia. Sakto namang magsasanay ako at sumama na si Cynthia sa training.




Tinuruan niya ako ng TAEKWONDO TECHNIQUES dahil taekwondo player pala siya.




Itinuro niya sa aking ang SCISSOR KICK at TWISTING KICK. Taekwondo advance kicks ito kaya hindi ganoon kadali makuha. Kinakailangan pa itong praktisin ng maigi bago maisagawa ng maayos.




Natigil ang aming pagsasanay ni Cynthia nang dumating na sina Miya at Raina at tila nagulat ang dalawa nang makita si Cynthia.




"MS. CYNTHIA LEE?!" Gulat na natutuwang wika ni Miya.



"Ikaw si Queen of kicks, di'ba?" Gulat na tanong ni Raina kay Cynthia.



"Oo, ako nga." Nakangiting tugon naman ni Cynthia.



"Queen of kick?" Nagtatakang tanong ko.



"Nag-e-extra siya sa mga pelikula. Stunt woman siya eh! Nakasama niya na rin ang idolo kong celebrity na si Jurieta!" Natutuwang pagkukwento ni Miya.



"Pwedeng magpaselfie?" Tanong ni Raina kay Cynthia.



"Ako rin!" Sabi din ni Miya.



"Sige!" Pagpayag ni Cynthia at nagselfie nga sila.



Umupo na muna ako habang abala sila sa pagseselfie. Ok... Nakaka-out of place ang topic. Hindi ako relate...



"Karina, salamat ulit sa tulong mo sa'kij kanina ha? Sige, aalis na din ako." Paalam ni Cynthia at umalis na ito.



"Tulong? Anong tulong yung sinabi niya, Karina?" Kunot-noong tanong ni Raina.



"Tinulungan ko lang siya sa mga lalaking nakaaway niya." Tugon ko.



"WOW! ANG COOL MO NAMAN KARINA! Pwedeng paselfie?" Tanong ni Miya na ikinagulat ko.



"Ako rin!" Sabat ni Raina na ikinagulat ko.



Pinagitnaan nila ako at sabay selfie.



"YIEEE!!!!! Ito Yung first picture nating tatlo together!" Masayang sabi ni Raina habang tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang picture namin.

MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now